Chapter Three

14K 324 10
                                    

Chapter III
Year 2013

"MOMMY!" Nagising si Maricar sa tawag ng bunsong anak. "Happy Birthday!"

"Thank you, Baby" niyakap niya ito at hinalikan.

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday Happy Birthday, Happy Birthday to you!" Napabangon siya nang makita ang mga anak na lalaki.

Naginit ang mata ni Maricar. After all the years that happened to her, isa ito sa pinagpapasalamat niya.

Ang mga anak.

"Mommy, make a wish!" Sambit ni Huffle sa kanya.

"Wala na akong mahihiling pa dahil nasa akin kayo" Ani Maricar. It is true, sila ang yaman niya. She couldn't asked for more.

"C'mon Mom, make a wish for yourself." Ani Raven ang kanyang panganay na tumayong ama sa mga kapatid.

"Okay" she smiled and closed her eyes.

Lord, wala na po akong mahihiling pa. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng ginawa Mo para sa akin. I became the best version of myself. Just make me stronger sa mga pagsubok na dadating, I would face it with a brave heart!

She opened her eyes and blew the candles. Kung dati hindi niya gustong maalala ang kaarawan at pilit itong kinakalimutan ngunit ngayon, ito na ang pinakamasaya na araw sa lahat.

Every year mas minamahal niya ang sarili. Sa tulong na rin ng mga mahal sa buhay ay nakabangon siya.

She just established her own catering services and now, kilala na ito. Mga sikat na personalities ang kumukuha sa kanya at doon na nagsunod-sunod ang opportunities.

She just love her life for the past years. Mabuti na lang at may mga taong dumating sa buhay niya na nagturo sa kanya magpatawad at magtiwala sa Diyos.

Dominic was like a door that closed but all good things happened to her were like windows.

"Happy Birthday, Ma'm!" Bati sa kanya ng mga empleyado. Maliban sa pagcacatering, nakapagbukas na rin siya ng sariling restaurant. "Patagal ng patagal, gumaganda ka lalo, Ma'm!" Bati ni Aldre, ang kanyang receptionist.

"Huwag ka ng bolero baka bawiin ko ang three days leave mo, sige ka" biro niya rito.

"Totoo naman kasi Ma'm. Ay, tumawag po pala si Ma'm Maricris. Huwag niyo daw po kakalimutan ang dinner mamaya sa bahay nila" anito.

"Salamat, Aldre" pumasok na siya sa sariling office at nagbasa ng mga emails.

Habang nagbabasa ay nagring ang cellphobe nito.

Unknown number?

"Good morning, is this Mrs.Maricar Delaverde?" Napakunot ang noo niya. Ang tagal na niyang hindi narinig iyon.

"It's Ms.Maricar Martinez" she emphasized the word 'Ms.' para mahalata nito. "Who's this?"

"Oh, sorry Ma'm. This is Gertrud from St.Luke's Hospital, kayo po kasi ang nakalagay sa contact person ni Mr.Dominic Delaverde sa driver's license. He got into a vehicular accident last night--"

"What?" Nabigla siya sa narinig. This is the first time in seven years that she have heard his name again. "Where's his wife?"

"Ah, Ma'm kayo po kasi ang nakalagay sa contact person niya" Paliwanag ng nurse. "He's in critical condition po, the doctor wants to speak with you"

"But I'm not--" napatigil siya. Kung siya ang tinawagan ng ospital, ibig sabihin ay hindi pa alam ng asawa nito ang nangyari. "Alright, I'll come"

Pumunta agad si Maricar sa ospital at nakita ang dating asawa. "Dominic.." he looks helpless.

"Mrs.Delaverde?" Lumingon siya. Goodness, kailan ba ang huling beses siyang tinawag sa ganoong apelido?

"Maricar" she introduced her name. "What happened to him, Doc?"

"Vehicular accident. Ayon sa test results, he was drunk" napapikit si Maricar, kailan pa ito natutong maging lasinggero? "He has severe concussion and broken ribs. Honestly, it was a miracle that he survived"

"What would gonna happen to him, Doc?" Parang pinipiga ang dibdib niya sa narinig. Hindi niya hinihiling na magkaganito ito.

"My prognosis would be amnesia but still, we should wait until he wakes up" tinapik ng doctor ang mga balikat niya. "I'm sorry"

Nilapitan niya ito sa higaan at pinagmasdan ang mga tubo na nakakabit dito, those machines were helping him to live.

"You have to wake up, Dominic. Bata pa ang anak niyo ni Cynthia, don't make him a widow in an early age" she said and hold his hand.

"Dominic?" hingal na hingal na sambit ng isang babae. Kahit hindi pa niya tignan ay kilala na niya ito. "What happened?" She cried.

Lumayo si Maricar nang lumapit na ito sa lalaki. "The doctor said that he got into an vehicular accident" ani Maricar. "He was drunk, Cynthia"

"Kinausap mo na ang doctor?" May bahid ng pagkainis sa tinig nito. "Who are you to do that?"

"C'mon, Cynthia. I'm not here to fight, tinawagan nila ako because I was the contact person in his license. I was the one who contacted you." Natahimik ang babae sa sinabi niya at biglang umamo ang mukha.

"I'm going ahead. I hope he'll be fine" tumalikod na si Maricar at dumiretso na sa kotse.

The night came and she was preoccupied. Napansin na ng kapatid ang pagkatulala niya. "What's wrong,he didn't call?"

Umiling si Maricar. "Dominic got into an accident" aniya sa kapatid. "I was there earlier."

"What?" Maricris let out a chuckle. "Tignan mo nga naman ang karma--"

"Ate.." saway niya rito. "Regardless of what he did to me and our children, hindi ko naman hiniling na mapahamak siya"

"So you saw her?"tukoy nito kay Cynthia. "How's the bitch?"

"Ate naman, eh. Marinig ka ng mga bata" saway niya ulit rito. "She seemed..nice?"

"Kumusta ka naman?" Nagkatinginan silang magkapatid.

"Normal lang naman sigurong makaramdam ako ng iba nang makita ko sila ulit. I mean, this is the first time in seven years" She said.

Biglang nagring ang cellphone niya. It's an unknown number once again.

"Hello?"

"M-Maricar?" The voice is familiar. "It's Cynthia" Bakit ito tumawag sa kanya?

"Bakit?" Nagkatinginan silang magkapatid as she mouthed Cynthia's name to her sister.

"Y-you should come here. He's awake"

"Cynthia, I have nothing to do with--"

"He's looking for you" Huh? Napakunot ang noo ni Maricar.

Bakit siya hinahanap nito?

Once a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon