Chapter 8

15 2 0
                                    




           

***

Divine's POV

"Wala ba talagang uniform sa HIS?", tanong ni Ally habang kumakain kami.

"Kahit naman may uniform, hindi ako magsusuot non", sabi ko sa kanya.

"Ay oo nga, never pa kitang nakitang mag-uniform since noon. Hehe", sabi niya.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi na siya pinakinggan pa.

Kung ano-ano lang talaga ang trip na ikwento nito ni Allison, puro talaga walang katuturan! Jusmiyo.

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto at nahiga sa kama.

Bukas ay pasukan na. Hindi ko pa inaayos ang gamit ko. Hindi ko nga maisip na magtatransfer na kami sa Hearst. Walang nagsi-sink in sa utak ko para bukas.

Normal lang naman, papasok lang ako. Ibang school nga lang.

Tumingin ako sa orasan.

8'o clock pa lang ng gabi. Marami pa akong oras para mag-ayos ng gamit para bukas. Pero pakiramdam ko ay mas maganda kung bukas ko na lang ito ayusin, bago ako pumasok.

Pero naisipan ko rin na ayusin na ngayon kaya inayos ko na rin ngayon para bukas aya dadalhin ko na lang to at wala na akong aalalahanin.

Wala pa sa amin ang slip ng schedules at iba pang requirements, hindi pa raw kasi printed kaya hindi mai-distribute sa mga passers.

"Divine!", tawag ni Ally.

Binuksan ko naman ang pinto at naabutan ko siyang mukhang hindi mapakali.

"Oh?", seryosong tanong ko.

"Y-Yung frat!", kinakabahang sabi niya.

Napasimangot ako. "Ano?"

"Nasa labas sila ng apartment!", kinakabahan pa rin na sabi niya. Napairap ako sa inaasta niya.

"Ano naman ngayon?", malumanay na tanong ko at nagulat siya.

"Baka manggulo rito! Natatakot ako!"

"Eh?", natatawang tanong ko.

"Anong eh?!"

"Kilala ko sila, sila Monggy ba?", tanong ko at tumango siya.

Kilala rin naman niya sila Monggy, ang Darke Frat. Baduy ng pangalan ng grupo.

"P-Pero kahit kilala ko sila ay matagal na natin hindi sila nakatapat o nakausap!"

Tumaas ang kilay ko.

"Ano ba? Kelan ka pa natakot sa mga frat?", nagtatakang tanong ko at natigilan siya.

"E-eh a—"

"Tumahimik ka. Lock mo na lang ang mga pinto kung natatakot ka. Kapag hindi pa rin sila umalis, kakausapin ko na", sabi ko at aktong sasarhan na muli ang pinto pero humarang siya.

"K-Kasi may bago silang member! Hindi natin kilala", natatakot pa rin na sabi niya at nagtaka naman ako kung sino 'yon.

"Bago?", tanong ko at tumango naman siya.

"Hindi ko talaga siya namumukhaan! Mukhang siya na ang bagong leader kasi mukhang sumusunod-sunod na lang sila Monggy at siya ang nangunguna", sabi niya.

"Tss.."

Bumaba ako at binuksan ang pinto.

Nagulat ako nang makita ang isang grupo ng kakalalakihan sa labas. Mukhang may inaabangan sila.

Life Without LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon