Chapter Six

11.4K 263 3
                                    

Chapter VI

"NASAAN si Maricar?" Nagulat ang lahat ng marinig ang pagsigaw ng isang lalaki.

"Sir, huwag ho kayong mageskandalo rito" saway ng security guard. "Sa labas na lang ho kayo--"

"No!" Angil nito. "Hindi mo ba ako kilala? I am Dominic Delaverde and she, Maricar Delaverde is my wife!"

"Sir, hindi nga po Delaverde ang apelido ng amo namin--"

"Hindi ka ba nakikinig o sadyang bingi ka lang talaga?" Galit nitong sigaw. "Tawagin mo siya, sabihin mo si Dominic, asawa niya"

"Sir, kilala ho namin ang amo namin at nakakasiguro kaming hindi ikaw ang asawa niya" sambit nito.

Napakunot ang noo ni Dominic. Ano ba ang sinasabi nito sa kanya? "Alam kong nandito siya--"

"What are you doing here?" Natigilan si Dominic ng makita ang asawa. "P-paano mo nalamang nandito ako?"

Lumapit ito sa kanya't niyakap siya ng mahigpit. "Dalawang linggo na kitang hinahanap,k-kayo ng mga bata" aniya sa asawa.

"Dominic.." she tried to move away from him but he was too strong for her. "Dominic, not here--"

"A-ano bang problema? Magusap naman tayo. Paguwi ko sa bahay ay wala na kayo ng mga bata, may iba ng naninirahan!" Ani Dominic as he cupped her face. "Miss na miss ko na kayo--"

"Dominic!" She pushed him away bago pa nito matuloy ang tinatangkang paghalik sa kanya. "Dominic, n-not here" bulong niya.

Nakakahiya sa mga customer na nagsisipasok. Ano na lang ang sasabihin nito sa kanya?

"Ma'm, pumasok na po kayo at kami na pong bahala sa kanya" ani ng security guard pagkuwa'y inilayo si Dominic sa kanya.

"Sinabi ng huwag mo akong hahawakan!" tinulak nito ang guardya at hinawakan si Maricar sa braso.

"Kuya Peng!" Sigaw niya nang humandusay sa sahig ang guardya. "Dominic, what were you thinking!"

"Uuwi na tayo!" Hinatak siya nito papasok sa sasakyan. "Pasok!" Wala na siyang nagawa pa at pumasok na lang sa loob.

"D-Dominic, maghunos dili ka! Nasa daan tayo, baka mabangga itong sasak--"

"I don't care!" Putol niya. "You have a lot of explaining to do, Maricar. Please, naguguluhan na ako!"

"Okay, just please calm down.."

Dinala siya ni Dominic sa condo unit na pagmamayari pa ng dating biyenan. "D-dito ka nakatira?"

"Explain." Utos nito.

"B-but how about Cynthia?" Hindi niya maiwasang itanong ngunit ng marinig ni Dominic ang pangalan ay tila nagaapoy sa galit ang mga mata nito.

"Who. Is. Cynthia?" Tanong nito habang hindi inaalis ang mga mata sa kanya.

Napabuntong hininga si Maricar. "She's your wife, Dominic" napasinghap na lamang siya ng ihagis nito nag baso sa sahig.

"Bullshit!" Sigaw ni Dominic. "H-hindi ko siya kilala--"

"That's because it's not 1998 anymore, Dominic!" Sagot niya. "You met her a year after" she said.

Lumapit ito sa kanya at kinulong ang mga mukha sa palad. "N-no, you're my wife.. I-ikaw ang mahal ko--"

Umiwas si Maricar sa kanya. "Dominic"

Naginit ang mga mata ni Dominic at hindi pa rin maunawaan ang mga nangyari. "This can't be happening, sabihin mong nagbibiro ka lang"

Umiling si Maricar. "I'm sorry"

"H-hindi maari, paano sina Raven at Gryffin? Kakapanganak mo pa lang kay Slyther hindi ba?" Lumapit itong muli sa kanya at hinawakan siya kamay. "H-hindi ko kayo maiiwan--"

"But you did, Dominic." Nababasag na ang boses ni Maricar. "You did left us, seven years ago"

Napaatras si Dominic sa kanya at napasandal sa dingding. "H-how.. h-hindi ko magagawa sa inyo.. h-hindi"

"We're already annulled and you are already married. May anak ka kay Cynthia--"

"What?" Nagtatakang tanong nito. "M-may anak ako kay Cynthia?"

Tumango si Maricar. "Y-yes and you love her so much--"

"S-sandali, m-may anak kami?" Tumango muli si Maricar, bakit parang hindi siya makapaniwala?

"We have already moved on, Dominic. Please, don't bother us anymore--" bago pa siya makalabas ng condo ay hinawakan siya nito sa palapulsuhan at kinabig sa dibdib.

"H-hindi ko siya mahal. I-ikaw ang asawa ko.. m-magsama tayo ulit.. k-kayo ang pamilya ko" he cried.

Tama ba ang nangyayari? Umiiyak si Dominic sa kanya. "M-mahal kita, Maricar.." at gayun na lamang kabilis ang pangyayari, he just claimed her lips.

Nanlaki ang mga mata ni Maricar at tinulak ito.

"Maricar--" binigyan niya ito ng isang malakas na sampal.

"T-tama na, Dominic! Iniwan mo na kami, matagal mo na kaming kinalimutan at ganun rin kami sayo. So please, huwag mo na kaming guluhin pa!" Tumakbo si Maricar papalabas ng condo at agad sumakay ng taxi pabalik ng Wizard's- that's the name of her restaurant.

Hindi na napigilan ni Maricar na maluha sa nangyari. How dare he come to see her and drag her to the place that reminds her of many things.

Beautiful memories, to be exact.

"Ma'm, ayos lang ho ba kayo?" Tanong ng taxi driver sa kanya't inabutan siya ng tissue.

"S-salamat po"

Hindi niya naiwasan na mahawakan ang labi. Bakit kailangan pa niyang gawin iyon? Why does he have to trigger her repressed memories?

Tila parang bumalik lahat-lahat sa kanya. Kung paano sila nagkakilala, paano sila nagmahalan at higit sa lahat, kung paano siya iniwan nito para sa ibang babae.

Ang kapal ng mukha mo, Dominic..

It's been seven years! She was okay pero bakit kailangan pa nilang magkita muli at magkalapit ng katulad kanina?

Bakit kailangan pa siyang hawakan nito at hagkan? Bakit kung kailan maayos na siya--

Breathe, Maricar.. Breathe..

"Baby!" Tristan. "What did he do to you? Sinaktan ka ba niya? Ano? Tell me!"

Niyakap niya lang ang nobyo. "I was so worried when they called me.." mahigpit siyang niyakap nito pabalik. "Baby, c'mon tell me. Sinaktan ka ba niya?"

Umiling si Maricar. "So, what happened?" He asked. "Namamaga ang mga mata mo"

"I want to go home, Tristan" she murmured. "I wanna go home"

Hinalikan siya nito sa noo at inakay. "Alright"

Once a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon