Chapter 1

60 3 0
                                    


***

Divine's Point of View

Nang makapasok kami sa loob ng campus ay hindi ko itatanggi na maganda ang school. What do you expect? Ganito naman talaga, para sa mayayaman eh.

"Grabe, ang ganda!", bulong sa akin ni Ally habang naglalakad kami papunta sa Examination Room.

Gaya nga ng inaasahan ko, walang pumapansin sa amin. Kung meron man, may umiirap. Ayos na 'yon, hindi naman kami nagpapapansin.

"Good morning, for scholarship?", tanong sa amin ng babae sa isang table nang lumapit kami dito. 

"Yes", sagot ko.

"Huy, parang ang rude mo naman. Ngumiti ka naman", bulong sa akin ni Ally.

"Hindi naman ako pinapangiti", katwiran ko sa kanya.

Hindi ako ngingiti kung wala namang nakakatawa.

"I need the requirements. Birth certificate, last year school ID, report ca--"

Hindi ko na siya pinatapos at binigay na sa kanya ang mga hinihingi niya. Hindi naman ako papasok dito ng walang dalang ganon. Binigay na rin ni Ally ang sa kanya.

Chineck niya ang card namin.

"Your grades are pretty goo--"

"Okay. Thanks", pagputol ko sa sinasabi niya at ngumiti naman siya sa akin.

"Uh.. Mam, sorry po. Wala lang po talagang modo 'tong kaibigan ko. Sorry po talaga", sabi ni Ally at hindi ko ito pinansin.

"Oh, I see. Sige, okay lang."

May ginawa pa siyang kung ano-ano sa computer bago niya kami tiningnan.

"This way", sabi ng babae at sumunod naman kami sa kanya.

Dinala niya kami sa isang napakalaking hall.

May mga estudyanteng naghihintay na din sa hall. 15 minutes pa naman daw bago magsimula ang exam kaya maghihintay pa kami.

"Omg, mag-eenroll sila dito? They look, uh.. nevermind."

"I know right?"

"Parang mga trashy."

Ilan lamang 'yan sa mga narinig ko nang makapasok kami sa loob.

Napangisi na lamang ako sa mga bulungan. Ano ba ang pakealam nila? Mukha naman silang mga tanga. Ang kakapal ng lipstick parang clown. Parang mga performer sa bar kung makasuot ng kapos sa telang damit.

"Huy, nakakainsulto na sila ah", bulong sa akin ni Allison.

"Nagpapainsulto ka naman?"

"Eh.. palibhasa ikaw, pusong bato eh!"

"Shh.. ang ingay mo", sabi ko para manahimik siya.

___

Pagkatapos namin mag-exam ay sabay kami lumabas ng hall para hanapin ang canteen.

"Ang hirap sa Math!", reklamo ni Ally ngunit hindi ko siya pinansin.

Nasan ba ang kainan dito? Napaka-lawak naman kasi.

"Huy Divine! Ang ganda ganda ng ugali mo pero ang attitude mo, napaka.. ewan ko! Ang rude mo naman masyado", sabi niya at hindi ko ulit siya pinansin.

Masyado akong maraming iniisip para sagutin pa siya.

"Mamaya punta tayo sa gym para naman pumayat ka! Okay?!"

Life Without LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon