Chapter 17: Amusement Park (Part 2)Kei's POV
Nandito na kami ngayon sa Amusement Park. Pag pasok namen halos malula ako sa mga rides na nakikita ko.
Iniisip ko palang na sasakay ako sa mga yan.......HEAVEN NA!
Hindi naman ako takot sa mga yan dahil tuwing may perya sa probinsya namen ako suki ng mga rides dun eh hehehe. Kering keri to prend!
"Preston tara dun muna tayo!" Yaya ko kay Preston dun sa Bump car.
Syempre prend easy easy lang muna.
Mamaya na yang malulula na rides na yan!Hinila ko si Preston papunta dun sa bump car. Ang bagal kasi mag lakad akala niya ata nag momodel siya.
Nandito kami sa pilahan ng bump car. Medyo nakakainip kasi medyo mahaba yung pila. Tinignan ko naman si Preston na salubong na ang kilay.
"Uy bat naman ganiyan yung itsura mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Naiinip na ako. Ayoko na dito! Tara na umupo nalang tayo." Inis na sabi niya at tumalikod.
"Uy gusto ko dito eh. Malapit naman na tayo eh wag kana mainip. Please.." Sabi ko at hinawakan siya sa braso niya. Tinignan niya yung kamay kong nakahawak sa braso niya kaya agad ko itong tinanggal.
"Tss."
"Please.." Sabi ko at sumimangot.
"Fine!" Napatalon naman ako dahil sa saya. Hahahaha ang galing ko!
Bumalik na kami sa pila at nag hintay.
Nung kami na ang next agad kaming pumasok sa loob. Mag dadalawa sana kami kaso ayaw daw mag drive ni Preston ng ganitong kotse. Kaya napag desisyunan naming isa nalang ang kunin at sinabi kong ako nalang ang mag drive.Mabilis kong pinaandar yung kotse at panay iwas ko sa mga nakakasalubong namen.
"Hahahahaha ang saya! Boom!" Sigaw ko ng tumama kami sa isang kotse.
Nakita ko naman nainis yung babaeng nakasakay sa nabangga ko kaya nakaramdam ako ng kaba.
"Sorry." Sabi ko at iniwas yung kotse ko. Dinrive ko ito at nagulat ako ng may biglang bumangga saken. Sa sobrang lakas ng pagka bangga tumama yung ulo ko.
Napahinto ako sa pag drive at hinawakan yung noo ko. May dugo!
Agad akong tumagilid kay Preston at pinunasan yung dugo.Pag harap ko nakita ko siyang nakatingin saken habang nakakunot yung noo.
"Are you okay?" Tanong niya.
Tumango lang ako sa kaniya kahit ang totoo sobrang sakit ng pagka tama ng noo ko. Tinignan ko yung nakabangga samen at nakita ko yung babaeng nabangga ko kanina na nakaupo sa tabi nung lalaking kasama niya.Nag palit sila ng pwesto nung lalaking kasama niya at yun ang bumangga saken.Nakita ko silang nag tawanan kaya nainis ako. Ang sakit nun ah!
"Fuck!!" Sigaw ni Preston at tinignan yung noo kong may dugo.
Kita ko ang galit sa mata niya kaya kinabahan ako. Mag kasalubong na rin ang dalawa niyang kilay na parang kahit anong oras mananapak siya.
Pinunasan niya yung noo ko at galit na lumabas nitong kotse. Nanlaki naman ang mata ko at agad na pinigilan siya.
"Preston. Hayaan mo na! Wag mo na sila pansinin,okay na ako." Sabi ko at hinawakan siya sa kamay.
Napapikit naman siya na at pilit na pinapakalma ang sarili niya. Nagulat ako ng tanggalin niya ang pag kahawak ng kamay ko sa kaniya at sinugod yung lalaking nakabangga samen.

BINABASA MO ANG
MY FAKE JEALOUS BOYFRIEND
Подростковая литератураMagandang trabaho ang gusto ko, hindi maging FAKE girlfriend mo. ABANGAN! Start: October 2k17 Please read my first wattpad story, Hope you like it!! <3