Chapter Thirteen

11 2 0
                                    

Laurelei Ravan POV


Hindi ako mapakali pagka-uwi ko mula sa bahay nila Issy. Pahirapan pa nga iyon dahil ayaw pa akong pauwiin ni Tita. Buti na lang nandoon si Tito to the rescue. Pagdating ko sa bahay, wala sila nanay at panigurado lumabas silang dalawa pagkatapos ng libing.

Paikot-ikot lang ako sa loob ng bahay dahil sa wala na akong magawa hanggang sa narinig ko ang tunog ng piano at pati sila.

'He's playing again...'

'What do expect.'

'It's for our protection and theirs as well.'

'Oh, yeah. I remember LSelene mentioned it before.'

Napa-isip ako sa narinig ko sa kanila habang papunta ako sa music room ko. Nagtataka ako kung paano nila nakilala ang lola ko na isang beses lang dumalaw dito pagkatapos noon, wala ng pakita pa. Napakamot nalang ako sa ulo sabay pasok sa kwarto.

"Anong kanta 'yan?" tanong ko kay Zel na patuloy pa ring tumutugtog ng isang piyesang hindi ko alam sa piano.

"You know it."

Napatango nalang ako sabay higa sa sopa at pinakikinggan siya. Sa pakikinig ko unti-unting napapapikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Sa lalim ng pagtulog ko napapansin kong iba na ang paligid ko dahil sa panaginip na mukhang nangyari na noong matagal na panahon.

"My Moon." Tawag sa akin ng isang boses na pamilyar at nang mapalingon ako kung kanino nagmula ay sa isang napakagwapong lalaki na nasa harapan ko – Zel.

"Seryoso Moon talaga?" paasar kong tanong sa kaniya sabay pulupot ng mga braso ko sa kaniyang leeg kasabay din noon ang pagyakap niya sa akin.

"Yep. You're a moon goddess like your name or do you want me to call you Luna instead?" paglalambing ni Zel sa akin na kinatawa ko lang naman.

"Funny pero gusto ko ang pangalan na Lunar." Sabi ko naman habang nagtitigan kami sa mga mata at nakakatunaw talaga siyang tumitig dahil sa mga mala-crystal na may pagkapilak ang kaniyang mga mata.

"Then let's name that to our kid. Oh, I also love the Laurelei name to represent yours." Malambing na nakangiting sinabi ni Zel sabay lapat ng noo niya sa noo ko.

"Okay, pero bago yun pagkasalan mo muna ako." Sabi ko na kinatawa lang ni Zel sabay titig muli sa mga mata ko na halos lamunin ako ng mga ito hanggang sa madama ko ang mga labing puno ng pagmamahal na agad ko namang sinuklian.

Dama ko ang pagmamahalan sa panaginip kong iyon pero heto na naman ang panaginip na laging nakakasakit sa damdamin ko dahil sa isang gahaman na pagmamahal, nawala si Zel sa piling ko. Nagising muli ako sa panaginip na ayokong maalala pa.

"Zel, naalala mo ba kung sino ang pumatay sa'yo?" tanong ko na dahilan kung bakit nag-iba ang timbre ng paino sa pagdiin niya dito.

'Our best friend'

"I see... Sorry pinaalala ko pa sa'yo." Sabi ko sa malungkot kong boses pero umiling lang si Zel sa sinabi ko habang tumutugtog pa rin siya.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya hanggang sa heto na naman ang nadadama kong hindi nararapat pagkat wala na siya. Patay na siya. Kaluluwa na siya. Naiiyak ako dahil doon kaya naman napatigil si Zel sa pagtugtog sa piano sabay tingin sa akin ng may pag-aalala na kina-iling ko nalang sa kaniya.

Sa umaapaw kong nararamdaman para sa kaniya, kahit hindi dapat dahil may kasintahan man ako o wala. Alam kong totoo itong nadadama ko na umuusbong nang pagkalalim dahilan din para umapaw ang mga alaalang nawala sa akin. Lalo akong napa-iyak dahil noon pa man na kasama ko siya bago ang aksidente...

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon