Chapter 2

31 3 0
                                    


***

Divine's POV

"Sus! Sige, ikaw bahala. Concerned lang naman ako sa'yo eh", katwiran ni Miranda at hindi na ako sumagot.

Pumunta ako sa kusina at naglinis doon. Wala pang mga costumer, malamang ay mamaya pa sila pupunta rito. Hindi ganon kasikat ang coffee shop na ito, minsan ay wala ngang costumer.

May katabi kasi kaming cafe na mukhang mas masasarap ang mga menu. Ka-kompitensya namin sila, at nananalo naman sila. Hindi namin sila kaaway pero hindi rin namin sila kaibigan.

Ang shop kasi na ito ay naisipan lang talagang ipatayo ni Miranda noong wala siyang mapagkukunan ng pera. Oh, walang pera pero nakapagpatayo ng shop.

Ang ibig kong sabihin ay may kaunti siyang pera at gusto niyang magkaroon ng negosyo dahil natanggal siya sa kanyang trabaho noon. Wala na sa kanyang tumatanggap na ibang kompanya kaya ito ang naisipan niyang pagtuonan ng atensyon.

Mukhang maayos naman. Hindi sa lumalago talaga ito pero may kinikita pa rin naman siya kahit papaano sa loob ng isang linggo. Epal kasi mga kalaban sa tabi-tabi eh.

"Divine! May costumer!", sigaw ni Miranda.

Lumabas naman ako sa kusina at lumapit sa counter.

May isang lalaking naka-salamin at mukhang nerd. Tahimik at may hawak pang libro.

"Good morning, Sir. Can I have your order?", magalang na tanong ko. Tiningnan niya lang ako tyaka tumingin sa menu.

Bastos din 'to ah.

"One mocha frappuccino please", sabi niya.

"Please take a seat, Sir. I'll just prepare it."

Tumalikod na ako at hinanda ang order niya. Hindi naman ako nagmamadali dahil siya palang ang costumer. Maaga pa eh.

Nang humarap ako ay nagulat ako nang makita ko siyang nandon pa rin at mukhang hinintay ang order niya.

"Nagulat pero wala pa ring reaksyon. Hays, how to be you?", bulong ni Miranda nang dumaan siya sa likod ko.

Hindi ko siya pinansin at iniabot na sa lalake ang order niya.

"That would be 200 pesos, Sir", sabi ko at nagbayad naman siya kaagad.

Pinagmasdan ko siya hanggang sa makaupo siya sa isang table. Tahimik nitong binuksan ang libro niya at nagbasa.

"Ehem."

Napatingin ako kay Miranda at nakangiti siya sa akin ng nakakaloko.

"Ano?"

"Type mo ba siya?", sabay nginusuan pa ang lalake.

Pinanliitan ko siya ng mata at umalis naman siya sa harap ko.

"Sabi ko nga, hindi eh", narinig kong bulong niya.

Lumipas ang oras at may mangilan-ngilan na tao ang pumasok sa cafe.

Hindi ko na namalayan ang pag-alis ng lalake pero bigla na lamang siyang naglaho.

___

"Kailan tayo bibili ng mga school supplies?", tanong ni Ally nang makauwi ako sa bahay.

9 pm na ng gabi.

"Hindi ko alam", sagot ko sa kanya at umupo sa sofa.

"Sinabi mo na ba kela Tita?", tanong niya pero hindi ko siya sinagot.

Life Without LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon