Chapter Two

17 3 0
                                    

Friday – morning

5 nang umaga, nagising na kami ni Eduard Santinez dahil kailangan 6 kompleto na kami sa school para eksaktong 6:30 aalis na kami para pumunta sa venue ng camping namin. Pagkatapos naming magayos agad na kaming nagpunta sa school dahil doon ang departure at arrival namin para hindi delikado para mga estudyanteng tulad namin. Kaso nagmumukha kaming mga grade school student kahit nasa senior high na kaming lahat. Pero patakaran nila iyon na dapat galangin at sundin.

Pagdating namin sa school, inasar na naman ako ng ‘kambal’ kong kaibigan pero ang boses nila parang malayo at hindi ko na sila naririnig buti na lang napansin iyon ng boyfriend ko kaya umayos din.

“Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Eduard Santinez.

“Oo naman ako pa!” palusot ko sa kaniya nang bigla niya akong niyakap at sabay halik sa noo ko na pagkatagal.

“Just don’t make me worry.” Alala niyang sinabi pero may kakaiba sa boses niya parang malamig at pamilyar sa akin.

“Susubukan ko.” Tangi kong nasabi sa kaniya nang pinagtatawag na ang mga sections namin at hindi ko kasama itong boyfriend ko sa bus.

Nakakaiyak gusto ko siyang kasama kasi ba naman iba-iba nakakasama ko. Alam mo na…

Sa byahe wala akong makausap kaya nakinig nalang akong music ko sa ipod at natulog dahil ayoko silang makita ng wagas. Ew kaya!

Pagdating namin sa venue na, hindi ko man lang naramdaman ang byahe dahil sa himbing ng tulog ko, biglang lumakas ang kabog ng puso na halos gusto ng lumabas sa dibdib ko. Alam ko, I really do love outdoor activities and especially camping pero iba ito. Iba ang pakiramdam ko sa camping namin na ito at hindi ko alam kung dahil lang ba sa lugar na makaluma pero well maintained naman o sadyang may pagkapraning lang talaga ako sa mga lugar na hindi ako pamilyar.

Yung lugar ng camping ay may kalayuan sa syudad kaya madalang ang mga sasakyang napaparito maliban nalang sa mga nag-aaral sa school na iyon o wala talagang napapadaan mostbof the time. Pagkababa naming lahat, agad kaming tinuro-an sa mga lugar na pwede naming puntahan at ang mga lugar na hindi. Sa paglalakad namin, napansin ko na masyadong kompleto ang mga kagamitan at lalo na ang mga resources na pangkabuhay dito. Gusto ko sanang magtanong kung wala lang sanang sumulpot sa likod ni manong na maliit na nilalang. Hindi ko lang pinansin baka makita pa ako ni manong na tumitingin sa kaniya.

Baka isiping gwapo siya.

Eksaktong nag-whistle ang mga guro namin at hindi ko din namalayang iniwan ako ng mga kasama ko na nakatayo sa isang itim na gate na naka-lock. Agad akong pumunta doon kung nasaan sila nagkukumpulan para hindi ako maparusahan dahil yan yung napag-usapan bago umalis ng school grounds eh. Pagkatingin ko sa gawi kung saan ako iniwan, napansin ko si manong na napapalibutan ng maliliit na nilalang na naglalaro sa paligid niya habang nagwawalis siya sa daanan.

“Oh shakes…” bulong ko sa sarili ko nang maisip ko kung ano ang tawag sa mga maliliit na iyon. DWENDE.

“Now, alam ko na kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko pagkadating namin dito.” Sabi ko sa sarili nang hindi man lang namamalayan ang pinagsasabi ng isang guro namin na matabang lalaki.

“Ngayong umaga, magtatayo kayo ng tent at sa iisang tent, apat kayong matutulog at kung napapasin niyo walang tent sa paligid ay iyon ay dahil sa kayo mismo ang gagawa. Ngayon, igo-grupo ko kayo sa apat, kapag tinawag, magsama-sama kayo. Naiintindihan ba?” paliwanag ng guro naming mataba na sinang-ayunan naman ng lahat.

Pagkatapos matawag ang lahat, agad na kaming nangolekta ng mga gamit sa pagtayo ng tent at para magawa iyon kailangan namin sundin ang mga nakasulat sa mapa. At oo, may mapa na binigay kung saan makukuha ang mga materials na kailangan sa pagtayo nito. Treasure hunting sa umaga. Bago mo tuluyang makuha iyon kailangan mong sagutin ang mga katanungan sa bawat stop na nakabilog sa mapa.

Nakakapagod pero masaya dahil kailangan doon ay teamwork at buti nalang ang mga nakasama ko ay marunong sa makisama. Wala ngang masyadong maarte sa kasama ko maliban sa isang pasaway na kanina pa ako sinusundan.

“Laurelei, ayos ka lang ba?” tanong ng isang kong ka-teammate na babae na may dalang pamatpat.

“Oo, akala ko may nakita akong kabatch natin.” Palusot ko at nagpatuloy kami sa paghahanap ng huling materials para sa tent nang napahiwalay ako dahil may nakita akong bagay na tulad sa larawan ng nasa mapa.

Pinilit kong kunin iyon nang bigla akong tinulak ng isang lalaki sa may puno. Nasa likod ko siya ang nadadama ko ang init ng katawan niya at lalo na yung nasa baba.

“Mukhang mare-rape pa ako nitong asungot na ‘to.” Inis kong sabi sa sarili ko habang pinakikiramdaman ko ang paligid ko lalo na ‘tong lalaki sa likod ko.

“Jackpot ako ngayon ah.” Masayang sabi ng lalaki habang kinukuskos niya ang pang-ibaba sa likod ko na lalong kinainis ko.

Dahil sa inis ko, ayun nakaramdam siya ng malakas na pagtapak sa paanan niya at malakas na tadyak sa kaniyang ari na dahilan ng pagkatumba niya sa mga talahib. Habang lugmok siya doon agad kong kinuha ang material na nakita ko sabay takbo para hanapin ang mga ka-teammates ko.

Lakas ng kabog ng puso ko dahil sa nangyaring iyon. Nakakahingal tumakbo kung wala ka na masyadong ensayo. Sa pagbalik ko sa camping site, natuwa ang mga kasama ko dahil nakuha ko ang huli. Kaya agad naming binuo ang tent bago umabot ng tanghalian. Eksatong natapos namin ang tent agad. Sinabi agad namin sa gurong mataba. Pagkasabi namin noon, binigyan kami ng isang salo-salong pagkain sa isang mesa dahil sa pangatlo kaming nakatapos ng tent bago magtanghalian.

12 noon

Kumakain na ang lahat sa isang malaking tent kung saan nandoon ang mga guro namin at inasikaso kami na parang mga anak nila. Pero ang lahat ay tumigil sa pagkain nang biglang tinawag ang isang matabang lalaki at ibang guro namin para sumama sa taga-bantay ng school na ito.

“Ano kaya ang nangyari?” tanong ng isang babaeng kumakain ng nakamay lang.

“Hindi ko din alam pero parang masamang balita ata iyon.” Sabi ng isang silahis na lalaki sa aming grupo.

“Wag naman sana.” Sabi naman ng babaeng may hawak na patpat kanina.

Tumingin ako kung saan nagtungo ang ibang guro namin at sa gawing iyon, naalala ko ang nangyari kanina. Nanlaki ang mga mata ko pero binali-wala ko lang dahil imposible iyon pero nang mapatingin ulit ako doon sa gawing iyon...

“Pucha!” tangi kong nasabi sa isip ko nang makita ko ang lalaki kanina na ayaw kong makita kahit kanino pa.

Yung ulo niya kasi halatang may kung anong humampas sa ulo niya para dumugo ng ganon kalala, tapos sa leeg niya may umaagos pang dugo at yung buong katawan nya tadtad ng mga hampas na ikakamatay talaga ng isang tao. At oo patay na yung lalaking muntikan nang mang-rape sa akin. Yung lalaking sa pagkaka-alam ko, isa sa care taker ng school na ito.

Yes! I can see dead people and other creature as well. Kahit ayoko silang makita, wala akong magagawa.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon