Chapter Seven

11 2 0
                                    

Unknown POV

Different voices running into on space; a simple conversation with mixed emotions yet worried tones reflected the care that can't be shown - she hates them.

'She can see now, doesn't she?'

'Of course no. she hate us remember?'

'But she was a kid back then...'

'Still that doesn't change the fact that we lied to her.'

'She still hate us.'

'ENOUGH! She can see us again and it will be worst if she doesn't accept it.'

Laurelei Ravan POV

Grabe kahit sa pagtulog ko, hindi pa din nila ako tinitigilan dahil sa nadidinig ko silang nag-uusap at wala akong pake kung sino ang pinag-uusapan nila. Antok na talaga ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko sa mga nakikita ko simula pa kagabi.

Ang lala na kasi.

Sumasakit man ulo ko ng bahagya, hindi na ulit ako makatulog dahil sa naririnig ko sa paligid ko. Nang may nadama akong may humaplos sa aking noo na dahilan ng agaran kong pagdilat dahil alam kong hindi iyon panaginip lang. Agad akong bumangon para tignan kung sino iyon kaso wala naman akong kasama ngayon sa kwarto. Si Eduard ay natutulog sa guest room namin dahil 'pag nagkataong nakita kami ng papa ko, hay naku baka hindi na masikatan ng araw ang boyfriend ko.

Tinitignan kong maigi ang buong paligid ng kwarto ko nang may napansin akong aninong nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko at bigla itong naglakad papatagos ng pintuan ng kwarto ko. Bumangon ako ng tuluyan mula sa kama't lumabas ng kwarto para sundan ang aninong iyon. Alam kong hindi ko dapat gawin iyon pero dama kong wala siyang gagawing masama at hindi ko alam kung bakit ganoon ang pakiramdam ko.

Sa kakasunod ko sa aninong ito, nalingat ako sa paligid ko dahil 'yong mga ayaw kong makita ay hindi man lang lumalapit sa akin bagkus ay nasa iisang lugar lang sila at batid kong nakatingin lang sila sa akin. Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa kwartong katabi ng akin. Ang kwartong iyon ay ang kwartong hindi ko na pinupuntahan dahil sa pangyayari noong bata ako na hindi ko masyadong maalala kung bakit hindi ko na iyon pinupuntahan. Tumagos na naman ang aninong sinusundan ko at sa loob ng silid na iyon, agad na bumungad sa akin ang kulay itim na piano at sa isang glass cabinet. Nandoon ang bagay na hindi ko na nagagamit.

"Hay.. Nostalgia.." buntong-hininga ko sabay kuha ng pinakapaborito kong instrument sa musika at walang iba kung hindi ang violin.

Pagkakuha ko noon ay agad kong pinosisyon ang paghawak at paggamit sa violin sabay tugtog ng My Immortal na tinugtog ni Lindsey Stirling. Sa pagdama ko ng awiting iyon, hindi ko na din namamalayang umaawit na ako at batid kong may kasabay akong tumutugtog dahil naririnig ko rin ang piano na sumasabay sa akin. Hindi ko alam pero napangiti ako kaya hinayaan ko lang iyon at dahil ngayon ang mahalaga ay ang nadadama kong pagkasabik sa pagtugtog ng violin ko na matagal kong hindi na nagagamit.

Sa pagkaatapos kong tumugtog, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nakangiti kahit napalingon na ako sa may piano kung nasaan ang aninong sinundan ko kanina at batid kong nakatingin din siya sa akin.

"Buti ka pa, nagpapakitang ganyan 'di tulad ng iba..." sambit ko nang biglang may naaninag akong kulay ng kutis sa aninong sinabihan ko.

Hindi ako naka-imik sa unti-unting pagpapakita ng itsura ng aninong kasama ko sa kwartong ito. May suot siyang kulay itim na pantalon at itim na sweat shirt jacket pero malabo pa rin ang mukha nito na halatang ayaw niyang ipakita.

Tumayo't nilapitan ako na kinabilis ng tibok ng dibdib ko dahil sa sobrang lapit ng kaniyang malabong mukha sa akin na animo'y hahalikan ako nito sa sobrang lapit. Sa lapit na iyon, wala na akong naririnig na kahit anong tunog iba maliban sa lakas ng kabog ng dibdib ko na halos gustong kumawala nito. Sobrang lakas talaga na dahilan ng pamumula na ng mukha dahil naglalaro sa utak ko kung anong itsura niya.

Tama bang isipin kong kamukha niya si Ian Somerhalder na kilala sa karakter na Damon sa Vampire Diaries na palabas sa telebisyon? Napailing nalang ako sa isipan ko habang walang kurap akong nakatitig sa malabong mukha sa anino ng multong ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tama bang isipin kong kamukha niya si Ian Somerhalder na kilala sa karakter na Damon sa Vampire Diaries na palabas sa telebisyon? Napailing nalang ako sa isipan ko habang walang kurap akong nakatitig sa malabong mukha sa anino ng multong ito.

"Hahalikan mo ba ako? Dalian mo bago kita masapak." Nanginginig ako pero kasabay noon ay nahihiya dahil sa sinabi ko.

Dumistansya ng panandalian pero lumapit ng biglaan sa mukha ko't pinakita ang kanyang mapupulang labi na nadama kong dumampi sa aking labi. Hindi ko alam kung anong reaksyong gagawin ko basta ang alam ko hindi malamig ang buong paligid ng kwarto kung baga nasa tamang temperature lang ito pero wagas na ito. Sobrang kakaiba ang nadadama ko sa multong nasa harapan ko. Iba siya na tila ba'y matagal ko na siyang kilala at higit sa lahat, matagal ko na siyang kasama.

Sa pag-iisip ko ng sobrang lalim, may bahagya akong naalala sa nakaraan ko. Noong bata pa ako.

"SINUNGALING KAYO! NILOKO MO AKO ZEL! AYOKO NA KAYONG MAKITA! Umalis na kayo! Lubayan niyo ako Zel, please!" sigaw ko noong nasa edad akong mga labing-isa o labing-dalawa dahil kakatapos lang ng graduation namin kahapon.

Tumatakbo ako habang umaapaw at walang humpay sa pagpatak ang luha sa aking mukha ng lumabas ako ng bahay. Hindi ko man lang tinignan kung saan ako patungo basta ang nasa isipan ko lang noon ay lumayo hanggang sa...

"LAURELEI!" sigaw ng isang pamilyar na boses na inaway ko.

"Zel..." sambit ko nang umitim bigla ang buong paligid.

Sa bahagyang pagka-alala ko sa nangyaring aksidente sa akin noong bata ako, bigla ko nalang natakpan ang aking bibig dahil hindi ako makapaniwalang may dahilan pala ang aksidenteng iyon sabay naluha ako pero ang multong nasa harapan ko ay hindi pa din umaalis. Batid ko rin na nag-aalala ito sa akin, napa-iling nalang ako at heto na naman ang sakit ng ulo ko.

"Sleep well, my love." Malambing niyang sinabi sa akin na eksaktong kinadama ko ng antok na agarang kinalata ko para bumagsak sa sahig.

Alam kong dapat babagsak ang buong katawan ko sa sahig pero hindi ko naramdaman 'yong sakit bagkus nadama kong may bumuhat sa akin at hiniga sa isang malaking couch na nasa loob ng kwarto. Nang naihiga na ako sa couch dito ko nadamang hinalikan niya ako sa noo na dahilan ng agarang kong pagkatulog.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon