CHAPTER 10

39 2 0
                                    


Kei's POV

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko.Bumangon na ako at pumasok na sa banyo para maligo.

Maya-maya natapos na rin ako. Pumasok ako sa kwarto ko para magbihis. Pag tapos ko magbihis kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng kwarto. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig ng may nagsalita sa likod ko.

"Faster." Napatalon naman ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko.

"Bat kaba nang gugulat?! Tsaka paano ka nakapasok dito?!" Gulat na tanong ko sa kaniya.

"Tss. Hindi mo kaya ni lock yung pinto mo. Pano kung may pumasok na iba dito? Edi may nangyare pa sayo." Inis na sabi niya saken.

"Sorry naman! Nakalimutan ko eh. Pero ayieeee concern ka na saken ah?" Pang-aasar ko sa kaniya habang tinataas pa yung dalawang kilay ko.
Napangisi naman siya.

"Asa." Sabi lang niya at tinarayan ako. Panira talaga tong lalaking to.

Pag tapos ko uminom lumapit na ako kay Preston.

"Lezzgoooo!!" Masiglang sabi ko. Tinotoo niya nga yung sinabi niya na sabay na kami laging papasok. Edi go na! Aarte pa ba ako mga prend?

Lumabas na kami ni Preston ng bahay at nilock yung pinto.

Pag dating namin sa kotse niya nagulat ako dahil....hindi niya ako pinagbuksan ng pinto. Leche talaga tong lalaking to! Gusto ko pa sana mag stay sa labas baka magbago yung isip niya at pag buksan niya na ako ng pinto kaso wag nalang. Naalala kong dakilang maarte nga pala tong lalaking to at baka iwanan pa ako.

Bago siya magdrive tumingin muna siya sa orasan niya at tumingin saken.

"Kumain kana?" Tanong niya.

"Papakainin mo ba ako?" Tanong ko sa kaniya. Baka mamaya puro tanong lang siya. Hindi pa ako kumakain kaya gutom ako mga prend!

"What do you wanna eat?" Tanong niya na ikinangiti ko naman bigla.

"Gusto ko ng lugaw! May nakita akong lugawan dun malapit sa University dun tayo!" Masayang sabi ko sa kaniya. Napakunot naman yung noo niya.

"Oh? Ayaw mo ba ng lugaw? Sige iba nalang." Pagbawi ko. Nakasimangot kasi eh baka mamaya ayaw niya pala.

"Ano yung lugaw?" Kunot noong tanong niya. Natawa naman ako dahil sa itsura niya. Ang inosente ni Kupal!

"Lugaw! Hindi ka pa nakakatikim nun?!" Kawawa naman tong si Preston. Hindi pa nakakatikim ng lugaw. Masarap kaya yun!

"Hindi pa." Tipid na sagot niya.

"Edi tara dun tayo!" Excited naman siyang tumango. Excited? Excited?

Tinuro ko na sa kaniya yung lugawan na sinasabi ko at bumaba na ako ng kotse niya. Pinarada naman niya yung kotse niya at sumunod na saken.

Umupo kami sa upuan sa bandang harap nung lugawan.

"Ate. Dalawang lugaw nga may laman." Excited na order ko kay ateng nagtitinda.

"May bawang?" Tanong niya kaya tumango naman ako at sumagot.

"Oo te." Sabi ko lang at tumingin kay Preston na parang natatakam. Natawa naman ako bigla sa kaniya kaya napatingin siya saken.

"Why are you laughing?" Tanong niya.

"Wala!" Sagot ko naman. Ang cute ni Preston,mukha siyang aso. Chareng!

Pag bigay samen nung lugaw kumuha agad ako ng kutsara sa tabi at kumain. Sheytt!! Ang yummy mga prend!

MY FAKE JEALOUS BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon