CHAPTER 18

34 3 0
                                    


Chapter 18: Amusement Park
(Part 3)

Kei's POV

"SPACE SHUTTLE TAYO!" Sigaw ko.

Napangisi naman siya. Aba!

Ano? Hindi na siya takot?

"Let's go!" Sigaw niya. Naglakad na kami papalapit sa space shuttle.

"Ready kana ba?" Nakangising tanong ko.

"Yeah." Mahinahong sabi niya.

Ano? Sa Pirate lang siya takot ganon?
Napailing nalang ako. Abnormal.

Sumakay na kami at sa pinakagitna naman kami pumwesto. Kinakabahan akoooooo!! Nakita ko namang relax na nakaupo si Preston.

Feeling ko hindi siya nag eenjoy dahil lagi siyang tahimik at seryoso.May sayad ata talaga to mga prend!

Kasabay ng pag-andar namin ang pag-sabay nang kalabog ng puso ko. Kinakabahan talaga ako! Pero kerii ko to noh! Suki kaya ako sa perya namen!

"Kyaaahhhhhhh!!!!" Sigaw ko nang bumilis yung pag-andar. Napatakip ako sa mukha ko nang bumaliktad kami.

"Yann naaa!!!! Pababa na!!!" Sigaw ko.
Hindi ko kayang idilat yung mata ko dahil natatakot talaga ako!

Dinilat ko yung mata ko at nakita ko si Preston na nakuha pa talagang mag video!!

Ayan naaa!!!

Napayakap ako kay Preston nang mabilis na umandar pababa.

"AYOOOKOOOO NAAAAA!!!!" Sigaw ko. Narinig ko namang napatawa si Preston.

"HAHAHAHA! Look at your face! Hahahahahaha it's epic!" Napatakip naman ako ng mukha ko.

Ang lakas ng kalabog ng puso ko.
Waaaaahhhh! Hindi na ako uulit dito!

Nang bumaba kami halos mapatumba ako sa sobrang hilo dahil sa space shuttle na yan! Huhuhu.

Diba suki ako sa perya namen? Dapat hindi ako nahihilo!

Pero.. ANG SAKIT TALAGA SA ULO!
Hindi na talaga ako uulit diyan!

Tinignan ko si Preston na tuloy pa rin sa pag tawa.

Nakakainis! Huhuhu.

"Wag mo nga akong tawanan diyan!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hahahaha sinong takot ngayon?! Look look!" Sabi niya saken at pinakita pa yung video saken. Mukha akong tanga dun! Kitang-kita yung takot at kaba sa mukha ko.

"Hoy! Burahin mo yan!!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hahahaha! Why?" Pang-aasar niya pa.

"Ehhh!! Ang pangit ko dun eh!" Nakasimangot na sabi ko.

"Hahahaha you're always ugly." Naningkit naman yung mata ko dahil sa sinabi niya.

"Bwiset ka! Wala ka ng sinabing maganda! Minsan ka na nga lang mag salita puro pang-aasar pa!" Sabi ko at sinuntok siya sa braso.

"Hahahaha yeah yeah." Sabi niya habang pinapanuod pa rin yung video.

"Wag mo na ngang panuorin yan." Sabi ko sa kaniya.

MY FAKE JEALOUS BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon