Chapter 1: Love Love Love

1.4K 14 5
                                    

Note: Play the instrumental video on the lower right part. Reading this with music is way better!

(Music: Moving Closer)

----

Habang nasa eskwelahan si Ish, biglang bumuhos ang malakas na ulan at kasabay nito ang pag-alis ng kanilang guro.

"Umuulan na naman. Wala pa naman akong payong." Malungkot na sabi ni Ish.

"Sus! Okay lang yan! Pare-parehas lang tayo dito." Sabi ng kaibigan niyang si Lexine.

"Lex? Ano na kayang nangyari kay Kyler? Bigla na lang kasi siyang hindi nagparamdam eh."

"Malay mo busy lang. Wag ka ma-praning jan."

"Haaays. Dapat pala hindi ko na lang siya pinayagang manligaw sakin kasi ngayon nga na hindi pa kami, ganyan na siya. Pano pa kaya kapag kami na?" Sabay buntong hininga.

Tinapik ni Lexine si Ish. "Wag ka ngang nega jan! Alam mo ang O.A mo ha! Isang araw lang naman hindi nagparamdam, nagmumukmok ka na agad jan. Kating kati ka na bang sagutin siya? Magpaka dalagang Pilipina ka naman!" Sabay hawi sa bangs niya.

Napakamot ng ulo si Ish. "Kahit na no! May karapatan padin ako kasi ako yung nililigawan. At saka namimiss ko na agad siya eh." 

"Luuuuuh? PBB TEENS!!? Hay nako. Ewan ko ba sayo babae ka. Di ko alam kung maaawa ako o maiinis sayo eh."

"Tignan mo, wala man lang text sakin. Ni hindi rin tumatawag." Sabay lapag ng cellphone niya.

Kinuha at tinignan naman ni Lex ang cellphone ni Ish. "Baka wala ng panload? Araw araw ba naman kayong magkatext eh."

"Tigilan mo na nga ako. Ginugulo mo lang lalo ako eh. Matutulog na muna ko. Wala naman ata si Ma'am eh." Yumuko na nga si Ish at natulog.

"Tulog ka ng tulog! Bahala ka nga sa buhay mo!" Sabay tayo mula sa kinauupuan niya."

Si Ish ay ulila na sa mga magulang. Tanging ang lola na lang niya ang kasama niya. Pero kahit ganun, matuturing na nasa mayamang pamilya si Ish. Hindi makakailang isa siyang magandang babae. Matangkad, maputi, hindi naman mataba pero hindi rin payat, matangos ang ilong at ang mga mata ay mejo singkit na bilugan. Mabait sa kung mabait itong si Ish at seryoso pagdating sa pag-aaral. Lahat na ata ng gusto ng isang lalaki ay nasa kanya. Nasa 3rd year HS palang siya. Ngayon lamang ito tumanggap ng manliligaw dahil sobra talaga siyang tinamaan. At kung suswertehin, si Kyler ang kanyang unang magiging nobyo. 

Huling subject na nila ito ngunit wala paring dumadating na teacher, hanggang sa mag uwian na kung kaya ginising na ni Lex si Ish.

(Nagri-ring ang phone ni Ish)

Tinapik tapik ni Lex si Ish upang magising. "Ish! Gising! Nagri-ring ung phone mo! Ish!" Kinuha ni Lex ang cp ni Ish at tinignan kung sino ang tumatawag. "Ish!!! Si Kyler tumatawag!!!" 

Nagising ng bahagya si Ish. "Ha? Anong sabi mo?" Dahan dahan na sabi niya.

"Si Kyler tumatawag!!!!" Pasigaw na sabi ni Lex.

Napatayo si Ish sa kinauupuan niya. "Si Kyler!!!!? Akin na!" Nagmamadaling sabi niya.

"Hello Kyler?" Mahinhin ngunit kinikilig na sagot ni Ish.

"Uhm. Nasan ka ngayon?" Sagot ni Kyler.

"Nandito sa 4th floor. Bakit mo natanong? Ikaw asan ka?"

"Nasa labas."

"Ha? Saang labas?"

"Lumabas ka ng room niyo."

"Oh, sige. Teka lang ha."

"Oh, ano daw sabi?" Usisa ni Lex.

Tinakpan ni Ish ang cellphone niya. "Lumabas daw ako ng room." Pabulong na sabi niya.

(Sa labas)

"Oh, wala ka naman dito eh." Naghahanap na sabi ni Ish.

"Tingin ka sa baba." Naka-ngiting sagot ni Kyler.

Gulat na gulat si Ish sa nakita niya. Mayroong malaking banner sa baba ng building at ang nakasulat ay: "Ish, will you be my baby?"

"Oh my God! Ano to? Nasan si Kyler? " Mangiyak-ngiyak na sabi ni Ish na hindi niya namamalayang nabagsak niya pala ang cellphone niya.

"Ish, ayun si Kyler! Sa gilid!" Paturong sabi ni Lex.

Napangiti na lang si Ish at sabay takbo pababa ng building, papunta kay Kyler. Kasabay nito ang walang tigil na pagluha ng mga ulap.

Naiyak na nga ng tuluyan si Ish habang nasa harap ni Kyler. "Bakit ka ba ganyan? Hindi ka na nga nagparamdam ng isang araw, nagpapaulan ka pa. Wala pa naman akong dalang payong." 

Ngumisi si Kyler. "Pasensya na, pinaghandaan ko lang talaga to. Ito namang ulan, hindi nakisama. Tignan mo, pati ikaw. Wag ka nga umiyak." Pangiting sabi ni Kyler habang pinupunasan niya ang mga luha ni Ish.

"Nakakainis ka talaga." Sabay punas din sa mga luha niya.

"Bago mo ko awayin, sagutin mo muna yung tanong ko." Pangiting sagot ni Kyler.

"Uhm."

"Oh, wait lang. Wag ka muna magsasalita." Tinanggal ni Kyler ang suot niyang polo para makita ang customized t-shirt na pinagawa niya. Nakasulat dito ang YES, NO and SUPER YES with boxes.

"Ano yan?"  Tumatawang sabi ni Ish.

"Checkan mo yung box kung ano yung sagot mo." Sabay abot ng pentel pen.

"Eh pano ko susulatan? Basa na."

Napakamot ng ulo si Kyler. "Oo nga no."

Ngumiti si Ish at dali-daling hinalikan sa labi si Kyler.

"Is that a yes?" Nakangiting tanong ni Kyler.

"Super yes!" Nakangiti na may kasamang luhang sagot ni Ish.

At kasabay nito ang mahigpit na pagyakap ni Kyler kay Ish.

"Hoy! Wag na kayong mag PBB TEENS jan! Hug hug pa kayo! Lumalakas yung ulan!" Pasigaw na sabi ni Lex habang kinikilig naman sa dalawa.

-End of chapter-

His Love VS Her Game (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon