Chapter 23

3.3K 71 103
                                    





Kadarating palang namin sa isa sa mga hotel ni Vince. Mas pinili namin ang presidential suite na may dalawang kwarto para mas maging komportable ang mga bata.

Nakatingin ako ngayon sa floor to ceiling na bintana sa aming kwarto. Hindi ko lubos na maisip na darating ang araw na babalik pa ako sa lugar na to. Paano kung magkita ulit kami ni Steven? Anong mangyayari pag nalaman niyang nagkaroon kami ng anak at mas pinili kong iwan siya.

Oo, masaya na ako sa pamilya ko pero hindi ko naman pwede ipagkait kay Steven ang karapatan niya bilang ama ng kambal. Pero baka masaktan ko si Vince. Siya lang yung taong nagpursigi na makasama ako noon kahit tinataboy ko siya.

Bumalik lamang ako sa reyalidad nang yakapin ako ni Vince mula sa likod. "What are you thinking about love?"

"Oh, N-nothing, I just miss this place."

"Don't worry, after the launch of the new magazine, I will take you and the kids out to visit some places that you missed."

"thanks love!..Oh right, what are the kids doing right now?" Tanong ko ng mapansin kong walang maiingay sa paligid.

"They went on the infinity pool together with yaya betty and yaya vina." Natatawa naman niyang sagot. "I told them to rest for awhile but they insisted to have a swim. You know very well that I can't argue with the kids, right? So I allowed them haha."


"Baka lumaking spoiled ang mga bata niyan. You should lessen spoiling them, you know." Paalala ko sa kanya dahil napapansin kong hindi nakakahindi si Vince sa mga bata. Nauuto pa nila si Vince para mapasunod sa gusto nila.

Naalala ko tuloy ang araw na pinag bawalan ng doktor ang kambal na kumain ng matatamis dahil mayroon silang cavity.

Sa kagustuhang kumain ng dalawa ng chocolates ay tinawagan nila si Vince sa telepono kahit nasa opisina ito upang pauwiin sa bahay. Nang mga oras na yon ay wala pa naman ako sa bahay dahil nagkaroon ako ng brand endorsement.

Malaman-laman ko na lamang na umuwi si Vince sa bahay at iniwan ang kanyang ka-meeting sa opisina upang ibigay ang hiling ng kambal. At umuwi siyang may mga dala-dalang chocolates, ice cream, cake, at shake para sa mga bata.

Nang malaman ko yon ay hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o magalit sa kanila. Nadatnan ko na lamang silang tatlo na nilalantakan ang mga dala ni Vince.


"Don't worry love, Minsan ko lang naman pagbigyan ang mga bata. Kahit na hindi ako ang tunay nilang ama gusto ko silang makita na laging masaya." Nagpapasalamat talaga ako kay Vince dahil sobrang mahal niya ang mga bata. Hindi ko mapigilang harapin siya at dampian siya ng saglit na halik sa labi.



"Mommy....Daddy...." Gulat kaming dalawa ni Vince na napalingon sa pintuan ng aming kuwarto. Nakatayo duon si Stephan hawak ang pinto gamit ang kanyang kanang kamay at hawak naman sa kaliwa ang kamay ni Stephanie. Pareho silang lumuluha.

Narinig nila ang sinabi ni Vince...
Paano namin ipapaliwanag sa kanila ito ngayon...

____________________________

HI GODS AND GODDESSES! ILANG BUWAN DIN AKONG TUMIGIL SA PAGSUSULAT PERO NAGPAPASALAMAT AKO SA MGA NAGTITIIS NA MAGHINTAY. MALAPIT NA TAYONG MAG 360K READS!!!! SANA MATUWA KAYO SA SHORT UPDATE.

QUESTION: ANO NA KAYANG MANGYAYARI NGAYONG ALAM NA NG KAMBAL NA HINDI SI VINCE ANG TUNAY NILANG AMA?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Seducing My BossWhere stories live. Discover now