Chapter 5

22 2 1
                                    



***

Divine's POV

Unang tingin ko pa lang sa lalakeng 'to, ang yabang yabang na. Huh, di naman gwapo.

Bakit nga ba siya pinagtitiian ng mga babae? Mukha naman siyang butiki, ang payat-payat!

Ano nga ba pakealam ko?

Nang maubos na namin ang mga pagkain namin ay umalis na rin kami doon at umuwi na.

"Grabe! Mukhang famous 'yong Zach, 'no?", sabi ni Ally nang makauwi kami.

Hindi ako sumagot.

"Matalino naman, 'no? Rank two nga sa exam results eh. Talo pa ako", patuloy pa niya.

Wow, hindi ba 'to nakakaramdam na ayaw kong pag-usapan 'yong hinayupak na 'yon?

Kung makapag-tanong kung matagal pa ba kami, kala mo may hinahabol. Eh kung gusto naming matulog don, may magagawa ba siya? Wala di ba?

"Huy Divine! Magsalita ka naman", sabi ni Ally at kinalabit pa ako.

"Ano naman ang sasabihin ko?", tanong ko.

"Ay ewan ko sa'yo! Wala kang kwentang kausap!"

Umakyat na ako sa kwarto upang magpahinga. Ang pagod pumila roon. Tapos bigla ka pang babadtripin ng isang bulate. Yabang yabang! Akala mo kung sino.

Nakatulog na ako at pagkagising ko ay alas-tres na ng hapon. Hindi man lang ako nakakaramdam ng gutom. Siguro dahil bago kami umuwi ay kumain kami roon sa coffee shop, napakarami pa namang inorder ni Ally.

"Mabuti naman at gising ka na!", salubong sa akin ni Ally nang makalabas ako ng kwarto.

"Bakit?", tanong ko.

"Kumain ka na! Jusko!", sabi niya at umiling naman ako.

"Hindi naman ako gutom. Mamayang gabihan na lang ako kakain", sabi ko sa kanya at tumango na lang siya. "Kumain ka na ba?", tanong ko.

"Hindi rin hehe. Busog din ako kanina eh", sagot niya at hindi na ako umimik.

"Ano 'to?", tanong ko nang makita ang isang envelope sac enter table.

Bigla naman siyang tumakbo papunta sa akin at agad na inagaw ang sobre.

"W-Wala!", sabay takbo niya papunta sa taas.

Hindi ko na 'yon pinansin at umupo sa sofa. Binuksan ko ang t.v at nanood.

"Ang tagal mo nang hindi naglalaro nyan", biglang sulpot ni Ally at umupo sa tabi ko.

Hindi ako sumagot at nanood na lang ng laro.

"Wala ka bang balak bumalik?", tanong niya at hindi kaagad ako nakasagot.

"H-Hindi ko alam.. wala na yata", sabi ko at nanahimik.

Ramdam at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Maraming naghintay sa'yo noon. Sayang naman 'yon", malungkot na sabi niya.

"Matagal na 'yon", sabi ko sa kanya.

Binalot kami ng katahimikan sa loob ng isang minuto. Tanging sound lang ng t.v ang naririnig at walang nagbalak na magsalita sa amin.

Masyadong sensitive ang topic na ino-open up niya, kaya wala akong masabi.

Lagi naman akong walang masabi eh, tsk.

___

Pumasok ako ngayon sa MC dahil dumating na raw si Miranda.

Life Without LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon