Chapter 7

11 2 0
                                    


***

Allison's POV

Eto talagang kaibigan ko, parang sobra init ng dugo kay Mr. Antipatiko.

"Huy! Kung saan-saan naman 'to pumupunta eh", sabi ko nang maabutan ko siya.

"Lipat nalang kaya tayo ng bookstore?"

Nanlaki ang mga mata ko at binigyan siya ng nagtatakang look.

"Bakit naman? Ayaw mo ba ng mga tinda dito?", tanong ko.

"May demonyo rito", sabi niya at tinalikuran ako.

"A-Ano?!", gulat na tanong ko at tinaasan niya naman ako ng kilay.

"May demonyo rito", ulit niya at napasimangot ako.

"Ewan ko sa 'yo! Dito nalang tayo bumili. Nandito na tayo eh. Malapit naman na tayo umalis, matatapos na oh", pagkumbinsi ko sa kanya at tumango nalang siya at nagpatuloy na kami sa pamimili.

After two weeks ay start na ng classes, hindi ko alam kung tama ba na i-lihim ko sa mga magulang ko na lilipat ako sa Hearst Int. School.

Alam nila na lilipat ako sa ibang school pero hindi nila alam kung saan. Okay lang naman siguro na hindi nila malaman dahil feeling ko ay wala silang pakealam.

Hindi ako ang first priority nila, business ang top one.

"Tapos ka na?", biglang sulpot ni Divine. Muntik na akong mapatalon sa gulat!

"Hindi pa, bakit?"

"Kasi kanina ka panakatulala rito. Wala ka bang balak umalis dito sa spot na 'to?", tanong niya at nagulat naman ako kasi hindi nga ako umalis dito. Kanina pa ata ako rito eh.

"A-Ahh.. may naisip lang ako. Sige, bye!", sabi ko at naghanap na ulit ng mga kailangan ko para sa pasukan.

As much as possible ay gusto ko na mahal ang mga bibilhin ko. Hindi naman sa pag-iinarte pero ayoko naman na ma-out of place sa school. Ayokong laitin ako ng ibang students na mayayaman.

Hindi ako tulad ni Divine na pusong bato na mukhang walang nararamdaman at walang pake sa iba. Mahina ang loob ko. Kaunting sakit lang sa feelings, naiiyak na ako.

Pero si Divine, once ko lang siyang nakitang umiyak. At feeling ko kung ako ang nasa pwesto niya, magpapakamatay na siguro ako. Pero siya, kahit anong sakit na nararamdaman niya, mukhang hindi mo mahahalata. Wala kang makikitang emosyon sa tingin at mukha niya.

Pero makabuluhang sikreto ang nasa isip niya. Na siya lang ang maaaring nakakaalam.

"Bayad na tayo", aya niya at sumunod na ako.

Tapos na pala siyang mamili. Ako rin naman, kaya lang masyadong malalim ang iniisip ko.

Malalim nga ba? Para kay Divine hindi pa e—ano naman?! Puro ako Divine! Tsk.

"Ally, babawas—"

"No", matigas na putol ko sa kanya.

Nakita niya kasi na worth 2,000 ang halaga ng mga nakuha niya.

"Ang mahal kasi", bulong niya.

"Okay na 'yan", sabi ko sa kanya at pinalo ang braso niya.

Nang makauwi kami ay may bigla akong naalala.

"Divine!", malakas na sigaw ko dahilan para mapatingin siya kaagad sa akin. Pero wala pa ring emosyon sa mukha niya. Ano ba naman 'yan..

Life Without LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon