Chapter 16

5 1 0
                                    




***

Divine's POV

Lumabas ako ng classroom habang dala-dala ang litrato na kinuha ko.

Kailangan kong malaman kung sino siya.

"Guard! Guard!", tawag ko sa isang guard na nakita kong naglilibot sa field.

Tiningnan ako ng guard nang nakakainsultong tingin.

"Bakit?", tanong niya.

"Kilala mo ba 'to?", tanong ko at pinakita ang litrato ng isang lalake.

Mukhang nagulat pa siya nang makita ang lalake sa picture. Kaya naman lalo akong nagtaka.

"Malamang kilala! Bakit? Hindi mo ba 'to kilala?", mukhang gulat pa na sagot nito.

Magtatanong ba ako kung kilala ko?

"Hindi", sagot ko. "Sino nga?"

"Siya ang president ng school na 'to!", at tinalikuran na niya ako.

___

Pagkatapos ng klase ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang lalakeng nasa litrato. Lalo nang hindi mawala sa isip ko ang pagkakakilanlan niya. Isang malaking gulo ang mangyayari kung sakali...

"Divine!"

Napalingon ako kay Allison nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Ano?", tanong ko.

"Kanina ka pa tulala. Anong meron?", tanong niya.

"Wala. May iniisip lang", sagot ko.

"Syempre hindi ka naman magkakaganyan kung wala kang iniisip", sabi niya at inirapan ako.

"Tara na nga. Umuwi na tayo", sabi ko.

"May trabaho pa tayo!", pagpaalala niya.

Oo nga pala.

"Hindi ako makakapasok. Sige, pumasok ka na sa coffee shop. Ipaalam mo nalang ako", sabi ko.

"Huh? Bakit di ka magtatrabaho?", nagtatakang tanong niya.

Unang beses yata akong liliban sa trabaho nang walang dahilan.

"Basta. Bukas na ako sa kanila magpapaliwanag", sabi ko.

"Sure ka?"

Umirap ako. "Magsasabi ba ako nang hindi sigurado?"

"Sige na nga. Uuwi na lang ako mamaya. Bye!", sabi niya at nauna nang umalis.

Naiwan ako sa waiting shed. 6 pm na. Medyo madilim na ang paligid at kakaunti nalang ang mga estudyanteng dumaraan sa paligid. Karamihan ay nakauwi na. Ang iba ay mukhang gigimik pa.

"Guess who's here.."

Napatingin ako sa isang grupo ng mga babae.

"Ano na naman ang kailangan niyo?"

Sila yung nasa parking lot noon eh.

"Nothing. Hindi ba pwedeng, napansin ka lang?"

"No. Kasi hindi naman ako nagpapapansin. Bakit mo ako papansinin?"

Nakita ko ang pagbago ng itsura niya. Naging inis na ang kanyang itsura. At mukhang nagulat naman ang mga kasama niyang minions. Dumami sila ah. Full-force.

"Shut up! Lagi ka talagang may sagot 'no?"

"Maybe?"

"Gosh! Girls, saktan niyo siya as much as you want to!", utos niya sa mga minions niya.

Life Without LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon