Chapter Nineteen

7.9K 201 13
                                    

Chapter XIX

"AYOS ka lang ba?" Tanong ni Maricris sa kanya. "You're pale as vinegar! Dalhin na kaya kita sa ospital?"

"I'm okay, just need a little rest." She weakly said. "Kumusta na kaya ang mga bata?"

"Relax, nandyan ang panganay mo. He would take control" Maricris assured. Tama naman siya, sana lang at maging maayos ang lakad na ito.

She can't afford to make her son, Slyther, unhappy.

"My?" Speaking of Slyther, "Hi, My.. are you okay?"

"Y-Yes, anak.. lalabas na rin kami ni Tita mo" She smiled. "Diba, Ate?"

"Great! magswiswimming na kami nila Daddy. Pakisabi na lang po kila Kuya at Huffle na sumunod, thanks Mommy!"

Iba ang saya na nararamdaman ni Maricar sa tuwing nakikita niyang masaya ang mga anak. Kaya kahit nahihirapan siya sa sitwasyon ngayon ay kakayanin na lamang niya, basta para sa mga anak.. kakayanin niya.

Ilang sandali pa at lumabas na sila ng Villa. Gryffin and Slyther together with Dominic and Abby were already in the water.

Naririnig na niya ang tawanan ng mga ito. "Huffle was already four when Dominic got Cynthia pregnant right?" tanong ni Maricris.

"Yes"

"So why she looks like a 13-15 year old girl?" Tumingin si Maricris sa kapatid. "Matagal ka ng niloloko ni Dominic, matagal na siyang may anak kay Cynthia! That's why after Slyther he barely goes home."

"I don't care" Maricar said "13 o 15, he already cheated on me, tanggap ko na" she looked into Maricris eyes. "Ang iniisip ko na lang ang mga bata, papaano nila ito tatanggapin?"

"Mommy!" Finally, bumalik na rin ang magkapatid. "I'm sorry for walking out" yumakap si Huffle sa kanya.

She brushed her hair and kissed her head "It's okay, Puffie"

"Nasaan po sila?" Tanong ni Raven sa ina.

"Oh,they're there.." turo ni Maricris sa mga kapatid na nasa dagat na at nagkakasiyahan. "sabi ni Slyther ay sumunod na kayong magkapatid doon, ako ng bahala sa Mommy ninyo."

Tumango na lang si Raven pagkuwa'y hinawakan ni Maricar ang kamay nito "Anak, para kay Slyther.. let's put down the boundaries for a while"

"I'll try, My"

As expected, Raven didn't failed her. Nakisakay ito sa mga palaro ng kapatid at sa tuwing nagkakatinginan silang magina ay napapangiti siya.

"Oh, nandiyan na sila Eugene!" Giliw na sambit ni Maricris at sinundo ang asawa't mga anak.

"Hi, Ninang!" Bati ni Eury at Eumee pagkuwa'y tumakbo na papunta sa beach para makisali sa mga pinsan.

"Uge?" Nanlaki ang mga mata ni Eugene at sinalubong ng yakap si Dominic.

"Dude, kumusta ka na! Long time.." Maricris let out a fake cough. "Anyway, you're looking good"

"Salamat, Bilas!" Nagkatawanan pa ang dalawa at pumunta na sa dagat din para sundan ang mga bata.

"Nalimutan kong close nga pala sila..." Ani Maricris sa kapatid na ngayon ay nakatingin lang sa malayo. "Hey, are you okay?"

"Hindi ko lang maiwasang isipin.. what if, hindi niya ako iniwan? What if, kumpleto parin kami.. ano kayang buhay mayroon kami ngayon?"

"Kung hindi ka niya iniwan.. wala kang Wizard's, wala kang Tristan at wala kang baby bunso" sabay sapo sa kanyang wala pang umbok na tiyan. "Oo hindi maganda ang ginawa niya sa'yo but.. Pain isn't always ugly, most of the time things are better learned the hard way"

"What do you mean?" She asked.

"You know what, I never got to say this before but I like who you are now. Kung hindi nangyari ang lahat ng ito sa'yo,hindi mo matututunan na mahalin ang sarili mo"

She was right.

The night came and they're all in a candle light dinner on a floating restaurant. Halos nakasundo agad ni Abby ang mga kapatid maliban kay Raven.

Abby reaches out to Huffle, that's why it wasn't so hard for her to let Abby in. At least, she's nice..

"Sinong artista ang late ng nakakatulog?" Tanong ni Abby sa kanila, napaisip naman ang mga ito.

"S-sino?" tanong ni Huffle.

"Edi si Enrique!" Natahimik silang lahat. "Enrique Gil--Puyat!"

Ganun na lang ang lakas ng tawanan nila, she really has a humor. However, she still needs to practice lalo na hindi pa rin benta kay Raven ang joke niya.

"Oh, here's the birthday cake!" Ani Dominic, tumayo siya at kinuha sa staff ito't nilapit sa anak.

As they all sing a Happy Birthday song..

"Happy Birthday, Happy Birthday.. Happy Birthday to you!" pumalakpak silang lahat.."Make a wish!"

Tahimik si Slyther na tumingin sa kanila, they all, too, kept quiet and let the birthday boy have his moment.

He smiled to his dad, to his mother, to his siblings and relatives. Finally, he knows what to wish!

"Sana ganito na lang tayo ulit, ganito kasaya" pagkuwa'y hinipan na ni Slyther ang kandila.

"Yehey!"

Nagkatinginan ni Dominic at Maricar. He smiled at her so she did the same.

"Dad..Mommy.. Thank you so much, this is the best birthday ever!" ani Slyther.

~¤~¤~

"GOOD night, Dad!" Paalam nila sa ama bago pumasok ng bahay. It's already 11 P.M nang makarating sila sa bahay, it's tiring but the children enjoyed it and that's what matters most.

"So, this is it.. Salamat" Maricar said yet when she was about to turn, Dominic held her hand.

"Maricar" He advanced "S-salamat sa pagpayag, you didn't know how much it means to me"

Halos hindi makahinga si Maricar sa lapit nilang dalawa.

"W-walang anuman, umuwi ka na.. G-gabi--" he cupped her face and caressed her cheeks. "Dominic.."

"I missed you.." he murmured yet when he was about to do it.. the door opened.

Napaatras si Maricar at sinalubong ang mga matang halatang nangangailangan ng explanasayon.

"Tristan.."

Once a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon