Chapter Six

7 2 0
                                    

UNKNOWN POV

Ring the bell so loud and clear;

make them ring throughout the night sky.

Open the gates of the unseen world;

The world that they never knew that existed

yet a medium will.

Break those chains

to release everyone from the past.

Let them move

to be reborn into new life

yet only one blood string

bounded to be with the medium

until its last breath.

‘The wheel of her fate begins to move now.’

Eduard Santinez POV

Nagising ako dahil sa ingay ng mga kasama ko sa bus at dahil doon sa wirdong panaginip ko tungkol sa nangyari kagabi pero sa ibang katauhan. Sobrang wirdo dahil nakikita ko ang sarili ko, si Ruberto pati na si Laurelei na natulala dahil sa nangyari noong gabing iyon. Ang totoong nakagimbal sa akin na dahilan ng tuluyan kong paggising ay ang mga salitang ito…

‘The wheel of her fate begins to move now.’

“Eduard, andito na tayo sa school.” Sabi sa akin na katabi kong si Camile bago siya naunang bumaba ng bus.

Sa pagkababa naming lahat, nakita ko agad si Laurelei na iba ang itsura para siyang namumutla at akay-akay siya ni Ruberto. Sa nakita kong iyon agad ako nagtungo sa gawi nilang papasok na sa loob ng school.

“Anung nangyari?” tanong ko kay Ruberto nang maabutan ko silang dalawa sa may gate na ng school.

“Eto, hilong-hilo ang prinsesa kaya dadalhin ko muna sa infirmary.” Sagot ni Ruberto na tinulungan ko na sa pag-akay kay Laurelei na akala mong naglasing ng husto.

Sa pagdating namin sa infirmary, agad naming hiniga si Laurelei sa isa sa mga bakanteng kamang naroon. Pagkadating ng doktor ng school namin sa loob ng infirmary ay agad binigyan ng gamot si Laurelei at hinayaang magpahinga habang binabantayan namin siyang natutulog ng mahimbing.

“Ruberto, ano bang nangyari at nagkaganyan siya?” tanong ko kay Ruberto habang nakahiga din sa isang kamang katabi ng hinihigaan ni Laurelei.

“Hindi ko sigurado kung bakit pero may nakita ata si Laurelei na ayaw niya.” Sagot ni Ruberto na kinakunot ng noo ko dahil hindi naman malinaw ang sinabi niya.

“Dude, hindi ko sigurado kung ano man ang nakita niya pero ang alam ko kagabi pa mabigat pakiramdam niya.” Paliwanag ni Ruberto sa akin na kinatungo ko nalang sabay tingin kay Laurelei na mahimbing na natutulog.

“Ed, tawagan mo na kaya parents ni Lau.” Paalala sa akin ni Ruberto na agad ko naman ginawa kaya lumabas ako para kausapin si tito.

Tatawagan ko palang si tito ng may nadama akong may dumaan papasok sa infirmary pero wala naman kaya hinayaan ko nalang. Sa pag-dial ko ng number ni tito at hinihintay nalang niyang sagutin ito ng biglang may nahagip ang mga mata kong may kung sinong naka-itim na dumaan sa tabi ko sabay pasok sa infirmary. Nang tignan ko naman ng mabuti wala namang tao sa pasilyo o nasa harapan ng infirmary kaya napa-iling nalang ako na eksaktong sinagot na ni tito ang tawag ko.

Laurelei Ravan POV

Sa paggising ko agad kong nakita si Ruberto na lumapit sa akin na halatang nag-aalala sa nangyari sa akin. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero heto na naman sila. Simulang nangyari iyon kagabi sa camping namin, lalo silang nagpapakita sa akin ng wagas.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon