Ako nga pala si Joana Andres 22 years of existence, simple lang at nagtatrabaho sa isang malaking finance company bilang secretary ni...
"Hoy joana! itong gagang to, kanina ka pa tinatawag ni boss! Jusko beastmode na naman si boss kaya bilisan mo na!" sabi ni Shiela, ka-officemate ko at the same time bestfriend
"Eto na, papunta na!"
Sabi ko habang padabog na pumunta sa harap ng office ni Boss sungit
"Dami alam grrrr ipapa-salvage ko talaga si sir kagigil" bulong ko sa sarili
dahan-dahan kong pinihit ang pintuan ng silid ni boss
"MISS ANDRES HOW MANY FUCKING TIME DO YOU NEED TO FUCKING ARRIVE MY FUCKING OFFICE!!!" sigaw niya sa madiin at baritong boses
Daming sinabi puro fucking-fucking, i-fuck ko siya eh charing
"Ahem...Uh..eh S-sir I-I was doing t-the papers" bakit ba ako nauutal kainis naman -_-
"ONCE I FUCKING CALL YOU, YOU NEED TO FUCKING GO HERE AS FAST AS YOU FUCKING CAN, YOU BITCH!!!" gigil na gigil na sabi niya habang nakatingin ng masama sa akin
Nanakabwisit na tong hinayupak na to ah
"FYI, SIR STEVEN SAINT GUIVARRA! I AM NOT A BITCH! YOU ARE NOT THE ONLY BUSY PERSON HERE SO DONT FUCKING-FUCKING ME!!!" gigil na saad ko, aba hindi lang siya ang marunong mag fucking-fucking no
Pumikit siya at huminga ng malalim, ay shet ang hot niya mga bes pahinging kanin at kakain ako charing
"Okay miss Andres, I want you to reserve a candle-lit dinner on a famous restaurant." sabi niya sa kalmadong boses
Sino kaya ang date ng hinayupak na to?
"Uhm okay sir...By the way sir who's the unlucky girl?"
"What?!"
"Uhm... I-I mean anything else sir?"
"Nothing, you may leave."
at yun nga ang ginawa ko, lumabas na ako ng impyerno at ginawa ang inutos ng kamahalan
* * * * *
(6:36 pm)
"Huy joana!" tapik sa akin ni Cas
"Ano ba?!" singhal ko sa kanya, alam naman niyang beastmode ako sa drop dead gorgeous na hinayupak na boss namin eh -_-
"Diba gusto mo si boss?" tanong niya na parang sigurado na siya
napatingin ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata
"H-ha? H-hindi ah!" kinakabahang sabi ko
"Don't me jo, sinong hindi magkakagusto sa isang matangkad, gwapo, matikas at sobrang yaman nating boss aber?" Kinikilig na tanong niya sa akin, landi lang eh
"Ano naman kung gusto ko siya? Duh. as if naman magugustuhan niya ako." pagtataray ko
"Maganda ka naman eh, kung marunong ka lang sana mag-ayos. sino pa ba ang nagsusuot ng damit na bili lang sa ukay-ukay ha babae?" mataray na sabi ng gagang si Cas
"Hoy wag mo maliitin tong black na slack pants ko no, 75 pesos ang bili ko jan." loka tong babaeng to
"Anyway, alam mo bang may date ngayon si boss guest what kung sino..."
"Una, syempre di ko pa alam ang sasabihin mo. Pangalawa, hindi ako manghuhula" saad ko at ipinaikot ang mata
Hinila niya ang buhok ko, dahil katabi ko lang ang cubicle niya.
"Gagang to, wag mo nga akong pinipilosopo!" iritang saad niya
"Sino ba yung date niya?" curious na tanong ko
"Eto na nga, alam mo bang si Margarette ang date niya? Jusko. Ang haliparot na babaeng yon pati si boss nilalandi" inis na saad niya
Nalaglag ko bigla ang hawak kong mga folder.
"Huy joana! Huy!" tapik sa akin ni Cas
"Uhm....T-totoo ba yung sinasabi mo?" malumanay ngunit malungkot na tanong ko
"Malamang oo, diba nga inutusan ka pa ni boss na mag pa-reserve ng candle-lit dinner? Duh. ginawa niya yon para sa date nila ni Margarette." saad niya.
Pero bakit ganon parang ang sakit ng puso ko sa narinig ko mula kay Cas? hay wala naman talaga akong panama kay Margarette, kasi di ako marunong mag-ayos sino ba ang magkakagusto sa isang cheap manamit na babae kagaya ko? hayy.
"Joana alam kong hindi nalang yata pagkagusto ang nararamdaman mo para kay boss. tsaka yung malanding yon talaga grrrr, dati ang nilandi niya yung ibang bachelor's na mayaman ngayon naman si sir Steven" Nanggagalaiti niyang saad
"Sa tingin mo ba wala talaga akong pag-asa?" malungkot kong sabi sa kanya.
"Joana maganda ka, mayaman at galing sa mataas na pamilya. Ewan ko ba sayo at bakit ka pa nagtatrabaho, kung hindi ka pumunta dito edi sana wala rin kami ni shiela dito." naiinis na saad niya.
"iihhh...pipilitin mo nanaman ako eh" gusto kasi nila Cas at Shiela na umalis na kami dito dahil di naman daw namin kailangan magtrabaho.
"Hiii~ Gurllsss~" boses galing sa babaeng papunta sa pwesto namin
"Oh, ikaw pala shiela" saad ni Cas
"Anong pinag-uusapan niyo gurl?" tanong ni shiela sa amin.
"Eto kasing si Joana ayaw talaga umalis sa kumpanyang to" mataray na sabi ni Cas
umupo sa katabi naming cubicle si Shiela
"Bakit nga ba Joana? dahil kay boss sungit?" prenteng tanong niya habang naka cross leg sa swivel chair niya.
"P-parang g-ganon na n-nga" nahihiya kong saad
"Kung ayaw mo ngang umalis dito we need to establish something that will help you joana, an Operation..." nakangising saad ni shiela at tumingin ng makahulugan kay Cas
Uh oh, I can feel something bad is about to happen
"Operation: Seducing Steven Saint Guivarra hihihi" sabay na hagikgik ng dalawa
A/N: Sana magustuhan niyo ang story ko. Please feel free to follow, vote and comment. Lovelots.
YOU ARE READING
Seducing My Boss
General FictionJoana Andres is considered as one of the weirdest and ugliest elite member in the society. Everyone hates her because of what she wears, Old slacks, cheap clothes and dirty shoes, What will happen if she change? Steven Saint Guivarra one of the you...