Chapter 3

20.2K 236 5
                                    

Chapter 3

Joana's POV

Andito kami ngayon sa bahay naming tatlo, yes you heard it right nakatira kami sa isang two storey na modern house, we want to live together para masaya hihi.

"Remember all the things we told you Joana" paalala ni Cas

"I will" sagot ko kay Cas

"Good." saad ni Cas bago sumunod sa garahe


"Joana gurl!!! bilisan mo na!" sigaw ni Shiela mula sa garahe namin

"Oo! malapit na!" sigaw ko pabalik sa kanya

By the way Im wearing Black above the knee body hugging dress with matching black stilleto and light make-up.

Kinuha ko na ang aking silver pouch bago pumunta sa garahe.

Pagdating ko sa garahe ay nakita ko sila Cas at Shiela sa sarili nilang sasakyan. Cas is on her red Lamborghini, Shiela is on her royal blue Porsche and syempre ako sa matte black na LaFerrari.


Unang umandar ang sasakyan ni Cas sumunod si Shiela at ako ang panghuli para sa grand entrance hihi.



* * * * *

Pagdating namin sa harap ng malaking building ng mga Guivarra unang bumaba si Cas sumunod si Shiela and The Queen walang iba kundi ako hihi.

Paglabas palang namin ay pinagtitinginan na kami ng mga empliyado especially ng mga lalaki.

At marami kaming naririnig na bulungan habang papunta sa malaking building...

"Ang se-sexy nila!"

"Witwiw!"

"Chicks!"

"Ang gaganda nila!"

"Ang sexy na nga maganda at mayaman pa! san ka pa! witwiw!"

"Woooww!"

"Ang gaganda at yaman talaga nila Cas at Shiela pero mas nag stand-out yung ganda nung nakaitim, sino kaya yon?"

"Balita ko si Joana daw yon, yung Secretary ni boss."

"Diba mahirap lang yon?"

"Ngayon ko nga rin napag-alaman na anak pala siya nila Sir Jeffrey Andres at Ma'am Janna Andres, akalain niyo yon sobrang yaman pala niya."

"Sana pala niligawan ko na siya dati palang."

Mga bulungan na narinig namin bago tumuloy sa building at pumunta sa aming mga cubicle.

"Basta gurl wag mo kalimutan yung mga paalala namin sayo ha." paalala ni Cas habang kakaupo lang sa kanyang cubicle

"Yes naman mga gurls." ngiting sagot ko sa kanila.

"MISS ANDRES!!!" sigaw ng isang baritong boses

"Ay kaloka naman si boss ke aga-aga eh, gora na gurl baka malapa ka ng tigre hahaha." tumatawang saad ni Shiela

Inikutan ko muna siya ng mata bago pumunta sa  harap ng pintuan sa opisina ni Steven

This is it pansit, at dahan-dahan kong binuksan ang pintuan...


"MISS ANDRES, HOW MANY FUCKING TIME DO YOU FUCKING NEED TO-" hindi na naituloy ni boss ang kanyang sasabihin ng mapatingin siya sa gawi ko.

Tumikhim siya at inayos ang pag-upo bago nagsalita

"Who are you miss?" kalmadong tanong ni Boss sa akin.


"I'm your Sexytary sir." sagot ko sa mahinhin na boses

"What?!" sagot niya habang nanglalaki ang mga mata at mukhang gulat na gulat haha.

"Ah...eh...I-I mean I'm your Secretary sir" paglilinaw ko hihi.

"I don't remember replacing my old Secretary." sagot niya sa kalmado at baritong boses.

"Yeah right, I'm your old Secretary sir, Joana Andres here." nakangiti kong saad sa kanya.


Mukha siyang gulat na gulat at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.

Dahan-dahan akong lumapit sa visitor's chair na nasa harap ng kanyang lamesa at naupo sabay cross legs.

"A-are y-you sure?" nalilitong tanong niya.


"Does Jeffrey Andres and Janna Andres ring a bell, sir?" tanong ko habang tinitignan ang aking mga bagong nail polish sa kuko.

"Y-yes, they a-are my parents old b-bestfriends." nauutal niyang sagot hihi.

"Ohh...they are actually my parents." nakangiti kong saad at tumingin sa kanyang mga mata.

Agad naman siyang nag-iwas ng tingin.


"T-thats the reason why you are friends with Ms. Ferrer and Ms. Alonzo." Tukoy niya kay Cas Ferrer at Shiela Alonzo.

"Eventually I'm friends with those psychos *chuckles* " natatawa kong saad.


itutuloy...

Seducing My BossWhere stories live. Discover now