Chapter Eight

8 2 0
                                    

Eduard Santinez POV

Hindi ko alam kung nasaan ako pero sa pagkakatanda ko, nasa bahay ako nila Laurelei at mahimbing na natutulog pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang may kung anong aninong pumapalibot sa may kwarto ni Laurelei.

Alam kong nananaginip ako pero mukha talagang totoo dahil bigla nalang nagbago ang nakikita ko. Sa lalim ng panaginip ko, nakikita ko ang school namin tapos sa loob ay may isang cr ng mga babae, may nakita akong anino at hindi ito maganda. Mabigat sa pakiramdam samantalang panaginip lang iyon hanggang sa may narinig akong sumisigaw at halatang tumatakbo sa pasilyo ng school dahil sobrang lakas ng mga yabag nito.

"SAKLOLO! TULUNGAN NINYO AKO!" sigaw ng isang babaeng pamilyar ang boses pero hindi ko mawari kung anong itsura niya o sabihin na natin kahit hinahanap ko kung saan nanggagaling iyon, pero hindi ko talaga siya mahanap o makita.

Naiinis na ako dahil lalong bumibigat na ang paligid. Panaginip lang ito pero parang totoong nangyayari nang biglang may isang malakas na pagkabali ng buto ang narinig ko sa buong pasilyo. Dali-dali akong tumakbo kung saan nanggaling iyon kaso biglang nagbago ang lahat dahil nasa may damuhan na ako at higit sa lahat, may isang babae na nakalutang sa ere at dahil iyon sa mga kamay kong nakahawak sa leeg niya. Wala na siyang malay. Patay na siya at tumatawa ang lalaking iyon – at ako iyon.

Nagising ako na hingal na hingal at pinagpawisan dahil sa panaginip na mukhang totoo pagkat nadadama ko pa sa mga kamay ko ang nangyari sa panaginip ko. Napailing ako dahil ayoko ng isipin at gusto ko nang matulog nang makarinig ako ng tunog ng violin at piano na kinagising ko. Hindi ko namalayang unti-unti na akong nakatulog dahil sa tugtog na kay sarap pakinggan; nakakagaan sa loob.

Laurelei Ravan POV

Morning

Nagising ako sa pagsigaw ni Eduard sa labas dahil sa hinahanap niya ako pagkat wala ako sa aking kwarto. Samantala iyong mga magulang ko hindi nag-aalala. Dahan-dahan akong bumangon para hindi ako mahilo o ano pa man. Sa pagbangon ko, napa-isip ako kung paano ako nakarating dito sa couch at sa kwartong ito. Sa pagkakatanda ko, hindi ko na pinapasukan ang kwartong ito maliban nalang ngayon. Pilit kong inalala kung anong nangyari kagabi hanggang sa makita ko muli ang aninong kasama ko kagabi.

Alam kong naiinis na naman ako pero iba ang pagka-inis ko ngayon dahil umiinit ang pisngi kapag andito siya. Gusto ko sanang magdabog kaso bigla siyang tumugtog ng piano na kinangiti ko ng bahagya.

"Seriously, music in the morning?" bahagya akong natawa ng tanungin ko 'yong aninong kasama ko ngayon sa kwarto.

Niligpit ko na ang hinigaan ko sabay lapit sa may piano para samahan siyang tumugtog ang kaso lang, bigla siyang naglaho dahil sa biglang may pumasok sa kwarto – si Eduard.

Eduard Santinez POV

Sa pagpasok ko sa kwarto dahil sa tunog ng piano, bumungad sa akin si Laurelei sa tapat ng piano. Napangiti akong nakatingin sa kaniya at nang tuluyan na sana akong pumasok sa loob ng kwarto, biglang nag-iba ang pakiramdam ko na para bang hindi ako pwedeng pumasok sa loob dahil sobrang bigat at tagos ang tindi ng pagkalamig sa kwarto kahit wala namang elektrikpan lalo ng walang aircon na makikita sa loob.

Multo?

Napa-iling nalang ako sa isipan ko habang pinagmamasdan ang babaeng minamahal ko kaso, dama kong may nagbago sa kaniya simula nang umuwi kami galing sa camping.

"Ed, morning?" bati sa akin ni Laurelei na may pagtataka dahil medyo natulala at hindi ako pumasok sa kwarto para samahan siya.

"Morning, tara kain na raw tayo ng almusal sabi ni mommy." Nakangisi kong sinabi kay Laurelei.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon