Prologue

66 4 0
                                    



***

Divine Seanie, a complicated girl. She is rude. She's always serious. Wala kang makikitang emosyon sa mukha niya. Siguro kapag nakilala o nakasama mo siya ay maiisip mo na manhid siya o walang nararamdaman. Isa lang ang tumagal na kaibigan sa kanya. Ang buhay niya ay nababalot ng mga sikreto at sakit. She's a mysterious girl na gugustuhin mong malaman kung ano nga ba ang meron sa kanya, o kung sino ba siya.

Isang lalakeng katulad niya. Isang lalakeng hindi kilala ni Divine. Anong ginawa niya? Sino ba siya? Mula nang magkita sila ni Divine, mukhang may nagbago.

Komplikado ang lahat. Bakit?

Hindi sila marunong magmahal. May nagmahal ba sa kanila?

Ano ang dahilan ng pagiging manhid, seryoso, at mistreyoso nila?

Itong storya na 'to ang sasagot sa mga tanong na bumabalot sa isip ng mga tao. Sila na ba ang para sa isa't-isa? Pero, will that happen? Hindi na nga sila marunong magmahal matapos ang ilang taon eh.

___

"Divine Cruz!"

Isang boses ang umalingawngay sa buong tinitirhan ng magkaibigan.

"Tss..", bulong ng nananahimik na binibini.

"Divine!"

Binuksan ni Allison ang pinto kung saan tahimik na nagbabasa ng libro si Divine.

"Andyan ka lang pala!", si Allison.

Tiningnan lamang siya ng napaka-seryosong si Divine. Blangko ang mukha at walang pinapakitang emosyon.

"Kanina pa kita tinatawag!", si Allison ulit.

"Bakit ba?", tanong ni Divine habang hindi pa rin tumitingin kay Allison.

"Samahan mo naman ako sa mall oh.."

Tinitigan siya ni Divine at nagbasa na muli. Napasimangot naman si Allison.

"Hoy! Dali naa.. bibili lang naman ako ng dress. Hindi ka naman mapapagod!", pagpipilit pa ni Allison.

Hindi pa rin sumagot si Divine at tumalikod sa kanya.

"Suplada! Ako na nga lang aalis!", nakanguso na sabi ni Allison at lumabas na ng kwarto ni Divine.

Nakatira sila sa isang apartment na pinauupahan. Ang two-story house na apartment ay sila lang ang nakatira. Walang kumukuha ng ganoong apartment dahil naniniwala ang mga nakatira sa village nila na cheap ang ganoong klaseng mga tirahan.

Sila Divine Cruz at Allison Ford.. magkaibigan na magkaiba ang ugali.

Kung si Divine ay masyadong tahimik at seryoso, at hindi nagpapakita ng emosyon.. si Allison naman ay madaldal at masayahin na tao.

Si Allison ay masyadong babae kung manamit at kumilos. Hindi nakukuntento sa mga damit niya na libo-libo na at inaabot ng 30 minutes sa pag-aayos.

Samantalang si Divine ay masyadong matikas at lalake kung manamit. Ayos na sa kanya ang sobrang maluwag na t-shirt at pantalon. Wala siyang pakealam kung magulo ang buhok niya.

Ngayong school year ay magiging 3rd year highschool na sila Divine at Allison sa isang napaka-engrandeng paaralan.

Isang paaralan na kung saan mayayaman lamang ang nakakapag-aral. Swerte mo na lang kung makapasa ka para sa scholarship. Oo, para lang sa mayayaman pero hindi rin perahan, kailangan mo pa rin ng utak.

Sila Allison at Ally ang nagtagal na magkaibigan matapos ang isang pangyayarin pilit na kinakalimutan ni Divine na hindi niya magawa. Kung baga, nawawala minsan sa isip niya pero kapag may bagay na nakakapaalala sa kanya non ay bumabalik sa isip niya.

Pero.. magiging masaya nga ba ang kanilang stay sa Hearst International School?

Hindi nila hinahangad na magkaroon ng kaibigan sa Hearst. Dahil alam naman nila na ituturing lang sila roon na mga basura.. o si Divine lang?

Dahil nga si Allison ay may katarayan, maaaring makahanap siya ng kauri niya.

Pero si Divine.. mukhang malabo.

___

Si Divine Seanie ay isang babaeng kakaiba. May alam ka bang tao na kagaya niya?

Hindi na siya natutong magmahal matapos ang ilang taon.

Isang pangyayari ang pumipigil na buksan ang nakaharang sa puso niya.

Posible kayang mahanap siya ng isang taong pareho ng ugali niya?

Sino kaya 'yon?

Magkakaroon kaya ng kulay ang kanilang.. Life Without Love?

***

Thank you sa pagbabasa! Vote mo na rin para masaya. Share mo na rin sa mga friends mo para bongga na. :)

Life Without LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon