Chapter Eleven

7 2 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong pumasok para magamit ang music room at para na rin makapagpraktis ng isang kantang minsang pinasaluhan namin ni Issy bago kami nagkalabuan. Sa tuwing na-a-alala ko ang panahong iyon, hindi ko maiwasang matuwa dahil pinilit pa niya akong pakantahin kahit alam niyang matagal na akong hindi kumakanta simula nang may nangyaring aksidente sa akin noong bata pa kami.

Sa loob ng music room, medyo madilim pa dahil 5:30 am pa lang at syempre, nandito na naman sila. 'Yung tipong nakatingin sa akin na parang may gagawin akong masama kahit wala naman talaga tapos may iba naman, palakad-lakad sabay tatagos sa pader na dahilan nalang ng pag-iling ko. Itong music room ay halata ring bibihira lang magamit dahil may mga instrumentong nakatakip pa ng malaking puting tela para hindi masyadong maalikabukan. Ngumiti ako sabay pasok para buksan ang bintana kahit bahagya lang at sinimulang linisin ang itim na piano. Pagkalinis ko, kinuha ko ang bag ko para kunin ang ipod para simulang kapain 'yung kantang nasa isip ko.

Hinayaan ko lang ang sarili na kainin ng musika hanggang sa nadama kong umiinit na maliban sa init mula sa araw dahil din sa may mga estudyante na sa school kaya naman tinigil ko na para pumasok na sa clasroom. Sa pagpunta ko sa clasroom, heto na naman ang mga bulungan na pilit kong hindi pinapansin pero medyo umaabot na sa dibdib ko.

"Think of her."

Bulong sa akin ng gwapong multo na lagi kong kasama na si Zel na dahilan kung bakit kahit papaano, napakalma ako. Ang kaso, heto na ang worst of worst among the two bitches, Nicky. Sa totoo lang napansin kong siya lang mag-isa ngayon na medyo kina-isip ko pero binale-wala ko na lang dahil si Issy lang naman dahilan kung bakit ko sila pinagmamasada sa malayo.

"Wow, this is new! Wala ka sigurong 'two idiots' bodyguards – ay oo nga pala, hindi sila bodyguards pero fuck boyfies," Pang-aasar ng wagas ni Nicky sa akin habang tumatawa sabay bangga sa balikat ko pero hindi tumama sa akin dahil kay Zel.

Tinapik ni Zel 'yung balikat ko bago pa tuluyang tumama ang balikat ni Nicky sa balikat ko na medyo kinawalan niya ng balanse. Nakita ng iba namin kaklase iyon kaya pinagtawanan siya na dahilan naman para itulak ako ng malakas ni Nicky para pagtakpan ang pagkahiya niya. Sa pagtulak niyang iyon, tumama ang buong likod ko sa puting pisara na naging dahilan ng medyong pagkahilo.

"Deserved you right, bitch!" Nakangising sinabi ni Nicky sabay lakad papuntang pwesto niya samantalang umiikot ang paningin ko hindi lang dahil sa pagtulak sa akin ni Nicky but to them as well.

May isang itim na usok sa isang sulok ng silid namin at sobra siyang makatitig na animo'y tinutunaw niya ako sa pagkatitig niya. 'Yung mga mata niyang puno ng selos, inggit, galit at dugo dahil matatalim ang tingin niya sabay ngiti na nagmumukhang demonyo sa itsura. Sa pagkatingin ko roon, hindi ko namamalayang inaalala na ako ng mga kaklase ko dahil sa dumudugo na naman ang ilong ko.

"A-ayos lang ako... Anemic lang siguro," Sabi ko sa isang kaklase na tinulungan akong makaupo sa upuan ko.

Sa pagka-upo ko sa pwesto ko, dama kong umiinit ang pakiramdam ko dahil kay Zel. Hindi ko alam kung bakit pero dama kong pinoprotektahan niya ako na dahilan naman para bahagyang mapangiti ako dahil naalala ko ang sinabi sa akin ni Issy.

"Issy..." bulong ko na eksaktong tumunog ang cellphone ko at eksaktong dumating na rin ang guro namin kaso, bago siya makapagsimula ng klase, tinawag niya ako na agad ko namang nilapitan.

"Umuwi ka na, kailangan ka ng pamilya ni Ms. Madrigal," Sabi niya sa akin na dahilan naman para tignan ko ang cellphone ko at totoo nga, pinatatawag ako ng nanay ni Issy.

"Sige po ma'am, salamat po." Ngumiti ako ng may paggalang bago kinuha ang mga kagamitan ko at agad na ring umalis para makapunta na sa bahay ng mga Madrigal.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon