Chapter Fourteen

8 2 0
                                    

Laurelei Ravan POV


Maaga akong pumasok dahil ilang araw na lang bakasyon na at kahit gusto kong makasama o isama si Eduard sa bahay ni Lola hindi pwede dahil sa may varsity practice raw sila sa school sa araw na iyon. Sa daan patungo sa school, doon sa nilakaran namin noong isang gabi kung saan kami sinundo ng tatay ko, may napansin ako kakaiba dahil sa kakaibang awra ang meron sa isang bahay na unti-unting nagbabago sa paningin ng isang taong napapatitig o nasusulyapan ang bahay na iyon. May nakita kasi akong nakatayo sa may bintana sa ikalawang palapag na may nakapulupot sa kaniyang leeg at nakatingin ng diretso sa may bintana kung saan mapapansin siya ng mga tao. Maliban nalang kung hindi sila tao.

Medyo kinalibutan ako roon hindi dahil sa taong nasa bintana bagkus sa awra ng bahay na iyon kahit napakasimple tulad ng ibang bahay, ngunit kung may malakas kang pangdama, mararamdaman mo ang nakakapanindig-balahibo at kakaibang itsura nito – haunted house o possessed house. Madadama ko kasi ang bigat, nakaka-akit at kahit ano pang pakiramdam dahil sa pinamumugaran ito ng kung anong nilalang. Buti na nga lang sulyap lang ang pagtingin ko roon dahil nasa sasakyan kami ni tatay dahil hinatid niya ako pero yung pakiramdam nandoon kahit mapadaan ka lang ng sandali.

Pagdating namin sa school, agad na akong nagpaalam sa tatay ko at pumasok sa loob kaso sa pagpasok ko sa loob, napansin kong lahat nakatingin na naman sa akin hanggang may lumapit sa akin na isang sophomore.

"Ate, nabalitaan mo ba ang nangyari kila ate Nicky?" tanong nitong babaeng sophomore na halatang hindi mapalagay sa pagtatanong sa akin o mas magandang sabihin na napipilitan lang siyang tanungin ako.

"Oo, napanuod ko sa news. Bakit?" tanong ko naman sa kaniya na medyo napapa-isip pa kung anong itatanong sa akin na dahilan para magbuntong-hininga ako.

"Kung tatanungin mo kung ako may gawa noon, natural hindi dahil wala akong kakayahang gawin ang mga bagay na ganoon kahit ba nasaktan na nila ako. At kung hindi ka mapalagay sa pagtatanong sa akin dahil sa napag-utusan ka lang, mabuti pang mag-aral ka na lang kaysa problemahin ang hindi naman dapat problemahin dahil hindi ka naman apektado sa mga nangyari, tama ba?" pangaral ko sa kaniya na kinatungo na lang niya sabay balik sa mga kaibigan na mukhang wala naman sa kanila ang tunay niyang kaibigan.

Napa-iling na lang ako sabay lakad patungo sa classroom kaso sa bawat palapag na madaan ko, lagi na lang akong tinatanong kung nabalitaan ko yung nangyari kila Nicky kesyo dapat lang daw sa kanila iyon na natural hindi ko sinang-ayunan hanggang sa nakarating na ako sa classroom. Sa pagdating ko sa classroom ay dinumog ako ng parehas na katanungan maliban sa isa.

"Anong nangyari naman kay Issy?" tanong nang isang lalaking naka-upo sa may tabi ng bintana na kinatahimik ng iba dahil ngayon lang siya naglakas-loob na tanungin ako.

Napatingin ako sa kaniya at nakikilala ko ang mukha niya kahit hindi siya pansinin dito sa classroom namin pero kapag nagsalita siya alam mong kailangan mong tumikom dahil sa awra niyang kaya niyang pabaksakin ang isang tao. Sa madaling salita para siyang sindikato.

"Frost... Kailan ka pa nakabalik?" tanong ko habang papalapit sa kina-upuan.

"Seryoso Lau, 'yan ang tanong mo sa akin? Sagutin mo muna tanong ko." Nakangisi pero nanlilisik ang mga mata niyang sinabi sa akin.

"Nabundol siya ng sasakyan noong papauwi siya," Sagot ko kay Frost na seryosong nag-iisip kung paano siya nabundol.

"Nandoon ka ba noong gabing iyon?" tanong ni Frost na batid kong gusto niyang malaman ang lahat dahil sa matagal-tagal na ring may nililihim ito at ako lang kinakausap niya tungkol doon.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon