Epilogue

16.1K 307 52
                                    

DOMINIC

MADAMING nagtatanong sa akin, paano ko daw ba nakakayanan na maging masaya para kay Maricar kung hindi naman ako ang dahilan ng kasiyahan niya? May iilan din na nagsasabi na, nagkukunwarian lang akong masaya, na masokista daw ako.

Hindi ko naman ikakaila na nasasaktan pa rin ako, because I still do. Geez, I know I'm such an idiot but how would people expect me to move on that easily?

I've known her since we're in highschool. Torpe pa nga ako dahil siya yung pinakamatalino sa first year pero ako graduating na ay halos bumagsak pa.

Then, I saw her in college. Hindi ko na pinalagpas yung pagkakataon, alam kong siya na yung babaeng mamahalin ko habang buhay.

Yes, call it selfish but I did my last resort. Hindi totoong aksidenteng nabuntis ko siya, I did that on purpose. We may got married in a wrong time, in a wrong reason, I stole her youth but I assured her that I love her.

Ilang bugbog at mura ang natanggap ko hindi lang sa Tatay niya kundi sa Tatay ko pero tinanggap ko iyon dahil mahal ko siya.

Siya at ang mga anak namin ang inspiration ko para mag sikap sa buhay and when I finally proved something, I failed her.

Sa sobrang dami kong gustong patunayan sa buong taong naghamak sa pagmamahal ko sa kanya ay napabayaan ko siya.

Napabayaan ko pati pamilya namin. Nakakapagtayo nga ako ng matitibay na bahay pero sarili kong pamilya ay hindi ko napagtibay.

Instead of reaching out to my wife, turning to her if I had problems... I walked away. I pushed her away. Sa sobrang takot ko mapahiya siya, mas nakagawa ako ng matinding kasalanan.

I cheated on her. I hurt her and my children and I lied to another person as well. Hindi ko akalain na sa isang pagkakamali, malaki ang naging epekto sa buhay ko.

So, I thought ending my life would solve those things but death would be easy for me. Not for all the things that I've done.

"What are you doing here?" he asked. Gusto kong sabihin na hindi ko rin alam.

"Pwede ba kita makausap, Tristan?" Akala ko hindi siya papayag pero pumayag siya.

Nasa loob kami ng opisina niya at ang bumungad sa akin ay mga litrato nila Maricar at ng mga anak ko. Hindi ko itatanggi na nahiya ako dahil hindi ko nagawa iyon sa pamilya ko.

"What do you want to talk about, Dominic?" Mahinahon niyang tanong sa akin, bumalik ang atensyon ko sa kanya. "If it's about her, wala na tayong dapat pagusapan, Dominic"

I sighed deeply, kumukuha ng lakas ng loob.

"Hindi mo ba kami pwedeng hayaang maging masaya?"

I saw terror in his eyes. I must have known, ganyang ganyan din ang mga mata ko noong nakita ko sa rear view mirror nang maalala ko ang lahat.

"Hindi"

"Bakit?" I had to hear.

"Hilingin mo na lahat, huwag lang ang iwan ko si Maricar" anito, "dahil parang hiniling mo na rin na huwag na akong mabuhay kapag ginawa ko iyan"

Bumagsak ang mga balikat ko. I've got the answer. No wonder why Maricar, my Maria Carmina fell inlove with him.

"I'm sorry, Dominic. But she's mine"

He didn't look into my eyes pero sa tono ng boses niya ay alam kong kaunti pang pilit ay bibigay na ang mga luha niya.

But I really have no plans of taking Maricar to him. I mean, wala na.

Once a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon