Laurelei Ravan POV
‘Is that a yes?’
‘Fuck, Yes!’
Isang masayang panaginip ang kaso lang malabo ang mukha ng lalaking kasama ko o yung taong pakakasalan ko ang kaso lang para nasa ibang panahon ang panaginip ko. Ang kotseng gamit ng lalaking kasama ko ngayon ay isang Mustang kulay itim. Sumakay kaming dalawa sa kotse at sa pag-alis namin sa lugar na iyon, masaya kaming nagkakatahan ng biglang may bumangga sa amin. Buhay pa kami kaso biglang tatlong putok ng baril ang nadinig ko.
‘She’s finally mine, Zelus.’
Bigla akong nagising sa panaginip na hindi ko maintindihan pero nakakakaba dahil yung lugar na natatandaan ko mula sa panaginip ay ang bus stop mismo ng school na ‘to.
Napatingin ako sa relo ko at ito na naman alas-tres na naman ako nagising. Tumingin ako sa paligid ko at mahimbing ang tulog ng mga kasama ko hanggang sa mabatid ko na may isang anino ng isang lalaking dumaan sa tapat ng tent namin. Bumangon ako at sinilip kung sino at nakita ko si Ruberto na nakaupo sa damuhan na malalim ang iniisip. Nilapitan ko siya dahil hindi na naman ako makatulog.
“Oy, hindi ka makatulog?” tanong ko kay Ruberto habang tumabi sa kaniya.
“Oo eh, ikaw ba’t gising ka pa?” tanong niya rin sa akin.
“Naalimpungatan lang ako.” Tanging sinagot ko sa kaniya.
“Hah, don’t tell me its about that kid, earlier sa laro kanina?” paniniguro ni Ruberto sa akin na kinasalubong ng noo ko.
“Eh panu kung oo, may angal ka?” pikon kong tanong sa kaniya na kinatawa lang niya.
“Easy lang, parehas tayo. Simulang nakita ko iyong batang ‘yon, grabe, lagi kong nakikita yung nakangisi n’yang mukha at hinahabol ako.” Seryosong sinabi niya sa akin kung anong panaginip na meron siya.
“Sabi sa’yo wag mong tignan eh.” Paalala ko sabay tingin sa fireplace dahil may nakikita na naman akong dwendeng kumukuha ng uling na medyo kinangiti ko.
Masama bang makyutan?
“Oo na pero paano mo nalaman ang gagawin sa sitwasyong ganon?” usisang tanong ni Ruberto sa akin.
“Sikretong malupet.” Tangin sinagot ko na paasar.
“Sira.” Tawa niya sabay gulo sa buhok ko.
Para kasi kaming magkapatid nitong si Ruberto eh.
Eduard Santinez POV
Nagising ako bigla dahil sa kakaibang makapanindig at makatotohanang panaginip tungkol sa nakakainis na assistant teacher na ‘yon. Sa pagkakalma ko ng sarili, nagpunta ako sa CR ng mga lalaki para maghilamos at naiihi na din kasi ako. Pagkatapos ko sa banyo, napansin kong bukas ang bonfire sa labas kaya naman sinilip ko kung sino ang nasa labas sa disoras ng gabi at nakita kong nagtatawanan ang dalawa.
Flirt.
Naiinis ako pero pagnakangiting ganyan si Laurelei napapa-iling na lang ako kaya naman nagdesisyon baliwalain ang selos na namumuo sa dibdib ko. Babalik sana ako sa tent namin ng bigla naman akong tawagin ni Ruberto.
“Dude, samahan mo kami dito!” tawag ni Ruberto na agad naman akong lumapit at natural na tinabihan ko si Laurelei.
Laurelei Ravan POV
Pagkadating at pagka-upo ni Eduard sa tabi ko, walang-hiya kong hinila papalapit siya para iyakap ang dalawa niyang braso sa bewang ko at isandal ang buo kong likod sa kanyang dibdib. Sa ginawa kong iyon agad naman akong hinalikan ni Eduard sa noo at pisngi ko na dahilan naman ng biglang pag-unat ni Ruberto.
BINABASA MO ANG
Kismet
HorrorSi Laurelei Ravan ay isang simple babae na hindi naman gaanong kasikat sa kaniyang senior high school pero madali naman siyang lapitan at palakaibigan kaya naman kilala siya halos sa buong school sa pagiging mabait niya pero ang hindi alam ng lahat...