Chapter 16

12.3K 114 10
                                    


Chapter 16

Joana's POV


Nasa bahay namin ako ngayon at kasama ko sila Shiela at Cas. Nagulat pa nga sila ng dumating ako. Na-ikwento ko na din sa kanila ang dahilan kung bakit namumugto ang mata ko pagdating.

"Alam mo gurl kung ako sayo hindi ako papayag na alilain ako. Kung gusto niya maglaro edi sakyan mo tapos subukan mong paikutin sa kamay mo." advice sa akin ni Shiela. minsan pala may maganda din siyang nasasabi.

"Oo, nga gurl kung ako sayo papaamuhin ko yan ng bumaliktad ang mundo at yang Margarette naman na yon ang magdusa." gatong naman ni Cas kay Shiela.

Siguro nga tama sila dapat kong panindigan to kung akala ng Margarette na iyon na kaya niya ako pwes nagkakamali siya. Gagawin ko ang lahat para mapasaakin si Steven. LAHAT.

"Gaga ka naman kasi gurl! bakit kasi sinuko mo na agad ang brilyante eh hindi naman sanggre si Steven duhh." pagtataray ni Shiela sa akin. Saglit lang pala siya matino -_-

"Wow na wow! ikaw nga nakakita ka lang ng rumaragasang t*ti sa kalsada tuwang-tuwa na iyong pempem mo!" pang-aasar naman ni Cas kay Shiela sabay belat. HAHAHAHAHA natatawa na talaga ako sa kanila.

"Gaga! Sa sobrang ragasa nga muntik na akong mabangga! HAHAHAHAHA!" tumatawang kwento naman ni Shiela. At nagtawanan kaming tatlo.

"Pero alam niyo ba ang gwafo niya kyyyaaah! kaso masungit yung p*nyetang Sandrix Amiel Delvar na iyon." Nakakunot noong saad ni Shiela.

"Wow naman! Ayaw daw pero kabisado mo pangalan niya duh Hahahaha." pangbabasag ko naman habang tumatawa.

"Eh sa nakita ko ulit siya sa Company tapos ayon nagsabong kami." nakasimangot niyang saad.

"Paano?" sabay naming tanong ni Cas.

"Ihhh investor pala siya sa Company para sa mga new concept ng cars na ilalabas ng company tapos minura-mura ko pa siya noong muntik niya na akong mabangga." nakanguso niyang saad.

"HAHAHAHAHA!" sabay naming tawa ni Cas.

"Paano na ngayon yan?" tanong ko sa kanya.

"Ayun! Papaamuhin ko para di mag pull out alam niyo naman na billion-billion ang pinag-uusapan sa bagong launch ng company." bagot na pagpapaliwanag naman ni Shiela.

"Paano mo naman papaamuhin yon aber?!" nakataas ang kilay na tanong ni Cas.

"Bibigyan ko din siya ng brilyante kahit di siya sanggre para parehas na kaming tanga ni Joana. HAHAHAHAHA!" tumatawang pang-aasar niya.

"Gaga! Mamaya magback-fire sayo iyang gagawin mo." kinakabahang payo ko sa kanya.

"Sus! Kaysa naman hayaan ko yung Company eh kahit billion-billion ang pera namin sayang din yung launch."  nakanguso niyang saad.

"Bahala ka nga Shiela! Basta pag may nangyari andito lang kami ni Joana.... Pagtatawanan ka namin HAHAHAHAHA!" ngumuso naman si Shiela kaya sinabi ni Cas na 'Joke lang yon tanga!' bawi naman ni Cas.

"Pero seryoso talaga gurls, thankful ako kasi kahit napaka-martyr ko andyan pa din kayo para sa akin." nakangiti kong pasasalamat sa kanila.

"Ano ka ba gurl! Okay lang yon dahil we're besties kaya. Syempre we're always here kung may problema man ang isa sa atin." nakangiti ring saad ni Cas na sinang-ayunan din ni Shiela.

Buti na lang talaga may mga kaibigan akong pwede kong kapitan.

itutuloy....





A/N: Rush update! Sa mga nagtataka kung bakit may pa-moment si Shiela dahil meron din po siyang story "SLAVE OF MY ENEMY" which is prologue palang. If you want to check it's now on watty. Pagnatapos ko na po ito ay itutuloy ko na yung kay Shiela girl. Follow, vote and comment. Thank you in advance gods and goddesses.

Seducing My BossWhere stories live. Discover now