Chapter 10

12 2 0
                                    



Disclaimer: Maaaring may mabasa o mapansin po kayong typographical errors. Sorry.

***

Allison's POV

"P-Pray for me..", bulong ko nang sumigaw ang teacher namin.

Sumulyap ako kay Divine pero mukhang kalmadong-kalmado lang siya.

Pano mo nagagawa 'yan?!

Nagulat ako nang makita ko ang prof na nakatingin sa akin at napayuko naman ako. Pray for me!

"Sit down!"

Automatic na napaupo kaming lahat at nakahinga ako ng maluwag. Hindi pa pala, hindi pa rin ako makahinga! Pigil hininga talaga!

"I'm Gab Lake, your Math Professor this whole school year", matikas na wika niya at naglakad sa gitna. "Understood?"

"Y-Y-Yes, S--"

"Understood?!"

"Yes Sir!"

Jusko! Anong gagawin ko ngayon? Kapag nagtanong 'yan tungkol sa Math, bobo na ako dahil sa kaba na nararamdaman ko. Help meeeeeeeeeee.

Huminga na ulit ako nang tumalikod siya at may kinuha sa bag niya. Maya-maya ay humarap muli siya at hindi na naman ako huminga. Wtf?! Mamamatay ako rito!

"I want all of you to be.. smart", malumanay na sabi niya pero ramdam namin ang awtoridad.

Ang kaninang madaldal na klase ay parang nawala at naging hangin na lang.

"Yes Sir!", malakas na sagot namin.

"Galit kayo?!"

Napatigil naman ako. Hala?! Kanina na mahina kaming sumagot, nagalit. Ngayong malakas, galit pa rin! Ano ba 'yan?!

"No Sir", sagot namin ngunit mas mahina na.

"Good. I don't want a dumb, stupid, and a silent student."

Silent student, so gusto niya.. maingay kami?

"What I mean silent is not participating and answering my questions! Stupid!"

Napangiwi ako dahil mukhang ako ang pinapatamaan niya dahil sa akin siya nakatingin.

Wooh!

"Let's start our discussion.. now."

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kumuha ng notebook at pen. Ngayon na talaga kaagad ang class?! Hindi ba pwedeng, ikondisyon muna namin ang sarili namin para ready na talaga kami.

"What is your last topic last school year?", malakas na tanong niya at walang umimik.

Naglakad siya sa gitna at tiningnan ng isa-isa ang mga estudyante.

"You!"

Nagulat ako nang ituro niya si Divine. Akala ko ako! Pero sorry serr, pero mukhang wala kang mapapalang hindi maganda sa kaibigan ko.

Divine's POV

"You!"

WTF?!

Tumayo ako at confident na sumagot.

"Those topics covering algebra, geometry, and such", sagot ko at tinaasan niya ako ng kilay.

Oh ano?! Alam ko mga topic namin noon kasi nag-aaral ako Serr!

"Sit down", sabi niya at umupo naman ako.

Hindi ko maalala kung anong specific topic pero alam ko ay tama ang sagot ko. Sure ako.

Life Without LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon