Chapter 11

14 2 1
                                    


***

Divine's POV

Tiningnan ko kung sino 'yon.

Siya na naman.. epal talaga kahit kailan eh, 'no?

Hindi na ako umimik at hinila si Ally papunta sa likod ko. Mapapaaway na naman 'to eh.

"She's sorry. Aalis na kami", sabi ko at hinila na ulit si Ally palayo.

Kinailangan pa naming makisingit sa kumpulan ng mga tao bago makalayo dahil maraming sumubaybay sa insidente kanina.

"Heeeey! Sorry is not enough!", narinig ko pang sigaw niya habang papaalis kami.

"Ang arte naman ng lalakeng 'yon", bulong ni Ally nang makalayo na talaga kami.

"Ano ba talaga ang nangyari?", tanong ko at lumabas na kami ng canteen.

"Kasi.. hawak ko ang tray. Tapos andyan siya at naglalakad tapos tinatatawag sana kita para magpatulong. Eh ito namang si Mr. Arte ay hindi tumitingin sa dinaraanan niya kaya ayun, nakabungguan kami. Ang malas niya, siya ang natapunan ng juice", natatawa pang sabi niya at napailing ako.

"Mukhang sisikat tayo sa school na 'to", bulong ko.

"Guuys!"

Napatigil kami ni Ally sa paglalakad at tiningnan sila Hazel at Jasper na humahabol sa amin.

"Pinagpepyestahan na ang pangalan niyo roon!", sabi sa amin ni Jasper at sumabay sa paglalakad.

"Oh?!", react kaagad ni Ally at napapikit naman ako sa inis.

Jusko!

"Huhuhu.. kasalanan naman kasi talaga ng lalake na 'yon eh! Hi--"

"Hindi ka rin naman kasi nag-iingat", putol ko at tumingin sa kanya.

"Kung umiwas ka, edi sana walang nangyari. Isa ka pa kasing tanga", sabi ko sa kanya at napanguso naman siya.

"H-Huhuhu talaga!", arte pa niya at napairap naman ako.

"Pero infairness kanina Divine ah.."

Napatingin ako kay Hazel may nanunuksong tingin. Hindi ako sumagot at hinintay siya muling magsalita.

"Hehe.. ang cute niyo magsalitani Zach.. sabay pa!", parang kinikilig pa na sabi niya at naningkit naman ang mga ko. "O-Oy! Wag mo 'kong tingnan ng ganyan. Hahaha!"

"Parehong tahimik, masungit, walang emotions sa ipinapakita at.. bastos?", si Jasper at nagtaka naman ako.

"Anong pareho sila?", singit naman ni Ally.

"Parehong tahimik, masungit, walang emosyon.. at bastos?"

Parang nag-alangan pa siyang sabihin ang huling word eh.

"Oh?! Talaga?!", si Ally at parang tuwang-tuwa pa. Tumingin ito sa akin nang may kumikinang na mga mata. "May tao pa rin pa palang kagaya mo, Divine!", masiglang sabi niya at hindi ako umimik.

"By the way, malelate na tayo sa sunod na class", sabi ni Hazel atyaka ko lang naalala na may klase pa pala kami.

"Oo nga! 5 minutes na tayong late!", sabi ni Ally.

"Anong subject niyo na ba?", tanong ni Jasper.

"Filipino", ako na ang sumagot.

"Kami rin eh! Three hourse tayo roon", sabi ni Hazel.

Life Without LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon