Chapter Fifteen

11 2 0
                                    

Laurelei Ravan POV

Pagdating namin sa bahay may nadama akong nakatingin sa 'min ngunit nang silipin ko naman wala naman kaya binalewala ko na lang at sinundan sila Ruberto na siya pa ang nangungunang buksan ang bahay namin. Wala talaga siyang hiya sa t'wing nagagawi siya sa bahay. Sa loob ng bahay namin, agad bumungad ang nagtatawanang tinig sa kusina kaya naman sumigaw na ako para malaman nilang nandito na ako sa bahay.

"Tay, Nay, andito na po ako at may isang bisita at isang buwisita akong kasama!" sigaw ko na dahilan naman para sumilip ang nanay kong naka-apron pa.

"Oh, sina Ruberto at Frost lang pala akala ko kung sino na kasama mo ngayon, e," Pabirong sabi ng nanay ko na kina-iling ko na lang.

Sa pagpasok sa loob, uupo na sana si Frost sa isang lazy boy chair na malapit sa daan patungo sa hardin namin.

"Frost 'wag ka d'yan. May magagalit." Pigil ko kay Frost na agad naman niyang sinunod at umupo na lang sa tabi ni Ruberto na tumatawa dahil paupo na kasi siya nang pigilan ko.

"Pasensya na, marami sila dito at hindi ko alam kung saan sila galing. Dito muna kayo, magbibihis lang ako," sabi ko sa kanila sabay tungo sa aking silid.

Sa pagbibihis ko, dama kong may nanunuod sa loob ng silid ko na dahilan na naman ng pagkunot ng noo ko pero hinayaan ko lang kaso sobrang hindi ko na makayanan ang mga matang grabeng makasaksak ng tingin sa buo kong katawan.

"ZEL, GET OUT!" sigaw ko na alam kong rinig sa buong bahay. Ganoon kasi kalakas ang boses ko kapag sobrang naiinis o talagang sagad na ang pasensya ko.

Kahit sumigaw na ako, wala pa ring epekto dahil hindi siya lumabas ng kwarto ko bagkus ay tinawanan lang niya ako na lalong kina-iinis ko na. Sa pagkainis ko kung anong mahawakan ng kamay ko, agad lumilipad dahil sa paghagis ko sa kaniya na lalong kinatawa niya.

"KAINIS MAGPATAMA KA NAMAN!" sigaw ko na halatang napipikon na ako sa pang-aasar sa akin ni Zel.

'I'm a ghost remember.'

"WHO CARES YOU'RE A GHOST? YOU EVEN LET ME TOUCH YOU, YOU STUPID ZEL!" sigaw ko na naman sabay bato ng isang libro na tama sa mukha mismo ni Zel kaso multo kasi siya kaya papaanong tatama iyon sa kaniya.

ARGH!!!!

"DON'T SHOW UP NOT UNTIL I NEED YOU!" sigaw ko sa kaniya sabay bukas ng pinto at binagsak ito ng pagkalakas-lakas.

Dire-diretso akong bumaba patungo kila Ruberto na laglag ang panga sa pagkabigla sa ina-asta ko sa bahay. Napa-iling na lang ako sabay upo sa isa pang lazy boy na upuan na malapit sa sopa kung saan sila nakaupo.

"Don't ask. So, Rub, spill it out." Inis kong sinabi sa kaniya na kinatungo na lang niya na kinapipigil naman ni Frost sa pagtawa dahil tiklop si Ruberto sa akin kapag hindi maganda ang mood ko.

"Okay, kanina sa sementeryo dama kong nandoon sila pero may kakaibang nakapaligid sa museleyo nila Issy. Hindi ko alam kung ano pero it's not bad nor good. Basta, hindi ko siya mapaliwanag," sagot ni Ruberto sa akin na kinatungo ko na lang nang sumabat ang nanay ko.

"Ibig sabihin lang noon, may bantay sa muselyo mismo nila Issy," sabi ng nanay ko na kinataka naming tatlo.

"Anong ibig sabihin po ninyo?" tanong ni Frost na bakas sa mga mukha namin ang pagtataka.

"Bago ko ikwento iyon, kumain muna tayo at kailangan malaman ni Ruberto iyon dahil parehas kami," sabi ng nanay ko na nakangiting pagkawagas na ngayon ko lang napagtantong may nalalaman siya sa mga nakikita ko sa paligid.

Kumain nga kami ng hapunan at pagkatapos naming kumain, pinapunta kami ng nanay ko sa hardin namin. Hinintay namin siya roon dahil may ikukwento siya na hindi niya nakukwento sa akin. Sa pagdating ng nanay ko, may dala-dala siyang isang mangkok na may tubig, samantalang ang tatay ko naman ay may dalang isang maliit na pasong pinagtitirikan ng insenso at apat na kandila. Napapa-isip kami kung bakit kailangan no'n. Sa paglagay ng tatay ko ng paso sa gitna ng mesa at nilapag na rin ng nanay ko ang mangkok, agad nilang nilagay ang mga kandila na kapalibot sa 'min. Ngayon ko rin napansing may tirikan pala kami ng kandila dito sa hardin. Sa pagkalagay nila nito ay umupo na sila sa tabi namin na nakapalibot pabilog sa isang mesa maliit lamesita. Sa madaling salita naka-upo kami sa damuhan ng hardin namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon