Chapter Twenty-Two

7.9K 197 5
                                    

Chapter XXII

NAGHAHALONG init at lamig ang nararamdaman ni Maricar sa buong sistema niya ngayon.

Yes, she's crying but its tears of joy.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya" sambit ni Tristan, "pero bigyan mo pa ako ng pagkakataon, babawi ako sa inyo" Kahit nasa malayo ay nakikita niyang nagtutubig ang mga mata nito.

"I love you" dagdag nito.

Hindi nakaimik si Maricar, she was speechless!

"My, sorry na daw po sabi ni Tito Tristan!" Sigaw ni Slyther. "Patawarin niyo na po"

"Oo nga po, My! Nakakahiya na rin kasi sa kapitbahay, baka nabubulabog na namin sila" Dagdag pa ni Gryffin. Hindi tuloy niya napigilan ang sarili na matawa at doon lang niya napagtanto na may luha na rin ang mga mata.

"My, I'm going to be an Ate na!" excited na tili ni Huffle.

Si Raven na lang ang hindi nagsasalita, hindi naman na bago iyon. Maricar just looked at her son and she knew, masaya din ito.

Bumaba siya't sinalubong si Tristan ng isang mahigpit na yakap.

"I miss you, too" Bulong ng fiancé sa kanya. "I received your voice message, you have no idea how much I've missed you"

"Yiee!" Kanstaw naman ng mga anak na nasa likod nila. "Tara na, alis na tayo. Nakakaistorbo na tayo" Ani Gryffin na mas kinatawa nilang lahat.

"But, My. Is it true? Magkakaroon na kami ulit ng kapatid?" Tanong ni Slyther.

Nagkatinginan si Maricar at Tristan na ngayo'y magkaakbay. "Oo, anak" She smiled as they all clap their hands in unison.

"Sana girl para naman hindi na ako nagiisa!" ani Huffle pero syempre kinontra iyon ng mga kuya.

"Lalaki iyan dahil bubuo na kami ng basketball team, 'di ba Tito Tristan?" Ani Gryffin at tuloy-tuloy na ang kwentuhan nilang lahat.

This is what she missed the most. Late night's with her children and Tristan.

"Anong ginawa mo sa tatlong araw na hindi mo ako nakikita o nakakausap?" tanong niya sa mapapangasawa nang maiwan silang dalawa.

"Wala" Tristan answered. "Alam kong sanay kang nagtratrabaho ako kapag nagaaway tayo pero--" inipit nito ang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha niya't nilagay sa likod ng tenga. "Hindi ako makapagtrabaho ng maayos ng mga araw na iyon, ikaw palagi ang nasa isip ko"

Bumaba ang kamay nito sa wala pang umbok niyang tiyan, "kayo"

May kung anong presensya na humaplos sa dibdib ni Maricar, "Tatlong araw, ikaw at ang magiging anak natin ang naiisip ko" Nangilid ang mga luha ni Maricar.

"About kay Dominic, wala ka naman--" Hindi na siya nakapagsalita nang sakupin ni Tristan ang labi niya.

"Shh" Ani Tristan pagkatapos ng halik as he caressed her cheeks. "I'm sorry.." he lovingly said.

"Babawi ako sa iyo. Sa sobrang busy ko hindi na kita naalagaan" Dagdag niya. "Don't worry because starting tomorrow, pupunta lang ako sa office then pagbalik ko. My time will be all yours" pagkuwa'y mapagmahal siyang tinignan nito.

She cupped his face and kissed him back. "No, I'm sorry" aniya.

Ngumisi si Tristan at pinulupot ang kamay sa bewang niya pagkuwa'y pinaulanan ng halik si Maricar.

"Damn, I missed you!"

"I missed you, too" Sagot naman ni Maricar.

Napatili na lamang si Maricar ng buhatin siya ni Tristan papasok ng kwarto at nilock ito.

Once a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon