Chapter 3

24 3 0
                                    


***

Divine's POV

"Saan ka na naman galing?", taas kilay ma bungad sa akin ni Ally nang makapasok ako sa bahay.

Dinaanan ko lang siya at dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig.

"Hoy! Bastos ka talaga 'no! Saan ka sabi galing?"

Hindi ko siya ulit sinagot at uminom lang ng tubig. Nakakainis talaga sa bahay na 'yon.

"Hindi ka sasag--"

"Sa bahay ni Lucifer", sabi ko at umakyat papunta sa kwarto.

"G-Galing ka don?", tanong niya nang makasunod siya sa akin sa kwarto ko.

"Kakasabi ko lang", bulong ko at humiga sa kama.

"Mabuti at pinapasok ka?"

"May karapatan pa rin ako na pumasok sa bahay na 'yon. Kabit lang naman siya ni Marco", sabi ko habang nakatitig sa kisame.

"Napaka-walang modo mo talagang anak eh. Pwede mo naman siyang tawagin na Pa--"

"Tumahimik ka. Hindi ko siya irerespeto, ni hindi nga niya iginalang ang nanay ko", katwiran ko.

Hindi siya lumabas kanina sa office niya. Hindi man lang niya sinubukan na harapin ako. Napakagaling.

"Oh siya, sige. Aalis lang ako. Gusto kong bumili ng meryenda natin. Nagc-crave ako sa ice cream eh. Gusto mo bang sumama?"

Umiling ako.

"Gusto ko muna magpahinga", sabiko kahit hindi naman ako pagod.

"Oh sige. Bahala ka", sabi niya at umalis na.

Napakamiserable talaga ng buhay nila. Nakakaawa naman.

Kawawa naman si Clint, napapalibutan siya ng mga masasamang tao.

Ang isa pa sa kanila ay kriminal. 

Noong bata ako, itinuro sa akin ng bruha na siya na ang bago kong ina nang mawala ang tunay kong nanay. Since wala pa naman akong alam noon kundi ang sumunod sa kanila, pumayag ako. Siya na ang nanay ko, at ako na ang anak niya.

Walang kahit anong papeles ang magpapatunay na ina ko siya. Wala siyang balak magpagawa ng mga ganong bagay. Malamang dahil ayaw niya naman talaga akong maging anak, sa totoo lang.

Nang magkaisip naman ako ay biglang nagbago ang lahat. 

Pero ngayon, kailangan kong magpanggap pa rin na nanay ko siya. Kahit alam ko na naglolokohan lang kami.

Masyadong magulo ang buhay.

Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Kumuha ako ng pwedeng kainin at kumain. Nagutom ako sa kakatingala sa kisame at kakaisip sa mga nangyari.

Lumipas ang oras at nakatingin lang ako sa kawalan habang ngumunguya ng mga tsitsirya na hawak ko.

"Divine! Nandito n--"

Napatingin sa akin si Ally nang makita niya ako rito sa kusina. Tiningnan ko ang dala niyang paper bag.

"U-uy! Bakit nandito ka?", tanong niya at lumapit sa akin.

"Bawal ba?", tanong ko at inirapan lang niya ako tyaka nilabas ang mga pagkaing laman ng paper bag.

"Kelan kaya gaganda ang mood mo", bulong niya habang kumukuha ng mga plato.

Hindi ko siya pinansin at itinapon sa basurahan ang balat ng tsitsirya.

"Kain na tayo ng tanghalian, oh. Bumili ako dyan sa labas. Sa paborito nating karinderya", sabi niya.

Life Without LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon