Chapter Seventeen

8.5K 193 3
                                    

Chapter XVII

"GOOD Morning" Gulat na napatigil si Maricar nang makita ang mukha ng dating asawa na nasa kusina nila at -- naghahanda ng almusal?!

"Good morning, Mommy!" lumapit ang anak na si Slyther sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Breakfast na po tayo, si Daddy po ang nagprepare!"

Hinila siya ng anak at pinaupo sa dining table. "Good morning, Mommy. Good morning, Dad!" ani naman ni Gryffin na nakabihis na paschool at tumabi sa kanya.

"Good morning, anak. Nasaan ang Kuya niyo, tawagin mo na para sabay-sabay na tayo makakain" Tumango naman si Gryffin at siya ang tumayo't umakyat sa kwarto nito.

Lumapit si Dominic sa kanya - suotsuot ang pink na apron na tinahi pa ni Huffle para sa school project nila. Nilagyan nito ang plato niya ng fried rice at sunny side up na itlog kasunod ang mga hotdogs at bacon.

"D-Dominic.."

"Dad, pababa na po si Kuya" bago pa siya nakapagsalita ay bumbaba na ang panganay and as expected, he stilled.

Nagkatitigan ang mag-ama. Ramdam ni Maricar ang tension sa kanilang tatlo, nakaramdam siya ng hilo dahil rito.

"G-good morning, a-anak. K-kain ka na" ani Dominic at pinaghila pa ito ng upuan. "Hinanda ko yung paborito natin na almusal noon-- Slyther, anak umupo ka na baka mahuli ka sa klase mo"

"Ang sarap!" Giliw na giliw si Slyther na umupo sa tabi ni Dominic at kumuha ng pagkain. "Ay, Dad hindi po ako nakain niyan" ani Slyther ng lagyan siya ni Dominic ng bacon sa plato.

"Ha? B-bakit? Hindi ba paborito mo iyan?" Nagtatakang tanong ni Dominic.

Akmang magsasalita na si Maricar ay tsaka naman lumapit si Raven at umupo sa hapag. "Allergic siya diyan. Si Gryffin ang may paborito ng bacon" he said monotonously at kumuha na ng pagkain.

Hinawakan ni Maricar ang kamay ng anak na si Raven, she appreciates how he handle the situation so mature.

Alam niyang kahit galit ito sa ama ay hindi pa rin nawawala ang respeto niya rito --o, siya ang nirerespeto nito? Nevertheless, she's grateful.

"Akin na lang po, Dad!" inabot ni Gryffin ang plato sa ama para siguro hindi ito mapahiya ng tuluyan. "Salamat po"

Dominic let out a chuckle at nagpatuloy na lang sa ginagawang pagaasikaso sa mga anak.

"Nasaan si Huffle?" tanong ni Raven.

"Nasa kwarto pa Kuya, nagaayos pa. Alam mo naman iyon,napakabagal" ani Slyther habang tuwang tuwa na kumakain.

Agad na tumayo si Raven at umakyat muli sa taas. Hindi bumaba ng hindi kasama ang kapatid na babae, bitbit pa niya ang bag nito papuntang school.

"Good mor--" napatigil si Huffle ng makita si Dominic. Technically, she knows that he is her father but he didn't know. "What are you doing here?" Mahinahong tanong naman niya rito.

"I-I just came here to--" The school service arrived before he could explain himself.

"Bye,Dad! text na lang po tayo" Nagpaalam si Slyther sa ama at lumapit sa ina para halikan ito sa sentido. "Bye, My!"

Ganun din ang ginawa ni Huffle sa mga kapatid at ina. "Wala ka bang pasok,Kuya?" tanong ni Gryffin sa kapatid.

"M-meron pero mauna ka na"

Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang mga anak kay Maricar. Si Raven na lang ang natira, hindi naman nito maiiwan ang inang magisa kasama si Dominic.

He knew better.

"M-Mauuna na rin ako, Maricar" Paalam ni Dominic. "S-Salamat sa oras" he awkwardly smiled and looked at Raven who doesn't pay attention to him.

Tumango lang si Maricar at pagkalabas na paglakabas ni Dominic ay umupo siya sa tabi ng anak. "Raven, hindi ko alam na pupunta siya"

"My, I know. You don't need to explain, nagpaalam po sa akin si Slyther hindi ko lang alam na ngayon pala"

"Are you okay?" Nagaalalang tanong niya sa anak.

He smiled. "Yes My, maghahanda na po ako." he stood and kissed her forehead. "I love you, My"

~¤~¤~

"SASAMA ka sa Sabado?" Hindi makapaniwalang tanong ni Maricris sa kapatid. "Are you getting out of your mind?"

"Ate, birthday naman ng anak ko iyon. Kapag hindi ako sumama, hindi rin sasama si Raven at Huffle--"

"Sandali nga" she cut her off with hand raised. "Nakalimutan mo bang buntis ka?"

Napahawak siya tuloy sa puson "Ate naman, eh"

"Maria Carmina, nasabi mo na ba sa mga anak mo na buntis ka?" She put her hands on her waist.

Umiling siya,gusto niya kasing sabay iparating ito kay Tristan at sa anak para masaya pero para tuloy siyang nasa interrogation room at ang kapatid ang pulis dahil sa desisyon niyang iyon.

"Bakit hindi ka naging abogado o pulis?" Maricar murmured. "Ate, magiingat naman ako.."

"Hindi ako naging abogado o pulis dahil alam ko kapag tungkol na sa pamilya, pwede akong maging criminal! Alam mo bang gusto ko na siyang patayin noon nabuntis ka niya, imagine, you're a minor!" Maricris blurted out.

Napabuntong hininga si Maricar at tumayo. She put her hands on Maricris shoulders and hug her from behind. 

"Ate, hindi naman ako sasama na ako lang. Kaya nga ako nandito para sabihin ko sa'yong samahan mo ako" Lumingon sa kanya ang kapatid. "Please?"

"Kahit hindi mo ako yayain ay sasama talaga ako! Kilala naman kita, hindi ka rin papapigil" Ngumiti si Maricar, she's so grateful that she has a sister like her.

"But please, Ate. Huwag mong lulunurin si Dominic o Cynthia sa dagat kahit magkaroon ka ng pagkakataon" Sandali silang nagkatinginan magkapatid.

Maricris shrugged her shoulders "No promises" at nagtawanan na lang silang dalawa.

Once a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon