Chapter 14

28 2 4
                                    


12/25/2017. Merry Christmas, everyone!

***

Divine's POV

"Excuse me! Excuse me!", sabi ni Ally habang sumisingit kami sa mga tao na nanonood ng pangyayaring papanoorin palang namin.

"Ay ano ba naman!", karaniwang reklamo ng mga students kapag natatamaan sila ng kamay ni Allison.

"Eto na ba 'yon?", parang nabitin na tanong ni Ally habang nakatingin sa gitna ng quadrangle.

Sina Zach at George ay mukhang kinakausap lang ng isang grupo. Wala namang away na namumuo sa kanila, ah? Pero bakit masyadong tensyonado ang karamihan?

"Bumalik na tayo sa room", sabi ko kay Ally.

"Sige. Tara na. Wala naman pa lang nangyayari eh."

At bumalik na nga kami sa room kung saan kami dapat may klase.

"Alam mo, mukhang sikat na sikat talaga 'yong sina Zach at George, 'no?", si Ally.

"Hmm", pag-tango ko.

"Pero nakaka-dismaya lang kasi nakipang-siksikan tayo kanina roon tapos wala naman pala. Tsk!", reklamo niya.

"Punta na lang tayo sa library", aya ko sa kanya.

"Napaka-sipag mo naman kasi mag-aral eh ako hin--"

"Sasama ka ba o hindi?", tanong ko at natigilan siya.

Umirap na naman ang bruha.

"Sasama! Ewy kaya ang maiwan mag-isa dito 'no!"

"Arte mo. Tara na nga", sabi ko.

Lumabas na kami ng room.

Nakasalubong naman namin ang professor namin na para sana sa oras na 'to.

"Sir, pupunta lang po kami sa library", paalam ni Ally.

"Classes are suspended this afternoon", masungit pa na sagot niya.

"Baki--"

"Bumalik na lang kayo bukas. Goodbye", at saka ito umalis.

Naiwan naman kami ni Ally rito na nakatingin sa kanya habang naglalakad palayo. Bastos talaga 'yong professor na 'yon. 

"Bakit kaya?"

Tumuloy na kami sa pag-lakad tungo sa library. Wala naman talaga akong balak mag-aral sa library. Gusto ko lang matulog doon. Pero at the same time, magbasa ng mga novels na makakatulong sa utak ko na mag-improve naman.

"Baka dahil makiki-osyoso sila sa quadrangle", sagot ko.

Napatawa ito. "Oo nga. Tama, tama!", pag-sang ayon niya naman.

Pagpasok namin sa library eh walang tao. Walang librarian. Wala estudyante na nasa loob ng library. So, kaming dalawa lang talaga dito ni Allison.

"Mukhang nasa quadrangle lahat ah", sabi ni Allison.

Naghanap na kami ng mga libro na pwedeng basahin.

"Kunwari ka naman na magababasa", sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at umirap at nagtuloy sa paghahanap ng libro.

"Kapal mo naman. Porke mahilig kang magbasa ng libro", sabi niya.

"Hindi ako mahilig magbasa ng libro. Hindi ko lang gusto na gawin ang sarili kong utak na bobo."

"Wooooow!"

Life Without LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon