Chapter One

34 3 0
                                    

Laurelei Ravan POV

Thursday – morning

Isang linggo na ang nakalipas noong nagbigay ng waiver slip ang guro namin para sa darating na School Camping Trip sa isang luma at historical na eskwelahan. Ang totoo tuwang-tuwa kami noon pero habang papalapit ang araw ng Biyernes, iba ang kabang nadadama ko. Yung kabang hindi maipaliwanag pero binabale-wala ko na lang dahil kailangan para sa grades ko.

Ayaw ko kayang bumagsak.

Ang school namin ay tulad lang din ng ibang typical school. Nandiyan ang ingay na walang maliw na aakalain mong matagal nang hindi nagkikita samantalang kahapon lang naman nagkita. Nang umabot ako sa silid namin, mas malala pa ang ingay na meron dito dahil dinaig pa namin ang palengke sa kaingayan at kalat.  Nagbabatuhan, nag-aasaran at nagkukwentuhan lahat ng mga kaklase ko dito. Kaso ayan na naman ang pakiramdam ko na ayoko sa lahat.

"Pucha naman!" nanggagalaiti ako sa inis ng sabihin ko sa sarili ko dahil may nakikita na naman ako na ayokong makita.

Hindi ko nalang pinansin at umupo na ako sa upuan ko. Nagbabasa ako ng libro ng biglang may dumaan sa likod ko na kinalingat ko agad at nanlaki mga mata ko sa nakita ko kaya naman binaling ko nalang atensyon ko sa kaingayan ng mga kaklase ko.

"Kainis naman! Argh!" nagpipigil kong sinabi sa sarili habang natutulala na ako sa kaingayan nila at ang tangi kong naririnig ay ang tibok ng puso ko na may sabay na isa pa?

"HOY!" hampas ng isang kong kaibigan na unang nakapansin ng pagkatulala ko sa kawalan.

"Tulaley ka! Not so you girl so, anong ganap?" tanong naman ng isang kaibigan ko.

"Iniisip ko kung anong pwedeng kainin mamayang lunch, Jollibee ba o McDo?" palusot kong sinagot sa kanilang dalawa na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Gusto ko ng bagong toy collection noh." Masaya kong sabi at sana ay makalusot sa kanila.

Buti nalang tumawa sila.

"Isip bata ka talaga. Change the subject tayo." Simula ng isa.

"Ito ang totoong ganap, handa ka na ba para bukas sa camping?" tanong ng isa na medyo kinakaba ko na naman at kinalunok ng laway.

Sa totoo lang hindi ko alam kung kambal ba tong kausap ko dahil halos iisa ang tinatakbo ng isip pagdating sa pagtatanong sa akin.

"Ah...eh..Oo naman! Masaya kaya yung laying on the ground tapos kita pa ang mga stars." Pagsisinungaling ko.

"Eh, kayo handa na ba?" tanong ko naman sa kanilang dalawa.

"Oo naman." Sabay nilang sagot sa akin nang biglang tumahimik na ang paligid namin dahil pumasok na ang guro namin sa umaga.

"Class settle down, homeroom is about to begin..." bungad ng guro namin na sinunod naman ng lahat.

"...let's start with Pop Quiz." Patuloy na sinabi ng guro namin na kinareklamo ng lahat ng mga kaklase ko.

"Ma'am pwede ba wag laging pop quizzes, how about we took a break?" reklamo ng isang kong kaklaseng lalaki sa guro namin. Ngumiti lang ito at akala namin okay na.

"Take your pop quiz or see you next year?" matalinong tanong ng guro namin na biglang kinalugmok dahil sa akala naming wala ng pop quiz na mangyayari since tomorrow is the big day na ayaw kong matandaan.

Pagkatapos ng dalawang unang klase namin sa umaga na iisa lang ang guro ay uwian na agad namin dahil sa maaga pa ang alis namin kinabukasan. Tuwang-tuwa ang mga kaklase ko dahil balak pa nilang maglaro ng dota sa computer shop at ang iba naman maggagala pa o uuwi nalang para makatipid samantalang ako naiwan sa classroom na mag-isa para mag-ayos ng pinagkakalat nila kanina.

"Ms. Ravan, pagkatapos mo ay umuwi ka agad ah." Paalala ng guro namin bago siya umalis ng classroom.

"Opo." Sagot ko naman at ako na lang mag-isa dito.

Lumalamig na naman ang pakiramdam ko kaya nagkakanta ako ng pagkalakas-lakas nang biglang may nadinig akong tumawa pero paglinggon ko wala naman. Hindi ko pinansin at kumanta nalang ng Huling Araw by Dj Myke kaso habang kinakanta ko iyon may sumasabay sa akin na lalong kinataas ng mga balahibo ko sa buong katawan.

"Pucha naman! Lumayo nga kayo!" sigaw ko na eksaktong tapos na akong malinis nang may humipan sa tenga ko na kinatili ko.

"TANG INA! LUBAYAN NIYO NGA AKO! BWISET!" sigaw ko sa kawalan sabay hablot ng bag ko at lumabas na din ako ng classroom.

Nagmamadali ako sa paglalakad nang makasalubong ko siya.

"Ba't ang tagal mo?" tanong ng isang hindi kagwapuhang lalaki pero may itsura na nakatayo sa may locker area na malapit sa gate.

"Naglinis pa ako ng classroom eh, sorry nagpaghintay kita." Paliwanag ko sa kaniya.

"Wala yun babe, tara hatid na kita." Malambing na sabi ng boyfriend ko sa akin.

"Wow, hatid talaga? Hindi ka ba maglalaro ngayon?" nabigla ako sa sinabi niya dahil mahilig itong malaro ng kahit anong sports na alam niyang laruin sa tuwing maaga ang uwian.

"Ayoko gusto kong tumambay sa inyo." Masaya niyang sinagot na parang may pinahihiwatig na hindi ko alam.

"Ah kaya pala, sige pero nasabi mo na ba kila papa?" napatungo na lang ako sa kaniya habang naglalagay ako ng libro sa locker ko.

"Yep, at dala ko na nga pantulog ko eh." Nakangiti niyang sagot sabay pakita ng isang malaking camping bag na hindi ko man lang napansing may dala siya.

"Ang lakas mo talaga sa parents ko." Natawa ako dahil sa gustong gusto siya ng parents ko para sa akin.

"Syempre iba na ang gwapo." Nagyabang sinabi ng boyfriend ko na kinailing ko nalang.

"Hay ang kapal. Tara na nga baka saan pa tayo dalhin ng kayabangan mo." Tawa ko sa pagyayabang niya dahil kahit papaano gwapo nga siya.

"Heh, yan ang nagustuhan mo sakin." Pagyayabang na naman niya sabay akbay sa akin.

"Echos. Tara na yabang." Tawa ko sa sobrang kayabangan niya pero kahit ganoon siya sobrang bait naman nya...

"Gwapo naman."  Sabi niya kinatatawa ko talaga.

...Mayabang nga lang.

Maghapon nga siyang tumambay sa amin at kaming dalawa lang sa bahay dahil parehas may pasok sila papa. Walang kakaibang nangyari sa amin kung hindi lagi ko siyang natatalo sa table tennis. Varsity kasi ako doon sa pingpong. Inabutan pa nga kami nila papa na naglalaro ng pingpong dahil hindi nagpapatalo tong si Eduard Santinez.

Sa totoo lang sa tuwing nakakasama ko si Eduard Santinez, walang ibang kababalaghang nangyayari sa paligid ko. Parang protektado niya ako kahit hindi kami laging magkadikit na tulad ng ibang magkasingtahan na akala mo parang tuko na hindi mabubuhay na wala ang isa. Kaming dalawa hindi dahil ang relasyon namin ay nagsimula sa isang pagkakaibigan na talagang subok na kaya naman nang nagkaaminan, agad naging kami.

"Babe, tulog na. Maaga pa tayo bukas." Paalala ng boyfriend ko habang nanunuod sila ng papa ko sa sala.

"Opo taytay." Paasar na sabi ko at pumasok na ako sa loob dahil tulala na naman ako sa may hardin namin na malapit lang sa sala.

Maaga akong natulog at walang bangungot na naganap kapag nandyan siya pero yung pakiramdam ko na laging may nagmamasid ay hindi nawawala kahit saan ako magpunta.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon