Joana's POV
(Next day)
Day off namin ngayon kaya kasama ko sila cas at shiela.
Andito kami ngayon nila Cas at Shiela sa isang mamahaling mall dahil sa operation eklabush na sinasabi nila na gagawin ko -_-
"Gurl, dun muna tayo sa Salon" excited na saad ni Shiela, mukhang mas excited pa siya kaysa sa akin jusko.
"Sige dun muna tayo, ipapa-ayos natin ang face, hair and nails ni Joana hihihi" tuwang-tuwa din na sabi ni Cas
Habang naglalakad kami papunta sa isang mamahaling salon may nakita kaming pamilyar na mukha
"Omyghad mga gurls!! si Steven kasama si Margarette." bulong ni shiela sa amin.
At paglingon ko nga ay nakita ko sila Steven habang naka lingkis ang mga braso ni Margarette sa kanya. Aray ko mga bes.
"Wag niyo titigan gurls baka mahalata tayo." kinakabahang saad ko kila Cas at Shiela
Biglang napatingin sa direksyon namin si Margarette at ng makita niya ako ay pinaikutan niya lang ako ng mata at ibinalik ang atensyon kay Steven.
"Ay gaga! ilayo niyo ako gurl baka makasuhan ako ng animal abuse grrrr!!" inis na inis na saad ni shiela
"Huy shiela! maghunos dili ka nga, malapit na tayo sa salon tara na nga" saad ni Cas kaya nagpatuloy nalang kami sa paglalakad
habang kami ay naglalakad, nakaramdam ako na parang mai-ihi na ako kaya nag paalam ako kay na Cas at Shiela na susunod nalang ako sa salon dahil pupunta muna ako ng cr.
Pagkatapos kong umihi ay tinignan ko ang reflection ko sa salamin, mukha ngang kailangan ko ng total make-over dahil mukha akong minasaker dahil sa itsura ko.
Malaking t-shirt, maong pants, snickers at naka lugay na buhok lang ako as in yung messy na talaga yung pwede ng pugaran ng mga ibon charing.
Biglang bumukas ang kabilang cubicle ng cr at iniluwa non ang isang babae na nakafitted black dress na above the knee at onti nalang luluwa na ang di kalakihan niyang suso mga 32A lang ang size haha.
"Like what you are seeing?" saad ng babae at ngayon ko lang napagtanto na si Margarette pala iyon.
"As if. Tsk." mataray kong saad at pinaikutan siya ng mata. Like duh, wala pa nga yata ang boobs niya sa boobs ko.
"You know joana, Steven will never ever be yours so back off b-itch!" mataray at madiin niyang sabi
Ay gaga to ah, hinarap ko siya at tinignan siya ng masama
"Fyi, I'm not a b-itch. I ain't no mirror b-itch!" taas noo kong saad.
"HOW DARE YOU!!" galit na galit na sigaw niya, susugod na sana siya at akma akong sasampalin nang
sinalag ko ang kamay niya at hinawakan ko ito ng mariin.
"Remember this Margarette Cruz without Steven your company will sink, you don't know what I can do more than that. Tsk." binitawan ko na ang kamay niya at tumalikod.
"He'll never like you! kahit ikaw pa ang isa sa pinaka-mayaman na anak sa Elite society! " garalgal niyang saad
Nilingon ko siya at sinabi ang katagang panghahawakan ko.
"You don't know what Joana Mikaela Andres can do. So, watch and learn, b-itch" saad ko sabay flip ng hair at iniwan siyang nakatunganga.
* * * * *
"Hoy babae! bat ang tagal mo ha? kinain ka na ba ng inidoro? tsk." inis na tanong ni shiela ng makarating ako sa salon
"Hinanap ko pa kasi yung cr." pagsisinungaling ko.
Di ko nalang sasabihin na nagkita kami ni Margarette sa girl's comfort room, I'm sure magiging OA na naman sila.
"Dami mong alam Shiela, Tara na mga gurls marami pa tayong gagawin." nakangiting saad ni Cas
Tumuloy na nga kami sa salon at sinalubong kami ng isang bakla na mukhang totoong babae 0_0, the f-uck?
"Welcome to Fashion Salon Ma'am! Sino po ang magpapamake-over?" nakangiting tanong nang bakla.
"Siya!" sabay na turo at saad ni Cas at Shiela sa akin.
"Ay mader! kaitech na ang make-over sa iyo, mukang najombag ang feslak mo mader. Gorabels mga mamshies wititit kayo ditey sa waiting area while we do the make-over kay Ma'am."
tinuro ng bakla ang waiting area para duon maghintay sila Cas at Shiela habang ako ay dinala sa upuan na kaharap ng salamin.
After 3 couple of hours...
"Ay bongga mader ang ganda na ng feslak mo." nakangiting saad ng bakla habang nakatingin sa reflection ko sa salamin, napangiti rin ako.
"Wow gurl! sobrang ganda mo pala pag na-ayusan" manghang saad ni Shiela.
"Oo nga gurl, mukhang mapapadali ang operation natin hikhikhik" tuwang-tuwa na saad ni Cas
Ni-rebond at kinulayan nila ng light-blonde ang aking buhok, minake-up-an, at pinolish ang aking mga kuko.
"Let's go na mga gurls sa ating next destination." excited na sabi ni Cas
"Saan naman yan aber?" tanong ko
"Saan pa, edi sa Boutique shops!" Tuwang-tuwa ang lokaret na si Shiela.
Pagdating namin sa boutique ay maraming pinasukat si Cas at Shiela sa akin na puro pang sexy na damit.
Puro above the knee na body hugging dress, mga lingerie, short shorts, highheels, accessories at iba pa.
"Ay gaga ka gurl, ang laki pala ng hinaharap mo akalain mo yon 38B ang size kaloka." gulantang na sabi ni Shiela.
Pinapa-suot nila ako ngayon ng mga bikini baka daw kasi magkaroon ng mga swimming event kaya dapat ready daw ako.
"Ang ingay mo gurl, nakakahiya." nahihiya kong saad ang lakas ba naman ng boses niya.
"Wag ka ng mahiya gurl, dapat jan ipinagmamalaki kasi malaki naman talaga hahahaha" tumatawang saad ng lokang si Shiela
"Tama na yan mga gurls at magre-ready pa tayo para bukas." saad ni Cas
"Let's go na mga gurls! Let's get ready for the Operation: Seducing Steven Saint Guivarra!" sabay-sabay naming saad.
A/N: Lame ang update please support my story hehe.
YOU ARE READING
Seducing My Boss
General FictionJoana Andres is considered as one of the weirdest and ugliest elite member in the society. Everyone hates her because of what she wears, Old slacks, cheap clothes and dirty shoes, What will happen if she change? Steven Saint Guivarra one of the you...
