Chapter Ten

7 2 0
                                    

Laurelei Ravan POV

Bigla ako nagising nang 5:30 ng umaga dahil sa panaginip ko tungkol kay Therese. Iba ang kabang nadama ko sa panaginip na mukhang totoo. Naalala ko 'yong movie na The Mirrors dahil may parte kasi sa movie na iyon na halos kaparehas ng nangyari kay Therese. Napa-iling na lang ako dahil ayokong maalala pa hanggang sa marinig ko na naman si Zel.

"Seriously Laurelei? Why blushing?" reklamo ko sa sarili ko dahil naalala ko ang eksena naming dalawa sa rooftop.

"Lei-Lei!" katok ng tatay ko na kina-bigla ko naman.

"Tay! tay! nakakagulat ka naman eh." nakanguso kong sinabi sa tatay ko na kinataas ng kilay nito pero naka-tawa naman.

"Nagulat? Seryoso? Lei-lei, ang huling pagkagulat mo ay noong grade school ka! So tell me, what's going on?" usisa na ng tatay ko na medyo kinakaba ko dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi kung anong mga nangyayari sa akin ngayon.

"Lei-lei, pupuntahan natin lola mo sa darating na bakasyon niyo." Dagdag ni tatay. Pina-alala ng tatay ko ang plano naming mag-anak sa pagbisita ng lola kong napakatanda na pero malakas pa para sa isang 105 years old.

"Eh? Ayoko!" tanggi ko dahil sobrang layo ng biyahe dahil halos nasa bundok ang bahay ng lola ko, 'yung tipong nasa liblib na lugar at medyo malayo sa mga tao sa hindi ko malamang dahilan.

"Lei, baka siya lang ang makatulong sayo – sa pagkagulat mo." Matalinong sabi ng tatay ko na bigla kong kinalalag panga dahil sa parang may alam na siya sa nangyayari sa akin.
Pagka-sarado ng pinto ng tatay ko, heto naman ang naririnig ko ang napakagandang tinig ng pagtawa ng isang nilalang na dating kina-iinisan ko pero ngayon ay nagbibigay kaba na sa akin.

"Hindi nakakatuwa Zel!" namumulang sigaw ko sa kaniya na batid kong narinig ng tatay ko dahil mismong siya'y natawa din sa likod ng nakasaradong pinto ng kwarto ko.
Napa-iling nalang ako sa nangyari sabay buntong-hininga pero nang mapatingin ako sa aparador ko bigla akong may naalala. Nilapitan at binuksan ko ang aparador ko sabay kuha sa isang kahon sa likod ng damitan ko dahil gumawa ako ng isang hidden volt na nag-blend sa looban ng aparador ko. Pagkakuha ko ng isang itim na kahon, binuksan ko iyon at napangiti ako ng bahagya dahil ang bumungad ay ang larawan naming tatlo nina Ruberto at Issy noong mga bata pa kami. Naalala ko birthday ko noon at sa unang pagkakataon nakilala ko ang pinsan ko na naging unang best friend kong lalaki samantala si Issy...

"Issy..." sambit ko na dahilan ng pagkalungkot ko.

Si Issy kasi 'yong tipong hindi mo mapaglilihiman kahit anong lihim ang gawin mo, masasabi at masasabi mo iyon sa kaniya. May gano'ng awra siya at sa totoo lang, naging magkaibigan kami noong baguhan palang siya sa school ko. Hindi siya pala-pansin o sabihin na nating hindi siya pala-kaibigan kaya nang makilala niya ako, nagbago siya mula sa pagiging mapag-isa hanggang sa naging masayahing tao siya.

"Zel, sa tingin mo magkakaayos pa kami?" tanong ko sa multong tumabi sa akin dahil nakaupo na ako sa sahig habang nakasandal sa aparador ko.

Malapit kaming dalawa ni Issy hanggang sa nakita ko may itim na aninong laging sumusunod sa kaniya. Noong unang sinabi ko iyon sa kaniya, hindi siya naniwala pero noong kaarawan ko, hindi ko masyadong maalala pero ang natatandaan ko hinawakan ko lang mukha ni Issy at nilapit ang noo ko sa kaniya. Doon niya nakita kung anong nakikita ko.

Simula noon, naging sikreto na naming dalawa iyon kaso nang graduation, hindi ko alam kung bakit ako galit at nasigawan ko siya.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon