Chapter 15

18 2 4
                                    


***

Divine's POV

Kinabukasan.

Linggo ngayon. Nakasanayan na namin ni Ally na magsimba tuwing Linggo sa umaga. Kaya ngayon ay sinadya ko talagang magising nang maaga para hindi ako kulitin ni Ally.

4 am. Nakakabilib dahil sobrang aga kong magising ngayon. Sobra talaga. Pero sobra rin ang antok ko. Ultimong pagbangon ko ay pakiramdam ko'y babagsak din ako kaagad. Kung sabagay, madalas naman mangyari 'yon kasi mabigat ang katawan ko, mahirap bumangon.

"Divine gising n--"

Napatigil si Allison sa pagtawag at paggising sa akin nang makita niya akong nakatayo na at papasok sa banyo. Mukhang nagtataka siya dahil maaga talaga akong magising ngayon.

Nakakaproud!

"Aba himala! Sige, very good 'yan! Hintayin nalang kita sa baba. Ready na ang breakfast. Ikaw nalang ang hinihintay. Good morning!", at lumabas na siya ng kwarto ko.

Pumasok na ako sa banyo at naligo na.

Pagkatapos ay nagbihis na ako nang medyo maayos naman. Kung titingnan ng ibang tao, hindi ito maayos sa paningin nila. Pero para sa akin ay maayos na ito. Wala naman din silang pakialam, eh. 

___

Pagkasimba ay dumiretso na kami sa coffee shop upang magtrabaho.

"Nakausap mo na ba ang mga magulang mo?"

Napalingon ako agad kay Ally nang itanong niya ito sa akin ngunit umiwas din naman ang tingin ko.

"Bakit ko naman sila kakausapin?"

"Tungkol sa kasunduan niyo."

Napalunok ako nang marinig ito. Hindi ko alam na alam niya.

"Paano mo nalaman?", tanong ko kay Ally.

"Divine, may connections ako. Hindi ko sasabihin kung anong ibig sabihin pero.. nakausap mo na ba sila?"

"Hindi pa ngayon."

"Sigurado ka ba sa desisyon mo na 'yon? Pumayag ka."

Tiningnan ko siya.

"Pumayag ako. Sigurado ako", diretsong sagot ko.

"Pero Divine, hindi ka ba makokonsensya?"

Lalong tumalim ang mga tingin ko sa kanya pero hindi na siya nagpatinag. May punto ang kaibigan ko pero nasa akin ang sagot.

"Hindi. Lalo naman akong makokonsensya kung hindi ako papayag d'on sa kasunduan na 'yon", sagot ko.

"Kahit makapatay ka?"

Biglang bumigat ang pakiramdam sa dibdib ko dahil sa tanong niya.

"Oo, kahit makapatay ako", sagot ko.

Bumaba na kami ng taxi at pumasok sa loob ng coffee shop.


Allison's POV

Napabuntong-hinga ako dahil sa sagot ni Divine.

Alam kong gagawin niya lahat ito dahil sa isang taong napakahalaga sa buhay niya. Pero ayoko rin magkaroon ng kaibigan na mamamatay-tao. Napaka-mali.

Pero may isang salita si Divine, at hindi ko mapapabago ang isip niya. 

"Divine, may assignment pa tayo na gagawin mamayang gabi. Anong oras tayo uuwi?", tanong ko habang nasa kusina kami at naghuhugas ng mga pinggan.

Life Without LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon