Chapter Three

11 2 0
                                    

Laurelei Ravan

Lahat ng mga activities noong hapon ay naudlot dahil sa nangyari sa isa sa mga caretaker ng eskwelahan na ito. Sa totoo lang nagtataka parin ako sa nangyari kanina dahil nakita ko ‘yung caretaker na iyon bago pa nila ito nakitang wala ng buhay pa. Hindi mawala ang pagtataka o kahit maging ang pangamba sa aking dibdib kung paano siya namatay. Sa pagkakatanda ko ay tinadyakan ko lang naman siya sa maselang parte ng katawan sa isang lalaki kaya napapaisip ako kung paano siya namatay dahil dalawa lang naman kami sa parte ng gubat na iyon.

Hindi mawala sa isipan ko ‘yon kahit na naglalakad ako patungo sa bonfire kung nasaan na ang lahat para sa isang jamming session. Malalim ang iniisip kahit nakaupo na ako katabi ang mga ka-groupmates ko. Ni hindi ko namamalayang nagsisimula na pala sila dahil para sa akin sobrang layo nila para aking madinig nang biglang may dalawang kamay ang pumatong sa balikat ko na siyang kinagulat ko. Napasigaw ako ng malakas na dahilan kung bakit masama ang tingin sa akin ng matabang guro namin na agad ko namang kinahiya nang madinig ko ang tawanan ng iba.

“Sorry.” Paumanhin ko sa lahat at pinagpatuloy ang jamming.

Napatingin ako kung sino ang taong tumabi sa akin habang bakas sa kaniyang mukha na nagpipigil siyang tumawa sa reaksyon ko sa kaniyang ginawang panggugulat sa akin.

“Sige pa, tawa pa.” inis ko sinabi kay Eduard na kinailing niya habang pinipigil ang tawa.

“Di, sige sorry na babe…” Sabi niya ng ipulupot niya ang braso sa balikat ko na hinayaan ko lang habang ang isip ko ay bumabalik kung anong nangyari kaninang tanghali.

“Lalim na naman ng inisip mo.” Pansin ni Eduard na kinabugtong-hininga ko nalang.

“Wala. Siguro pagod lang ako.” Palusot ko na naman kahit ayokong magsinungaling sa kaniya pero kailangan dahil hindi niya alam ang sikreto ko.

Walang nakakaalam ng sikreto ko kahit sobrang bigat na sa pakiramdam na itago ito pero kailangan e.

Lahat nagkakatuwaan dahil sa kwentuhang naganap. Andyan ang kwentuhan ng mga kakatatawanan at higit sa lahat katatakutan pero ang talagang kinatahimik ng lahat ng magkwento ang matandang sumalubong sa amin. Kilala ang matanda sa tawag na Manong Hernan. Isa siya sa malapit na katiwala ng may-ari ng lupaing kung saan nakatayo ang eskwelahan na ito.

“Noong binata pa ako, naging malapit ako sa anak ng may-ari at ang batang iyon ay naging tanyag na manunulat ng mga kwentong kababalaghan na may bahid ng katotohanan.” Simula ni Manong Hernan na agad nakapukaw ng atensyon ng lahat lalo na ako.

“Lahat ng sinulat niya ay mula sa totoong kaganapan sa kaniyang buhay dahil nakakakita at nakakahalo-biro niya ang mga ito. Lalo nang naitayo ang school na ito na kilala sa tawag na ‘dilim ng buwan’ dahil sa libro kaniyang sinulat at tulad ng sinabi ko lahat ng kwento niya ay mula sa kaniyang karanasan.” Patuloy na kwento ni Manong na bigla akong kinalibutan na wala namang kahangin-hangin sa paligid.

“Bakit naman pong tinawag ito na dilim ng buwan?” tanong ng isang ka-batchmate namin.

“Dahil sa mga multo at nilalang na nagpapakita lalo na sa lugar na iyon.” Sagot ni Manong sabay turo sa gawi kung saan ang nakasarang itim na gate na dahilan para mapatingin ang lahat sa gawing iyon.

“May isang lalaking nakapagtapos dito at napabalitaang namatay dahil sa isang aksidente. Magmula noon, nagpaparamdam na siya sa lugar na iyon sa tuwing sumasapit ang ‘Ber Month’ kadalasang may nangyayaring pagkamatay ng kung anu-anong hayop na nililigaw o maging tao man sa kagubatang iyon kaya laking gulat ko na may nangyaring ganoon kaninang umaga.” Patuloy ni Manong na medyo kinasimula ng pagkaramdam ng takot ng mga estudyante.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon