Chapter Twenty-Seven

6.4K 150 7
                                    

Chapter XXVII

ITO na 'ata ang pinakahihintay na sandali ni Dominic. Hindi na niya ikakaila, abot tenga ang mga ngiti niya ngayon.

"Maricar" lumingon ito sa kanya pagkuwa'y nginitian siya ng buong tamis. "Pasensya na at nahuli ako --"

"Ayos lang, Dom" putol sa kanya ni Maricar nang hawakan siya sa kamay.

Dom. How he missed her calling him that.

Umupo siya sa harapan nito, "B-bakit ka nga pala nakikipagkita?" But he doesn't mind, kahit na ano pang dahilan ay hindi na siya magiinarte.

"G-gusto ko kasing kumain, wala akong kasama. Nakakasawa na rin ang pagkain sa Wizard's" She chuckled, "Iyon at iyon na lang ang madalas kong kainin"

Nakitawa na rin si Dominic, napakaganda talaga nito kapag natawa. He missed that, ganito ito tumawa noon.

"I missed that laugh" he murmured, tumigil si Maricar sa pagtawa at pagkuwa'y nagsalubong ang kanilang mga mata. "You should laugh more often"

Tumango si Maricar at tumawag ng waiter. Ang dami nitong inorder! "Mahilig ka pa rin sa pagkain" ani Dominic sa kanya.

"Iyon 'ata ang hindi magbabago" Nagikhik nito. "Naalala mo, Culinary naman talaga ang gusto kong kurso pero ang afford lang nila Nanay ay Business Ad? Doon lang rin ako nakakuha ng scholarship"

Oo, hindi niya malilimutan. Umiyak pa nga ito pero kailangan, until he got her pregnant.

Akala niya ay hindi na ito magtutuloy sa pagaaral. Mabuti na lang at nakumbinsi ng pamilya at niya.

But here she is, living her dream.

"Ako hindi magbabago" Sambit niya, natigilan si Maricar at napatingin sa kanya. Shit! Did he just say that out loud?

Panindigan mo iyan, Dominic Delaverde!

"Maricar, I'm sorry about --"

"Please, kaya ikaw ang tinawag ko at hindi si Tristan dahil ayoko nang maalala iyan" Umiwas ng tingin ito sa kanya, "Kalimutan na lang natin iyon"

Tama, ito na ang pagkakataon niya para makabawi sa dating asawa. Hindi niya ito sasayangin!

"Bumalik ka na ba sa trabaho mo?" Tanong ni Maricar sa kanya. Napakunot ang noo niya, "Hindi mo ba alam ang kasalukuyang trabaho mo?"

Umiling si Dominic, "Ang trabaho lang na natatandaan ko ay 'ung nagtratrabaho ako sa Ortigas" Bilang isang engineer, iyon ang pinakasikat na firm ng mga panahon na iyon. "Bumalik ako doon, ngunit tsaka ko lamang napagtanto na wala na pala ako sa 1998" he chuckled.

It's an odd feeling. Parang nagtime travel siya at nagising na lamang na ilang taon na ang nakalipas.

"I see" ani Maricar, "Isa rin kasi iyon sa dahilan kung bakit ako nakipagkita sa'yo" dagdag nito.

May nilabas ito sa bag na sketch... ng bahay. "M-magpapagawa ka?"

Tumango si Maricar, "Engineer ka sa Javerde, right? Madami ka na nga'ng magagandang projects na nagawa" may pagmamalaki sa tinig nito, "So, matagal na kasi itong plano. G-Gusto ko sana ikaw ang gumawa"

Tinignan ito ni Dominic, hindi niya naiwasan na mapangiti. Maganda ang bahay, tamang tama lang sa kanilang pamilya.

Kanilang pamilya...

"What do you think?" Tanong ni Maricar at binalik ang tingin sa papel. "Nakausap ko na si Engr. Javier, he was happy to accomodate me pero mas tiwala daw siya sa'yo. Ang akala ko dayoff mo lang, totoo pa lang on leave ka pa rin"

Once a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon