Chapter Forty-Five

9.5K 205 2
                                    

Chapter XLV
The Last Chapter

December 2014

PINARADA ni Dominic ang sasakyan sa harapan ng isang malaking puting bahay. He could not forget this particular house. Ito ang unang project na pinagkatiwala sa kanya ni Engr.Rolando Javier- his home and he couldn't believe that he's here, again.

"Good morning po, Sir. Pasok daw po kayo sabi ni Sir Olan" ani ng katulong at hinatid siya sa living room.

The house still looks the same. Namaintain ang ayos at halatang nililinis.

"Pababa na po sila, may gusto po ba kayong inumin?" tanong ng katulong.

"Tubig na lang" aniya at umupo na. He was massaging his knuckles when he heard a cute baby sound.

Napatayo na lang siya ulit.

"H-hi" bati niya kay Cynthia, who looked great by the way. "H-how are you?"

Ngumiti lang si Cynthia, "Maayos naman" pagkuwa'y inabot sa kanya ang anak, "Hi baby, he's your Daddy" she said in her best baby voice.

Hindi alam ni Dominic kung marunong pa ba siyang magbuhat ng bata at napansin iyon ni Cynthia.

"Huwag kang matakot, alam niyang ikaw ang Daddy" she said half smiled.

Napangiti din si Dominic lalo na ng tumigil ang anak sa pagiyak at hinaplos ang pisngi niya.

"What's her name?" he asked, hindi pa rin maalis ang tingin sa anak.

"Moira Dominique" she said, "but we call her, Moi. I just named him after you, so that she'll remember that your her father"

May kung anong humaplos sa dibdib ni Dominic, after everything he has done to her..

"Babalik rin pala kami sa Madrid after New Year. May gusto lang akong ibigay din sa'yo" umakyat ito sandali sa silid at pagbaba ay inabot kay Dominic ang brown folder.

Inihiga muna ni Dominic ang anak sa crib na nasa living room at binuksan ang nasa loob ng folder.

"A-Annulment papers?" he read at inangat ang tingin kay Cynthia.

"I'm setting you free" she smiled, "huwag ka magalala, hindi ko ipagkakait sa'yo ang bata"

Hindi makapagsalita si Dominic, as much as he wanted to stop her. He can't. This woman deserves to be happy.

"Cynthia, pwede ko ba kayo maipasyal ni Moi bago kayo umalis at.. bago ko pirmahan ang annulment papers?"

Nagkatinginan silang dalawa, pagkuwa'y tumango na si Cynthia. "S-Sure.."

Matapos nilang magusap ay binalik nila ang atensyon sa anak. They're both laughing when Moi makes noise, for a five month old baby, madaldal ang anak.

Napatingin si Dominic kay Cynthia, there were no words could describe what he feels right now.

"Cynthia"

She looked at him habang nilalaro ang anak, "Yes?"

"Thank you" as they both smiled at each other.

~¤~¤~

"Wow! ang sarap naman ng dinner natin!" ani Slyther, "This is heaven!"

"Ang O.A mo kuya!" sambit ni Huffle, "Ganito naman palagi ang padinner nila Mommy at Papa kapag may okasyon" she said.

"Oo nga pala, My. What's the occassion?" Tanong ni Gryffin, "Wala naman may birthday, right?"

"Darating ang Daddy ninyo kaya naisipan kong magluto, para bonding na rin" ngumiti siya habang tuptop ang tiyan.

Once a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon