Kei's POVNaglalakad na ako papunta ng school ko nang biglang may humintong kotse sa harap ko.
Huminto naman ako at tinignan ko kung sino yun. Nagulat ako ng biglang bumukas yung bintana ng kotse at nakita ko si Preston.
"Get in." Sabi niya habang nakatingin saken.
"Yan na yung University oh. Sige na mauna kana dun." Sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masama at binuksan yung pinto.
Napaikot nalang ako ng mata at pumasok na. Siya nanaman yung panalo.
"Ano?" Tanong ko.
"From now on,sabay na tayong papasok. I'll always pick you up." Sabi niya. Napataas naman ako ng kilay ko.
"Ang lapit-lapit lang ng University oh! Maglalakad nalang ako. Sasayang kapa ng gas eh." Sabi ko sabay tinarayan siya. Masyado siyang magastos sa gas.
Tinignan naman niya ako ng masama,at syempre hindi ako nagpatalo kaya tinignan ko din siya ng masama."Tss."
Pagdating namin sa University,nakita ko yung mga taong naghihintay sa parking lot. Siguro nagtataka sila dahil hindi magkakasabay sila Jaryl.
Pag baba namen ng kotse nakita ko sa mga mukha nila na nagulat sila dahil siguro kasama ako ni Preston.
Narinig ko ang mga bulong-bulungan nila.
"Bulong na ba sa kanila yan? Eh rinig na rinig ko nga eh." Bulong ko sa sarili ko. Nakita ko namang tumingin saken si Preston at cold akong tinignan.
Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko at nilagpasan lang yung mga babaeng ang sama ng tingin saken. Napangisi ako. Ano kayo ngayon?
Sikat talaga tong lalaking to.
"Who's that girl?!"
"Girlfriend ba si Preston yan? Ang pangit naman!"
"May bago na? Pano si Tiffany?"
Rinig kong tanong nila. Ano bang pakielam nila? Mga epal. Pero teka,sino si Tiffany?
"Preston? Sino si Tiffany?" Tanong ko habang naglalakad papunta sa room.
Hindi niya lang ako pinansin at patuloy lang sa paglalakad. Mukha nanaman akong tanga.
"Hoy!" Sigaw ko sa kaniya.
"Tss. I don't know!" Nagulat naman ako sa sigaw niya.
"Bat galit ka?!" Pasigaw kong tanong.
"Psh." Sagot lang niya. Che! Sungit!
Pag dating namin sa room ko humarap ako sa kaniya.
"Salamat ah? Salamat!" Tinarayan niya lang ako at tumalikod na.
"Hintayin mo ako mamaya,sabay tayo maglunch." Sabi niya at lumakad na papalayo. Mag lunch ka mag-isa mo! Hmp!
Pumasok na ako sa loob at nakita ko yung mga classmate kong nakatingin ng masama saken.
Bat ganiyan sila makatingin? Sarap dukutin ng mga mata nito oh.
"Baka akala mo seryoso sayo si Fafa Preston? Wag kang mangarap girl!" Rinig kong sabi nung babaeng kulot.
Nilagpasan ko lang siya na parang hangin lang. Ganda niya naman para pansinin ko.
Nung umupo ako,nilingon ko yung upuan ni Precious. Wala pa pala siya.
Maya-maya dumating na rin yung Prof. at nagturo na. Kailangan na pala ipasa yung project sa friday. Hindi pa namin nagagawa ni Precious.
Nakinig lang ako buong klase at nagsulat.
BINABASA MO ANG
MY FAKE JEALOUS BOYFRIEND
Fiksi RemajaMagandang trabaho ang gusto ko, hindi maging FAKE girlfriend mo. ABANGAN! Start: October 2k17 Please read my first wattpad story, Hope you like it!! <3