Laurelei Ravan
Saturday…
“Laure, gising na. Pumito na sila Chubby Prof.” gising sa akin ni Ashley na medyo ina-antok pa din tulad ko na sobrang groge dahil sa puyatang hindi ko naman ginusto.
“Ha? Sige sige. 2 minutes lang, magre-ready na ako.” Ina-antok kong sabi sa kaniya at agad na din akong bumangon para ayusin ang higaan ko bago sumunod sa mga ka-grupo ko.
Sa paglabas namin, halata na hindi nga sanay gumising ng 5:30 sa umaga. Lahat naghihikab, nakaupo sa kahoy na bangkito, nag-uunat at ang iba’y nakatayong nakapikit dahil sa antok pa. Magka-ganon man, hindi nawawala sa lahat ang kwentuhan o tawanan sa umaga.
Bigla kaming nahinto sa mga usapan nang pumito na naman ang matabang guro nang mapansin ko na naman ang assistant nito na grabe kung makatitig talaga sa akin pero hindi ko nalang pinapansin pero grabe siya. Ang lagkit kasing makatingin sa akin at ang aga-aga pa.
“Okay everyone, let’s start our morning exercise.” Masiglang sinabi sa amin ng isa sa mga P.E instructors namin sa school.
Nagsimula na ang umagang ehersisyo namin at dahil doon medyo nagising naman kami. Ang kaso lang pgdating sa akin, tila ba’y hindi ko na marinig ang sinasabi ng instructor namin dahil sa ingay na naririnig ko. Malalakas na bulungan, sigawan, at kung anu-ano pang mga tono ng mga boses ang nasa paligid ko. Nalingat ako dahil nakakapagtaka kung bakit biglang dumami kami na siyang dahilan ng paghinto ko sa pag-eehersiyo.
“MISS RAVAN!” sigaw ng matabang guro sa akin dahil sa biglaan kong paghinto.
“Sorry po.” Paumanhin ko nalang at bumalik sa pag-eehersiyo.
Pagkatapos namin mag-exercise ay pumito muli ang matabang guro namin at tinignan kaming lahat para makasiguro na gising na ang lahat bago siya nagsimulang magsalita.
“Magandang umaga sa inyo, ngayon wala tayong almusal na nakahanda kung mapapansin niyo sa likuran ko. Ibig sabihin noon ay kayo ang maghahanap ng kakainin ninyo sa loob ng gubat.” Bungad ng matabang guro sa amin.
“Pero hindi po ba delikado doon dahil sa aksidente nung Biyernes?” tanong naman ng isang estudyanteng mukhang inaantok pa rin.
“Wag kayong mag-alala dahil may kasama na kayong guro sa bawat grupo at hindi tayo maga-gawi sa lugar nang pinangyarihan ng aksidente. Kasama din natin ang mga caretaker dito para maging gabay sa daan pati na sa paghahanap ng makakain.” Sagot naman ng matabang guro sa aming lahat na sinang-ayunan ng lahat.
Pagkatapos sabihin iyon ng matabang guro namin, agad na kaming nagtungo sa aming nakatokang guro at caretaker na magtuturo sa amin kung saan makakakuha ng pagkain. Sa loob ng gubat. Tinuro ng caretaker sa amin yung isang ilog kung saan kami mangingisda kaso bago lahat mangyari iyon, kailangan muna namin sagutan lahat ng riddles para makuha namin ang mga gagamitin sa pangingisda.
Grabe Amazing Race lang…
Ang daming dinaanang riddle, kahit nadaanan na namin kung saang ilog kami mangingisda. Pa-unti-unti nakukuha namin ang mga kagamitan sa pangingisda kahit nababahiran na kaming lahat ng gutom buti na nga lang hindi pa sumabay ang init ng araw. Pagkakuha namin ng huling sangkap sa materyales na ginagamit sa pangingisda ay kompleto na din sa wakas kaya agaran na kaming nagtungo sa ilog para makapangisda.
Pang-limang grupo kaming nakarating dito sa ilog at napansin kong ang galing manghuli ni Eduard ng isda gamit lang ang gawang sibat. Yung sibat kasing gamit niya ay isang matigas na pamatpat at swiss knife. Hindi ko na sana babanggitin pero ang ganda ng hubog ng katawan niya.
OH! LAURELEI! STOP! Your being pervy to your boyfriend!!!!
Anyway, tinuruaan kami ng caretaker kung paano manghuli ng isda sa iba’t ibang paraan, tulad sa paggamit lang ng mga kamay, sibat, maliit na lambat, at ang alam ng lahat sa panghuhuli ng isda gamit ang pagpapakain sa mga ito. Sa paghuhuli namin, agad nakatpos ang grupo nila Eduard ng biglang dumating naman ang iba pang grupo. Mga ilang minuto lang ang nakalipas, natapos din kami. Kailangan naming manghuli ng anim na isda kaya masyadong natagalan. Nang matapos ay agad na kaming bumalik sa kampo para linisin ang isda at lutuin ito sa kahit anong klaseng lutong naisin namin.
BINABASA MO ANG
Kismet
HorrorSi Laurelei Ravan ay isang simple babae na hindi naman gaanong kasikat sa kaniyang senior high school pero madali naman siyang lapitan at palakaibigan kaya naman kilala siya halos sa buong school sa pagiging mabait niya pero ang hindi alam ng lahat...