Chapter Nine

11 2 0
                                    

Eduard Santinez POV

Sa pagdating ko ng school, napansin kong nagbubulungan ang mga estudyanteng nakakasalubong ko. Pero hindi ko nalang pinansin kung anong pinagbubulungan nila hanggang sa nakita kong nag-uusap ang dalawa.

"Miss me, babe" paglalambing ko kay Laurelei.

"Yep!" Agad na sagot ni Laurelei sabay halik sa labi ko na kinagulat ko kasi kaninang umaga hindi niya hinayaang halikan ko siya.

Morning breath? Well, who cares.

"Anong pinag-uusapan ninyong dalawa?" tanong ko sa kanila na kinatawa ni Ruberto.

"Porn hahaha!" patawang sagot ni Ruberto sabay takbo na parang bata.

"Lakas ng tama mo, Rub! "nahihiyang sigaw ni Laurelei kay Ruberto na biglang dumila nang parang bata na dahilan ng pag-iling ko.

"Hindi nga babe, porn?" paasar kong tanong sa kaniya.

"Sira. Hindi 'yon. Pinag-uusapan lang namin 'yong nadama niya noong nasa infirmary kami. 'yong nawalan ako ng malay." Sagot niya sa akin na may hampas na kasama.

"Oh, anong meron doon?" usisa ko dahil wala siyang nabanggit sa akin doon.

"May nararamdaman daw siyang may nakatingin sa 'min noong nasa infirmary kaso wala namang ibang tao." Sagot naman niya sa akin na hindi ko pinaniniwalaan.

"Ahh, okay." sabi ko tapos napahinto siya sandali, sabay pasok sa loob ng classroom namin.

Nagtataka ako kung ano 'yon pero sa pagpasok ko, heto na naman ang mga bulungan nila.

"Welcome back two-timer bitch." Paasar na sinabi ni Issy na kinatawa ng mga kaibigan nito.

"Eduard, your girl is hitting on Ruberto as well." Gatong ni Therese na kinatawa nilang tatlo pero 'yong mga kaklase namin – tahimik lang.

"Eduard, tawag ka ng homeroom teacher natin." Sabi sa akin ni Camile sabay pasok sa kabilang classroom dahil sa umaga magkaklase kami, at sa hapon si Laurelei naman.

Tumango lang ako at agad na akong pumunta sa admin's office kasi mabilis uminit ang ulo ng adviser namin. Kung sa online games na rpg, ang adviser namin ay isang final boss kapag nagalit.

Laurelei Ravan POV

Tulad ng inaasahan, heto na sila Issy sa pang-aasar sa akin. Sa totoo lang nakakamiss makasama ang best friend mo na pinagpalit ka sa isang tsimis na mismong gumawa ay ang dalawang kasama niya. Wala naman akong magagawa dahil pinili niyang pakinggan ang dalawa kaysa sa akin na matagal na niyang kasama simula noong elementary palang kami.

Nakakalungkot dahil lagi kaming magkasama at siya lang ang nakakaalam na pinsan ko si Ruberto. Laki rin ng pasasalamat ko na hindi niya pinagkakalat na magpinsan kami ni Ruberto dahil sikat si Ruberto at ayoko na dahil sa akin, mawala bigla iyon sa kaniya.

"Nakakamiss ka Issy," bulong ko sa isip ko habang nakatingin sa kanilang tatlo at alam kong hindi iyon ang tunay na ngiti ni Issy.

Minsan nahuhuli ko siya nakatingin sa akin na tila ba ay nangungulila at gusto niya na akong makasama kaso hindi. Napa-iling na lang ako dahil nagagalit ako.

"Nawala ang nag-iisa't pinakamamahal kong best friend." bulong ko sa sarili na dahilan ng biglaan kong pagtakbo papalabas ng classroom dahil alam kong maiiyak lang ako at iyon ang ayokong makita ng kahit na sino.

Well, maliban sa kanila. Sa kaniya.

"Leave me alone, please..." sabi ko sa kawalan sabay upo sa sahig sa may garden sa rooftop.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon