Hindi ko talaga akalaing aabot to ng chapter 15 HAHAHA! Sobrang tamad ko kasi mag sulat kaya minsan nabubura nalang yung ibang kwentong nasulat ko. Kaya malaking pasasalamat ko at umabot to ng chapter 15 hahaha!
Yun lang sinabi ko lang hahaha!
Enjooooyyyyy!!!
-KB.
----------------------------------------------
Chapter 15 : I miss you
Preston's POV
Nandito na kami sa cafeteria. Sina Tyler na ang umorder ng kakainin namin. Tss dapat lang.
Nakaupo lang ako at inaabangan ang mga pumapasok sa cafeteria.
Shit! Bat ang tagal nung babaeng yun?!
Kahit kailan talaga ang kupad kupad.5mins...
Nasan kana ba babae?!
8mins....
Shit! KEI LHAYE CASTILLO!
10mins...
Shit! Hindi ko na kayang mag hintay kaya tumayo na ako at lumabas ng cafeteria. Narinig ko pa sila Westley na tinatawag yung pangalan ko. Tss.
Habang nagmamadali ako papuntang restroom nakita ko ang isang babaeng papalapit saken.
"H-hi P-preston." Nanginginig na sabi niya. Nilagpasan ko lang siya at tumakbo na papuntang restroom. Wala akong oras para sa kalandian nila.
Bat ba ang laki nitong University na ito? Napailing ako ng maisip kong pamilya ko ang nag patayo nito. Tss.
Napahinto ako ng marating ko na ang Restroom nila. I don't care kung pang babae to,basta makita ko lang yung babaeng yun. Kahit kailan talaga.
Pumasok ako at agad na nag-init yung ulo ko nang makita ko si Myra na sinabunutan si Kei.
Agad akong tumakbo sa kanila at pinigilan ko yung palad niyang dadapo na sana sa mukha ni Kei. Tangina!
Nakita ko naman si Kei na hinang-hina na.
"WHAT DID YOU DO TO HER?!" Galit na sigaw ko.
"S-siya yung nauna! G-gumanti lang ako!" She's lying! Fuck!
Hinatak ko siya patayo at pinuntahan si Kei na walang malay.
Binuhat ko siya at kinuha yung bag niya. Ang bigat nitong baboy na to!
Palibhasa ang takaw.Bago lumabas,tinitigan ko ng masama si Myra. Tangina! Sisiguraduhin kong mag babayad siya sa ginawa niya.
Lumabas na ako at dumirecho sa clinic. Nakita ko pang tinitignan kami ng ibang tao. Nakuha pa talagang kiligin ng ibang babae. Tsk.
Pag dating ng clinic pumasok na agad ako.
Agad naman kaming inasikaso dun. Hindi ko maiwanan si Kei kaya tinawagan ko si Precious at pinapunta dito.
BINABASA MO ANG
MY FAKE JEALOUS BOYFRIEND
Teen FictionMagandang trabaho ang gusto ko, hindi maging FAKE girlfriend mo. ABANGAN! Start: October 2k17 Please read my first wattpad story, Hope you like it!! <3