Enjooooyyyy!! Mwaps!
_______________Kei's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Tumayo ako at nakita ko si Precious na tulog na tulog pa. Hinanap ko yung cellphone ko at tinignan kung anong oras na.
6 na ng umaga. Tumayo ako at dumirecho sa banyo ni Precious.
Ang ganda ng banyo nya. Puro salamin!
Basagin ko kaya to? Wag na baka magising si Precious. Ang linis linis ng banyo niya hindi tulad samen na madumi na may lumot pa. Charot!Siguro iniisip niyo na totoong madumi banyo namen kasi lagi kong sinasabi noh? Pwes. Hindi kayo nagkakamali. Chareng ulit.
Naghilamos lang ako at kinuha yung toothbrush na bago na binili namen ni Precious kahapon.
Bago bumaba tinali ko muna yung buhok ko. Pagbaba ko naabutan ko pa si Brennan na nagluluto sa kusina.Kala ko ba maaga siya aalis? Eh mukhang hindi pa nga sya naliligo eh.
"Oh. Goodmorning!" Bati niya ng makita niya ako.
"Goodmorning den!" Bati ko naman pabalik sa kaniya.
"Ang aga mo naman nagising." Sabi niya.
"Hindi ah. Sa probinsya nga alas kuwatro ako gumigising eh. Nagluluto ako ng yema tapos ititinda ko sa school." Kwento ko sa kaniya.
"Talaga? Gusto ko tuloy matikman yung yema mo." Sabi niya habang nagluluto ng hotdog. Sherep nemen nyen.
"Oo! Laging nauubos yung tinda kong yema sa school. Favorite nga daw nila yung yema ko eh." Pagmamalaki ko.
"Hahaha gusto ko matikman yun Kei." Nakangiti niyang sabi saken.
"Yep!! Pag nakalipat na ako ipag luluto kita ng yema ko. Yung special na yema ko." Sabi ko sa kaniya habang nakangiti.
"Aasahan ko yan ah." Sabi niya. Tumango naman ako.
"Bat ikaw nagluluto diyan?" Tanong ko. Meron naman silang katulong dito eh kaya bakit siya yung nagluluto?
"Wala. Maaga pa kasi 9am pa naman yung alis ko kaya nagluto na muna ako." Sabi niya habang sinasalin yung hotdog sa isang pinggan.
"Ahhhh. Artista ka nga pala noh? Siguro pag nakita ka ni Khazz magpapa picture yun sayo." Naalala ko naman bigla si Khazz. Malamang magwala sa kilig yun pag nakita tong si Brennan. Lantod prend! Manang mana saken. Charott!
"Hahaha. Sino si Khazz?" Tanong niya.
"Kapatid ko. Nasa probinsya sya ngayon." Sagot ko sa kaniya. Tumango lang siya saken at tinuloy yung pag luluto. Habang nagluluto siya tinitigan ko naman siya.
Putspa. Bat ba ang gwapo nitong lalaking to?! Ang kinis ng mukha,ang tangos ng ilong,ang nipis at ang pula ng labi at ang hahaba ng mga pilikmata. Bat ang perfect ng mukha niya?!
"Wag mo naman akong titigan ng ganiyan. Baka matunaw ako niyan." Sabi niya habang tumatawa tawa pa.
"Alam mo,mas gwapo ka pag tumatawa." Wala sa sarili kong sabi.
"Ah hehehe salamat." Naiilang na sabi niya.
"Joke lang! Naniwala ka naman." Bawi ko. Baka lumaki yung ulo niya eh mahirap na.
BINABASA MO ANG
MY FAKE JEALOUS BOYFRIEND
Teen FictionMagandang trabaho ang gusto ko, hindi maging FAKE girlfriend mo. ABANGAN! Start: October 2k17 Please read my first wattpad story, Hope you like it!! <3