Chapter 12

12 1 0
                                    




***

Divine's POV

"Tara na", sabi ko kay Ally. Pero humarap pa siya kela Hazel.

"Hazel, Jasper, mauna na kami sa inyo", paalam ni Ally.

"May service or sasakyan ba kayo pauwi?", tanong niJasper.

Umiling naman si Ally.

"Commute lang", sagot ni Ally.

"Sabay na kay--"

"Nako 'wag na! Baka mapalayo pa kayo", angal ni Ally.

"We insist. Alas-sais na, baka gabihin kayo sa--"

"Okay lang kami", singit ko at wala na silang nagawa.

"Pano ba 'yan, bukas na lang?", si Ally. Tumango naman sila Hazel.

"Bye! Ingat kayo!"

Lumabas na kami ng campus at naglakad palabas ng compound kung saan nakatayo ang campus.

"Nakakapagod umupo nang umupo at makinig sa mga prof", reklamo ni Ally.

"First day pa lang naman. Pero kapag may klase na talaga, hindi na tayo maboboring", sabi ko sa kanya.

"Ikaw hindi mabo-bore kasi magaling kang makinig kahit hindi halatang nakikinig ka", sabi niya habang nakanguso.

"Pakikinig lang naman ang gagawin mo, hindi ka mabo-bore talaga", sabi ko sa kanya. Napabuntong-hininga naman siya.

"Hmp! Mukhang hindi nga talaga tayo maboboring kasi trip tayo ng mga prof dito eh."

Hindi ako sumagot.

Halatang-halata na trip nga kami ng mga prof dito. Bukod sa adviser at sa Filipino, English prof namin ay wala nang ibang hindi kami pinapansin o mabait sa amin.

Akala ko pa naman ay babalewalain nila kami kasi ako ay mukhang basura. Si Ally ay hindi kasi nga kikay ang buhay.

"Papasok ka pa ba sa coffee shop mamaya?", tanong sa akin ni Ally nang makasakay kami sa jeep.

Life Without LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon