Chapter 6

15 2 0
                                    



***

Allison's POV

Nagulat ako nang biglang tumalikod si Divine at hindi na muling bumalik.

Tumingin ako dito kay Mr. Pogi at nagulat ako nang makita kong nakataas ang isa niyang kilay.

"O-Oh.. a-ano?", nauutal na tanong ko sa kanya.

Pero mas nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nagbasa na ulit siya ng libro at hindi na sinagot ang tanong ko.

Nagtanong nga ba ako ng maayos? Hindi naman.. eh! Basta. Dapat gets na niya 'yon!

Dumating pa ang ibang mga costumers at hindi ko na namalayan ang pag-alis ni Mr. Sungit, hindi na Mr. Pogi. Turn off sa lalakeng gwapo nga, antipatiko. Duh!

"Limang oras ka na rito ah", biglang sulpot ni Divine na ikinagulat ko naman.

"M-Masama ba na mag-stay rito ng ilang oras?! Ha?!"

"Eh bakit galit ka?", malumanay na tanong niya at nagulat naman ako.

"H-Hindi ako galit!"

"Bakit ka sumisigaw?", nakangisi naman na tanong niya.

"Ganito naman talaga ako palagi ah.."

"Siya sige, uuwi muna ako. Dito ka lang ah?", sabay tayo niya at nagulat ako.

"Hala! Bakit ka uuwi?"

"Bakit? Bawal ba?"

"H-Hindi naman. Pero bakit ang aga? 9 pm ang labas mo ah", sabi ko at nagkibit balikat naman siya.

"Sabi ni Miranda, maaga raw kaming magsasara ngayon dahil may pupuntahan siya mamayang hapon. Kaya, ano naman ang gagawin ko rito?"

Tumango naman ako.

"Saan tayo kakain ng lunch?", tanong ko at hindi siya sumagot.

Malamang, nasa akin naman ang desisyon kung saan. Kasi mas trip nitong kumain sa bahay kaysa sa labas.

"Sige, sa bahay nalang tayo. Magpapadeliver nalang ako ng mga pagkain", sabi ko at nauna na siyang lumabas ng coffee shop.

Kumaway ako kela Miranda bago umalis at sumunod kay Divine na halos isang kilometro na ang nalakad, nakakahiya naman sa isang metro ko.

"Hintay naman, Divine!"

Huminto naman siya at lumingon.

"Ang tagal mo", sabi niya nang makalapit ako sa kanya.

"Sorry ha? Masyado ka lang kasing mabilis eh", sabi ko naman at pumara na kami ng jeep.

Pagkauwi naming sa bahay ay nauna pa siyang umakyat papunta sa kwarto at ako naman ay tumawag na sa isang fast food at nagpadeliver ng lunch namin.

Divine's POV

Humilata kaagad ako sa kwarto nang makapasok ako roon.

Masyado akong napagod kanina. Naikot ko na ata ang buong coffee shop, masyado kasing maraming costumer. The more costumers, the more sahod.

Kinuha ko ang mga rubik's cube na hindi ko pa nabubuo kagabi at binuo 'yon habang nahiga sa kama.

Hindi ko kasi nabuo lahat kasi inantok na kaagad ako.

"Divine! Nandito na!", sigaw ni Ally mula sa baba at pumunta naman ako sa kanya.

"Ang dami naman", bulong ko habang tinitingnan ang mga pinadeliver niya.

Life Without LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon