Chapter Thirty-Five

6.4K 164 7
                                    

Chapter XXXV

"WALA naman kayong dapat ipagalala na Mister and Misis" ani ng doctor kay Maricar at Tristan. "Ang sugat na nakuha ng anak ninyo ay hindi ganun kalalim, mabuti na lamang at nasangga ni Ms.Sinfuego ang bala"

Tumagos ang bala sa balikat ni Abby kaya natamaan pa rin si Huffle ngunit sabi nga ng doctor ay hindi na iyon ganun kalalim. Apparently, Abby just saved Huffle's life.

"She could go home the day after tomorrow para mas masiguro natin ang kalagayan niya. On the other hand, Ms.Sinfuego should stay here for another couple of days. Siya kasi ang mas napuruhan" dagdag pa nito.

Tahimik lang si Tristan habang hawak ang kamay ni Huffle, ngunit kahit hindi magsalita ay may apoy sa mga mata nito.

"Kumusta po si Abby?" singit ni Raven, "Kailan po sila gigising?"

"They're just sleeping now. Maaring mamaya ay gising na sila, hindi naman gaano kataas ang dosage ng gamot ang binigay ko sa kanila kaya they'll be awake later or tomorrow morning" ani ng doctor at nagpaalam na.

"Anak, kayo na muna magbantay kay Abby, at Raven, ikaw na ang tumawag sa magulang niya" Naikwento na ni Raven sa ina ang totoo, na alam niya ang kwento ni Abby. Kung anuman ang dahilan kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon ay hindi na inalam ni Maricar, she trusted her son with that, mukhang napalapit ang loob ng mga anak sa dalaga.

Nang lumabas ang mga bata ay naiwan muli silang dalawa ni Tristan, he's just caressing Huffle's hand.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Maricar but Tristan kept mum. "You must be tired, pwede ka naman ng magpahinga at ako ng bahala sa kanya"

Narinig niyang napabuntong hininga ito, "I doubt it" he said at tinignan siya sa mata.

"Excuse me?"

"I'm not going anywhere, baka mapano pa ulit si Huffle" he said and looked away, tila parang nasampal si Maricar sa narinig.

"Sinasabi mo bang pinapabayaan ko ang anak ko?" She questioned, her tone was now firm. "Iyon ba ang gusto mong palabasin, ha?"

Hinalikan ni Tristan ang noo ni Huffle pagkuwa'y lumakad na palabas ng kwarto ngunit napigilan siya ni Maricar.

"Are you saying that this is all my fault?" she asked again, habang si Tristan ay hindi makatingin sa kanya.

So, that's what he meant.

Napaatras si Maricar rito nang hindi makarinig ng sagot mula kay Tristan, a part of her know that.

"I-is.. i-it true?" he cursed tila nagsisisi sa tinanong dahil hindi naman siya handang marinig iyon.

"Tristan..."

"M-magkasama kayo kanina. Ang ibig sabihin ba niyon ay magkasama rin kayo--" he couldn't continue, parang ito pa ang naghihirapan.

"Tristan.."

"Just answer me!" pigil nitong sigaw, "T-totoo ba?" a tear fell from his left eye.

"Let me explain---"

"Just answer the question, Maricar" he demanded, "Is.it.true?"

Ito ang isa sa kinatatakutan ni Maricar, ang makitang nasasaktan ang mga taong mahal niya at si Tristan? Kabilang siya roon.

"It's not what you think it is!" she blurted out kasabay ng mga luha.

"Then what is it!" Sigaw pabalik ni Tristan.

"Oo! magkasama kami kanina, kahapon, noong isang araw, noong isang linggo, noong isang buwan at mga nakaraang buwan!" she cried, "Oo, Tristan inaagaw ko siya kay Cynthia!"

Natigilan si Tristan, he was right. He's really not ready to hear this but there's no turning back now.

"Yes, I'm stealing him away from her but that doesn't mean I love him!" She continued, "I'm just doing what she exactly did to me!" napaupo si Maricar sa sofa at napasabunot ng buhok.

Hindi na nakasagot si Tristan, he was surprised as well.

"G-gusto kong gumanti sa kanila.. gusto kong iparamdam sa kanila lahat ng sakit na pinaramdam nila sa akin--" tumayo siyang muli at hinarap si Tristan, wala ng pakialam kung magising ang anak na natutulog lang roon. "Sa mga anak ko.. s-sayo.."

"Bullshit" nagulat si Maricar sa narinig, hindi naniniwala si Tristan sa kanya? "What--" hindi nito matapos ang sasabihin.

Napasapo sa sentido si Tristan at napahilamos ng mukha sa palad, he let out a deep sigh. "So it means?"

"Hindi ko siya mahal--" but he cut her off.

"All this time.. all this time, Maricar." he said with so much hurt in his eyes, "You thought I'll be happy knowing that you love me?" he let out a fake chuckle. "I never doubted your love, Icang.."

Hindi makapagsalita si Maricar, "Sinisi ko ang sarili ko, alam mo ba?" dagdag ni Tristan, "Akala ko kasalanan ko.." he cried, too.

"Tristan.."

"I thought you blamed me for what happened.. dahil hindi ko kayo naprotektahan--" napatakip ng bibig si Tristan, trying to contain his tears.

"N-no, Tristan.. wala kang pagkukulang--"

"Iniwan mo ako sa ere" he said, "you shut me out. you shut everyone out, for what? you did that because of what?.. your stupid revenge?"

"Hindi mo ako naiintindihan!" asik niya, "Nawalan ako ng anak!" Napakuyom ang palad ni Maricar, "They killed my baby! That is not stupid!"

"Its my baby, too! Nawalan din ako!" he cursed again, "but that revenge almost cost you another child!"

"Tama na, Tristan.." she cried, "Tama na, nasasaktan na ako"

"Nasasaktan ka? Ako ba hindi? I know right, because you only look at your own pain when you failed to notice that I'm hurting too!"

"Tristan.."

"I am hurting, too!" ulit pa nito.

Wala ng nagsalita pagkatapos niyon, Tristan just left after he composed himself but Maricar stayed. When she saw Huffle was still asleep, lumabas ulit ang mga luha niya.

But that revenge almost cost you another child!

almost cost you another child!

another child!

Tumatak sa isip niya ang sinabi ni Tristan, and she couldn't deny that it was true. She did this to seek justice for her unborn child yet because of this, too. She almost lost another child or worst, she could have lost them all.

I don't know what to do.. Lord, tulungan Niyo po ako.. she silently prayed... again and cried.

On the other hand, Dominic was standing behind the door before Tristan and Maricar argued.

Namumutla siya at halos babagsak na ang mga luha.

Yes, he heard it.. he heard it all.

♥♥♥♥♥

Author's Note: Last 10 chapters!

Once a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon