CHAPTER 13

38 3 0
                                    

Yow guys! Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa nito HAHAHA. Sorry sa mga wrong grammar. Hindi talaga ko magaling sa english mga prend eh! Yun lang byes!

__________

Kei's POV

Minsan ang hirap talaga pag malayo ka sa pamilya mo eh. Nakakamiss.
Ngayon,ako lang mag-isa dito sa bahay. Kailangan kong doblehin yung sipag ko sa Probinsya nuon.

Naglilinis ako ng bahay ngayon. Wala naman din akong kailangang gawin at wala namang pasok ngayon kaya napag-isipan kong mag linis nalang.

Maya maya nagluto na ako ng tanghalian ko.

Namalengke ako at binili ko yung mga kakailanganin ko sa pagluluto ng adobo. Pag-uwi ko ng bahay,sinimulan ko na ang pagluluto.

Hmmm.. Amoy palang masarap na!
Nagutom tuloy ako lalo. Pag tapos ko magluto,hinugasan ko muna yung mga gamit na ginamit ko at naghanda na para kumain.

Nagtali ako ng buhok ko at nag hugas ng kamay. Sheyte nagugutom na ako mga prend!

Uupo na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto.

Lumapit ako sa pinto at tinignan kung sino.

Nanlaki yung mata ko sa gulat nang makitang si Preston yung nasa tapat ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Wala." Simpleng sagot niya at dire-direchong pumasok sa bahay.
Kapal ng pes mga prend!

"Hoy. Bat ka nga nandito?" Pangungulit ko.

"Pwede ba? Pabayaan mo nalang ako." Inis na sabi niya saken. Sungit!

"Che!" Sabi ko sabay irap sa kaniya. Umupo siya sa sofa at nanuod ng tv.

"Preston. Kumain kana ba?" Tanong ko kaya napalingon siya.

Hindi niya ako pinansin at tumayo lang papunta saken. Pumunta siya dito ng hindi pa kumakain? Jusko indoy!

Umupo siya sa upuan at tinignan yung adobong niluto ko. Tumayo ako para ikuha si Preston ng isa pang pinggan.

Nilagyan ko siya ng kanin at ulam. Napatingin naman siya saken.

"Bakit?" Tanong ko. Hindi niya ako pinansin at kinuha lang sa kamay ko yung pinggan niya. Napailing nalang ako dahil sa ginawa niya. Arte.

Nag dasal muna ako at nagpasalamat.
Pag dilat ng mata ko nakita kong nakatingin si Preston saken. Tinaasan ko lang siya ng kilay kaya napatingin siya sa kinakain niya.

Bago kumain,hinintay ko muna si Preston na isubo yung isang kutsara. Syempre gusto ko siya tanongin kung masarap ba yung luto ko.

Dahan-dahan siyang ngumuya na parang nilalasap yung pagkaing niluto ko.Baliw ata tong isang to eh.

"Ano? Masarap ba? Kulang ba sa toyo? Sa suka? Ano? Hindi ba masarap?" Sunod-sunod na tanong ko.

Napailing lang siya saken na ikinalungkot ko. Hays.

"Masarap na masarap." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Waaahhh talaga?" Masayang tanong ko.

"Yeah." Sagot niya kaya napangiti ako ng sobra. Kala ko hindi na eh!

Tinikman ko yung adobo at masarap nga yung lasa. Minsan kasi pag nagluluto ako,kulang sa ganito,kulang sa ganiyan. Hindi perpekto. Minsan lang sumakto yung luto ko,pero pag sumakto naman,asahan mong masarap talaga iyon.

Kumain lang ako ng kumain. Nakita ko naman si Preston na kumuha pa ng konting kanin na ikinasaya ko lalo. Nasarapan talaga siya sa luto ko.

Pag tapos namin kumain,hinugasan ko na yung pinagkainan namin at niligpit ito. Nakita ko naman si Preston na nakaupo sa sofa.

MY FAKE JEALOUS BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon